ekstensibong pagbasa ppt (report) sfil-12
Post on 12-Feb-2017
210 Views
Preview:
TRANSCRIPT
EKSTENSIBONGPAGBASA
Vaneza E. Tuvida BFE II
◦Ito ay tumutukoy sa malawakang pagbabasa na karaniwang ginagawa ng mga mananaliksik at manunulat. Gaya ng Pananaliksik ng papel, book review, atbp.
EKSTENSIBONG PAGBASA
Ayon kay Brown (1994)Ito ay isinasagawa upang makakuha ng pangkalahatang pag-unawa sa maramihang bilang ng teksto.
Ekstensibong Pagbasa
Ayon kay Long at Richards (1987) -nagaganap ang ekstensibong pagbabasa
kapag ang isang mambabasa ay nagbabasa
ng maraming babasahain na ayon sa kaniyang
interes , mga babasahing kadalasang hindi
kahingian sa loob ng klase o itinatakda sa
anomang asignatura.
Ekstensibong Pagbasa
Layunin ng Ekstensibong
Pagbasa
Ayon sa mga mambabasa:
- ay upang makuha lamang ang “gist” o
pinaka-esensya at kahulugan ng binasa .
Hindi pinagtutuunan ng pansin ang mga
salitang malabo o hindi alam ang kahulugan.
Layunin ng Ekstensibong Pagbasa
Layunin ng Ekstensibong Pagbasa na maunawaaan ang pangkalahatang ideya ng teksto at hindi ang mga ispesipikong detalye na nakapaloob dito.
Maaaring palalimin ng mambabasa ang hilig at interes sa pagbasa.
Layunin ng Ekstensibong Pagbasa
Ayon kay Stephen Krashen (1995) “Free Voluntary Reading: Linguistic and Affective
Arguments and Some New Applications” Second Language Acquisition nina Eckman et al., -
ang malaya at boluntaryong pagbasa ay maaring maging tulay tungo sa mas mataas na kakayahang komunikatibo at akademiko sa wika.
Ekstensibong Pagbasa
Warwick Alley (1996)“Lifting Literacy Levels in Developing Countries: Some Implications from an IEA Study”Saklaw ang 210,000 mag-aaral, at 32 sistemang pang-eduaksyon sa buong mundo .
Ekstensibong Pagbasa
■Mga programa sa pagtuturo ng pagbabasa na nakatuon sa mga istrikto at ginagabayang gawain ng guro na may pokus sa mga tiyak na kakayahan.
Ekstensibong Pagbasa
mas mahina at hindi gaanong epektibo sa pagpapataas ng antas ng literasi kung ikokompara sa mga programang may kinalaman sa pagkuha ng interes ng mga mag-aaral at malaya at indibidwal na pagbasa nila ng mga nais nilang basahin.
Ekstensibong Pagbasa
Richard Day at Julian Bamford (2002)
Sampung Katangian ng Matagumpay na Programa sa
Ekstensibong Pagbasa
1. Angkop ang materyales sa kakayahang panglinggwistika ( bokabularyo at gramatika ) ng mga mag-aaral.
2. Mayroong magagamit na sari-saring materyales sa iba’t ibang paksa.
3. Pinipili ang mga mag-aaral ang gusto nilang basahin.
Sampung Katangian ng Matagumpay na Programa sa Ekstensibong Pagbasa
4. Nagbabasa ang mga mag-aaral ng napakaraming teksto hangaa’t maari.
5. Ang layunin ng pagbasa ay may kaugnayan sa interes at kasiyahang-loob ng mambabasa, pagkuha ng impormasyon, at pangkalahatang pag-unawa.
Sampung Katangian ng Matagumpay na Programa sa
Ekstensibong Pagbasa
6. Ang nakamit na pagkatuto ang mismong gantimpala sa pagbabasa at hindi ano pa mang grado o premyo.7. Mabilis ang pagbasa.8. Ang pagbasa ay indibidwal at tahimik.
Sampung Katangian ng Matagumpay na Programa sa
Ekstensibong Pagbasa
9. Ipaliwanag ng guro sa mga mag-aaral ang kabuuang layunin ng programa.10. Ang guro ay modelo ng mga mag-aaral sa kaskhayan sa pagbasa.
Sampung Katangian ng Matagumpay na Programa sa
Ekstensibong Pagbasa
PASULIT
1. Ito ay tumutukoy sa malawakang pagbabasa na karaniwang ginagawa ng mga mananaliksik at manunulat. Gaya ng Pananaliksik ng papel, book review, atbp.?
ANO ITO?
3-4.Magbigay ng dalawa sa mga Sampung Katangian ng Matagumpay na Programa sa Ekstensibong Pagbasa?
ANO ITO?
7.Ito ay ang masidhing pagbabasa. Maingat at masusi ang pagbabasang ito upang matiyak ang mga detalyeng kinukuha mula sa teksto.
ANO ITO?
8.Ito ay ang mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang pokus ay hanapin ang ispesipikong impormasyon na itinakda bago bumasa?
ANO ITO?
top related