edukasyon sa pagpapahalaga i -...
Post on 30-Aug-2019
296 Views
Preview:
TRANSCRIPT
Open High School Program, EP I Modyul 3 1
Edukasyon sa Pagpapahalaga I
Unang Markahan
Modyul 3: PAGPAPAUNLAD NG MGA HILIG
TUKLASIN ANG IYONG PAG-UNAWA (EXPLORE)
Marahil, narinig mo na mula sa ibang tao ang pahayag na: “Mahalin mo ang iyong
ginagawa at gawin ang mga bagay na iyong minamahal”. Naniniwala ka ba sa
mensahe ng pahayag na ito? Kaya mo bang gumawa ng isang bagay sa loob ng
isang maghapon na kakaunti lamang ang pahinga ngunit hindi gaanong
nakararamdam ng pagod? Sa modyul na ito, matutuklasan mo ang malalim na
kahulugan ng mga naunang pahayag.
Sa modyul na ito, inaasahang:
a. masasagot mo ang tanong na: Bakit mahalaga ang pagpapaunlad ng mga
hilig?
b. maisasagawa mo ang iyong mga tinukoy na paraan o hakbang ng
pagpapaunlad ng iyong mga hilig.
Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng awtput mo sa titik b :
a. Ang mga hilig na pauunlarin ay batay sa pagsusuri sa mga larangan at tuon
ng hilig.
b. Malinaw ang mga paraan ng pagpapaunlad ng mga natukoy na hilig
c. May limang paraan ng pagpapaunlad sa bawat hilig
d. Angkop ang bawat paraan ng pagpapaunlad ng bawat hilig
e. Makatotohanan ang mga paraan ng pagpapaunlad
f. May kalakip na pagninilay
Open High School Program, EP I Modyul 3 2
Paunang Pagtataya
A. Basahin at unawain mo ang kasunod na case study. Pagkatapos ay sagutin mo
ang mga tanong na kasunod nito. Isulat ang mga sagot sa iyong kuwaderno.
Mga tanong:
1. Ano ang kinagigiliwang gawin ni Leslie?
2. Ilarawan ang natatanging kakayahan ni Leslie.
3. Paano nakatutulong sa kaniya at sa ibang tao ang taglay niyang hilig? Ipaliwanag.
B. Ang nasa ibaba ay larawan ng mga kilalang tao sa bansa at sa buong mundo. Ano ang
mga bagay na kinagigiliwan nilang gawin? Tukuyin ito at isulat sa kuwaderno.
A. Pangalan: Heidi Mendoza
Bagay na minamahal na gawin:
______________________________________
Mula pagkabata, nakasanayan na ni Lesli na panoorin ang kaniyang ina sa
paggawa ng oatmeal cookies. Natuto siyang mag-bake at ito ang kaniyang gustong gawin
sa kaniyang libreng oras. Sinubukan niyang magtimpla gamit ang kakaibang sangkap.
Nakatanggap siya ng maraming papuri dahil sa kakaibang sarap ng kanyang
timpla. Dahil dito, nagkaroon siya ng tiwala sa sarili.
Gumagawa siya ng oatmeal cookies kapag may okasyon at ibinibigay sa mga
kaibigan bilang regalo. Hanggang nagbigay siya ng mga ito sa isang ‘Home for the Aged’
dahil nabalitaan niyang wala silang panghimagas.
Sa edad na 15, nagtayo siya ng bakeshop sa tulong ng kanyang mga magulang
dahil sa kakaibang timpla ng kanyang mga oatmeal cookies. (www.guideposts.com)
Open High School Program, EP I Modyul 3 3
Mga Tanong:
1. Sa iyong palagay, bakit sila naging kilala sa kanilang larangan?
2. Nais mo bang maging katulad nila? Ipaliwanag.
3. Malinaw na ba sa iyo kung ano ang iyong kinagigiliwang gawain? Patunayan.
2. Pangalan: Albert Einstein
Bagay na minamahal na gawin:
______________________________________
3. Pangalan: Juan Luna
Bagay na minamahal na gawin:
______________________________________
4. Pangalan: Gary Valenciano
Bagay na minamahal na gawin:
______________________________________
Open High School Program, EP I Modyul 3 4
Pagtuklas ng Dating Kaalaman
Sagutin mo sa iyong kuwaderno ang sumusunod na tanong.
Suriin mo ang iyong isinulat na mga pinagkakaabalahan. Pagkatapos, sagutin ang kasunod
na mga tanong.
1. Ano-ano ang natuklasan mo sa iyong ginawang talaan? Sa iyong ginawang sa
pagraranggo sa mga ito?
2. Bakit mahalaga ang pagtuklas ng sariling mga kinahihiligan? Ang pagpapaunlad ng
mga ito?
Ano-ano ang ginagawa mo sa
iyong libreng oras?
Isulat ang sampung gawain na gusto mong
gawin sa iyong libreng oras. Iranggo mo ito mula sa iyong pinakagusto
(Ranggo 1) hanggang sa pinakahuling gusto (Ranggo 10).
Maaaring ginagawa mo ito sa bahay, sa paaralan, o
pamayanan.
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
___________________
1. _____________________ 2. _____________________ 3. _____________________ 4. _____________________ 5. _____________________ 6. _____________________ 7. _____________________ 8. _____________________ 9. _____________________ 10. _____________________
Ranggo
______
______
______
______
______
______
______
______
______
______
Open High School Program, EP I Modyul 3 5
LINANGIN ANG IYONG PAG-UNAWA (FIRM UP)
Mahalagang maunawaan mo ang Imbentaryo ng mga Hilig at ang Tuon ng
mga ito. Makatutulong sa iyo ang pag-unawa sa mga ito para sa susunod na gawain.
Kasunod ang mga Larangan ng Hilig. Bigyang-pansin mo ang nasabing mga larangan,
kahulugan ng mga ito gayundin ang mga halimbawa.
MGA LARANGAN NG HILIG
O U T D O O R
Nasisiyahan sa mga gawaing
panlabas (outdoor)
M E C H A N I C A L
Nasisiyahan sa paggamit ng mga
kagamitan (tools)
Open High School Program, EP I Modyul 3 6
C OM P U T A T I O N A L
Nasisiyahan na gumawa
gamit ang bilang o numero
(Computational)
S C I E N T I F I C
Nasisiyahan sa pagtuklas ng
mga bagong kaalaman,
pagdisenyo at pag-imbento ng
mga bagay at produkto
(Scientific)
P E R S U A S I V E
Nahihikayat at nasisiyahan sa
pakikipag-ugnayan sa ibang tao o
pakikipagkaibigan (Persuasive)
Open High School Program, EP I Modyul 3 7
A R T I S T I C
Nagiging malikhain at
nasisiyahan sa pagdidisenyo ng
mga bagay (Artistic)
L I T E R A R Y
Nasisiyahan sa pagbabasa at
pagsusulat ng mga akdang
pampanitikan (Literary)
M U S I C A
L
Nasisiyahan sa pakikinig o
paglikha ng awit o pagtugtog
(Musical)
Open High School Program, EP I Modyul 3 8
Ganap mo na bang naunawaan ang iba’t ibang larangan ng mga hilig? Sa pagkakataon
namang ito ay sikapin mong unawain ang iba’t ibang tuon ng mga hilig. Pag-aralan ang
ilustrasyon sa ibaba. May inihandang mga halimbawa para sa iyo.
S O C I A L
S E R V I C E
S
Nasisiyahang tumulong sa ibang
tao (Social Services)
C L E R I C A L
Nasisiyahan sa paggawa ng
mga gawaing pag-opisina
(Clerical)
Open High School Program, EP I Modyul 3 9
OUTDOOR INTEREST
TUON SA TAO (May kinalaman sa TAO)
Pagtuturo sa kamag-aral kung paano
magpinta
TUON SA BAGAY
(Gamit ang mga kagamitan
(tools) at makina
(machines)
Paggawa ng frame para sa
larawan
TUON SA IDEYA
(Pag-iisip at pag-oorganisa ng mga
ideya)
Pagsubok ng bagong kulay para
mapaganda ang larawan
TUON SA MGA DATOS
(May kinalaman sa mga
katotohanan, records, files,
numero, detalye)
Pagtsetsek kung wasto ang
mga paraan sa pagpipinta ARTISTIC INTEREST
TUON SA TAO (May kinalaman sa TAO) Pagtuturo sa kaibigan ng
paglalaro ng badminton
TUON SA BAGAY (Gamit ang mga
kagamitan (tools) at mga makina (machines))
Paggamit ng raketa ng
badminton at shuttle
cock
TUON SA IDEYA (Pag-iisip at pag-oorganisa ng
mga ideya) Pag-iisip ng teknik o paraan
upang maipasok ang shuttle cock
TUON SA MGA
DATOS
(May kinalaman sa mga
katotohanan, records,
files, numero, detalye)
Pagsisikap na
makapagtala ng record
sa larong badminton
(Hal. pinakamabilis na
badminton smash)
Open High School Program, EP I Modyul 3 10
Ganap mo na bang naunawaan ang iba’t ibang tuon ng mga hilig? Kung ang sagot
mo sa tanong na ito ay “oo”, handa ka na upang gawin ang susunod na gawain.
Ang susunod na gawain ay isang pagsusuri sa iyong mga hilig. Ang gawain ay
tinatawag na Imbentaryo ng mga Hilig-Tuon (Interest-Focus Inventory).
Gamit ang kasunod na talahanayan, gawin ang sumusunod:
1. Isulat sa unang kolum ang mga gawaing iyong iniranggo sa unang gawain.
2. Lagyan ng tsek () ang angkop na larangan (interest area) sa ikalawang kolum.
3. Lagyan ng tsek () ang angkop na tuon sa huling kolum.
10 GAWAING
INIRANGGO
LARANGAN NG MGA HILIG
(Interest Areas)
TUON
(Focus)
OU
T
ME
CH
CO
MP
SC
IE
PE
RS
AR
T
LIT
MU
S
SO
SE
CL
ER
TA
O
DA
TA
BA
GA
Y
IDE
YA
Open High School Program, EP I Modyul 3 11
Nasiyahan ka ba sa gawain? Sa pagkakataong ito, sagutin mo sa iyong kuwaderno ang
sumusunod na tanong:
1. Ano-ano ang natuklasan mo sa iyong mga hilig?
2. May pagkakatulad ba ang larangan ng iyong mga hilig sa mga uri ng talentong
natuklasan mo batay sa resulta ng isinagawa mong Multiple Intelligence Survey sa
ikalawang modyul? Ipaliwanag.
3. Sa kabuuan, ano-ano ang tuon ng iyong mga hilig? May kaugnayan kaya ang mga
ito sa:
a. pagtupad ng iyong mga tungkulin? Ipaliwanag.
b. pagpili ng kursong akademiko o teknikal-bokasyonal? Ipaliwanag.
c. sa pagtulong sa kapwa at pakikibahagi sa pamayanan? Ipaliwanag.
PALALIMIN ANG IYONG PAG-UNAWA (DEEPEN)
Upang mas mapalalim ang iyong pag-unawa sa araling ito, may inihandang
babasahin para sa iyo. Sa pamamagitan ng babasahing ito, matutulungan
ka upang ganap na mahinuha ang Kakailanganing Pag-unawa (Essential Understanding o
EU). Ang mga kaalamang tinatalakay sa bahaging ito ay batay sa mga dalubhasang sumulat
ng mga paksang nakaangkla sa dalawang batayang disiplina ng Edukasyon sa
Pagpapahalaga: Etika at Career Guidance.
MGA HILIG
May kakaiba ka bang saya o sigla kapag nagsusulat ka ng iyong mga
pananaw, opinyon o pagninilay? Ipinagmamalaki mo ba ang iyong mga naisulat? Sa iyong
libreng oras, pipiliin mo bang magbasa at maghanap sa internet o mga aklat ng
magagandang ideya na gagamitin mo sa isang sanaysay o tula? Kung oo ang sagot mo sa
mga tanong na ito, ibig sabihin, hilig mo ang pagsusulat.
Ano ba ang ibig sabihin ng hilig?
Ang mga hilig ay preperensya sa mga partikular na uri ng gawain. Ang mga ito
ang gumaganyak sa iyo na kumilos at gumawa. Nagsisikap ka kung may motibasyon ka
dahil gusto mo ang iyong ginagawa, hilig mo ito, at nagagabayan ka ng mga halaga
(values) na makatutulong sa iyong pag-unlad (Santamaria, 2006).
Open High School Program, EP I Modyul 3 12
Sa kabilang dako, kung ang trabaho o gawain mo ay hindi ayon sa iyong mga
hilig, ikaw ay nababagot. Iiwasan mo ang gawaing di mo gustong gawin o
ipinagpapaliban mo ang mga ito. Halimbawa, kahit gusto mong gumamit ng mga
kagamitang pinatatakbo ng koryente (tulad ng coffee maker o juicer), ngunit ayaw mong
subukang gamitin ito, patunay ito na hindi mo hilig ang pagbubutinting (tinker) ng mga
bagay.
Ang ibang hilig ay maaaring:
a. natututuhan mula sa mga karanasan. Halimbawa, dahil sa palagiang
pagtulong sa negosyo ng pamilya na pagtitinda ng mga lutong pagkain,
nakahiligan mo na rin ang pagluluto. Ibinatay mo rito ang iyong kinuhang
kurso sa kolehiyo at minahal mo na ang iyong trabaho bilang chef sa isang
kilalang hotel.
b. minamana. Halimbawa, nasubaybayan mo sa iyong paglaki ang hilig ng
iyong ina sa pag-aalaga ng mga halaman. Habang ikaw ay lumalaki,
napapansin mong nagkakaroon ka rin ng interes sa pag-aalaga ng mga
halaman kung kaya katuwang ka na ng iyong ina sa kaniyang mga ginagawa
sa inyong hardin.
c. galing sa ating mga halaga (values) at kakayahan. Halimbawa, labis ang
iyong pagiging maawain sa iyong kapwa, laging bukas ang iyong puso sa
pagtulong sa iyong kapwa na nangangailangan. Labis ang kasiyahan na
iyong nararamdaman kapag may nagagawa kang kabutihan sa iyong kapwa.
Nakahiligan mo na ang magbigay ng serbisyo para sa ibang tao o kapwa.
Kung gusto mong masiyahan, nagsisilbing gabay ang mga hilig sa pagpili ng mga
gawain. Ang taong nasisiyahang gawin ang isang gawain ay nagsisikap na matapos ito
at may pagmamalaki sa gawaing maayos na ginawa. Ito ang nagbibigay sa kaniya ng
paggalang sa sarili, gayundin nagpapaunlad ng kaniyang tiwala sa sarili.
Isa pa, nakatutulong ang mga hilig, kasama nang aptityud at potensyal at
pangkalahatang karunungan (general intelligence), tungo sa iyong mabilis na pagkatuto
at pagkakaroon ng mga kasanayan (skills). Ang mga hilig ay batayan din ng iyong mga
kasanayan, kakayahan at kahusayan (proficiencies). Mahalagang malaman mo ang
iyong mga hilig dahil palatandaan ang mga ito ng mga uri ng trabaho na magbibigay ng
kasiyahan at kaganapan sa iyo bilang tao.
Open High School Program, EP I Modyul 3 13
Paano mo ba matutuklasan ang iyong mga hilig? Makatutulong sa iyo ang
kasunod na mga hakbang.
1. Pagnilayan ang iyong mga hilig na libangan (hobby) at paboritong gawain. Dahil
ginagawa nang kusang-loob ang hilig na libangan (hobby), ang mga ito ay
pinakamahusay na palatandaan ng mga bagay na iyong minamahal na gawin. Sa
pamamagitan ng pagninilay, maaaring iyong matuklasan na ang iyong hilig na
libangan ay naging bahagi na ng iyong buhay mula pa sa iyong pagkabata.
2. Siyasatin ang mga gawaing nakapagpapasigla sa iyo. Ano ba ang mga gawaing
nagdudulot sa iyo ng sigla at sigasig? Maaaring kasama rito ang iyong mga hilig
na gawain ngunit maaari rin namang mga gawaing iyong ginagampanan sa iyong
pang-araw-araw na buhay. Halimbawa, maaaring may mga gawain sa inyong
tahanan na mas gusto mong gawin kaysa sa ibang mga tungkulin dahil ramdam
mong mas masaya ka habang ginagawa ang mga nasabing gawain.
3. Suriin ang mga gawaing iyong iniiwasang gawin. Ang isa pang palatandaan sa
pagtuklas ng iyong mga interes o hilig ay maaaring sa pamamagitan ng
pagsisiyasat sa mga gawaing mas pinipili mong gawin kapag nahaharap sa
isang bagay na hindi mo nais na gawin. Halimbawa, kakausapin mo ang iyong
kapatid na siya na lamang ang magluto at ikaw na lamang ang maghuhugas ng
pinggan dahil hindi mo talaga hilig ang magluto at alam mong kulang ka sa
kakayahan upang gawin ito.
May dalawang aspekto ng mga hilig: ang
larangan ng mga hilig (areas of interest) at ang tuon ng
atensiyon (Abiva, 1993).
Narito at ating balikan ang sampung larangan ng
hilig:
1. Outdoor – Nasisiyahan sa mga gawaing panlabas
(outdoor)
2. Mechanical – Nasisiyahan sa paggamit ng mga
kagamitan (tools)
3. Computational – Nasisiyahan na gumawa gamit ang bilang o numero
4. Scientific – Nasisiyahan sa pagtuklas ng bagong kaalaman, pagdidisenyo at pag-
imbento ng mga bagay o produkto
Open High School Program, EP I Modyul 3 14
5. Persuasive – Nakahihikayat at nasisiyahan sa pakikipag-ugnayan sa ibang tao o
pakikipagkaibigan
6. Artistic – Nagiging malikhain at nasisiyahan sa pagdidisenyo ng mga bagay
7. Literary – Nasisiyahan at nagpapahalaga sa pagbabasa at pagsusulat
8. Musical – Nasisiyahan sa pakikinig o paglikha ng awit o pagtugtog ng intrumentong
musikal
9. Social service – Nasisiyahang tumulong sa ibang tao
10. Clerical – Nasisiyahan sa paggawa ng mga gawaing pang-opisina
Ang tuon ng atensiyon ay ang preperensiya ng uri ng pakikisangkot sa isang
gawain. Ito ay maaaring sa tao, datos, at bagay.
1. Tao – May kinalaman sa tao
2. Datos – May kinalaman sa mga katotohanan, records, files, numero, detalye
3. Bagay – Gamit ang mga kagamitan (tools) o makina (machine)
4. Ideya – Pag-iisip at pag-oorganisa ng mga ideya
Mahalagang tandaan na ang bawat gawain ay palatandaan o indikasyon ng
maraming hilig at may higit na isang tuon. Halimbawa, ang paglikha ng awit ay
indikasyon ng hilig sa musika (musical) at pagsusulat (literary). Ito ay may tatlong tuon –
tao (pag-awit o pagpaparinig ng nilikhang awit sa kaibigan), datos (paglapat sa mga linya
ng awit ng mga pagkatuto sa karanasan) at ideya (paggamit ng estratehiya kung paano
mapalalaganap ang mensahe ng awit.)
Kung may mga panahon na kahit pagod ka na, patuloy ka pang gumagawa ng
isang bagay kaya’t di mo napapansin ang paglipas ng oras, indikasyon ito ng iyong hilig.
Mahalaga ang pagtuklas mo sa mga ito, pati ang mga tuon ng atensiyon sa bawat isa
dahil palatandaan ito ng uri ng mga gawain, kurso, o trabaho na magbibigay sa iyo ng
kasiyahan o kaganapan. Kung malinaw sa iyo ang iyong mga hilig, maiiwasan ang
pagkabagot o kabiguan sa pagiging abala. Maiiwasan din ang pagpili ng kurso o
trabahong maaaring magbibigay ng malaking suweldo ngunit di naman kawili-wiling
pagkaabalahan. Kung alam mo ang iyong mga hilig, makikilala mo ang mga kongkretong
paraan kung paano mo pauunlarin ang mga ito.
Open High School Program, EP I Modyul 3 15
Naunawaan mo ba ang iyong binasa? Makatutulong ang sumusunod na mga
tanong na ito upang masukat mo ang iyong pag-unawa sa natapos na babasahin.
Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
1. Ilarawan ang mga hilig. Saan nagmula ang mga ito?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
2. Bakit mahalaga ang mga hilig?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
3. Bakit mahalaga ang pagpapaunlad ng mga hilig?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
4. Ipaliwanag ang dalawang aspekto ng mga hilig.
a.______________________________________________________________
______________________________________________________
b.______________________________________________________________
______________________________________________________
5. Bakit mahalaga ang pagtuklas sa mga hilig at ang tuon ng mga ito?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
Nasagot mo na ba ang kakailanganing tanong: Bakit mahalaga ang pagpapaunlad ng mga hilig?
Punan ang graphic organizer sa ibaba.
Pagtupad sa mga
Tungkulin
Paghahanda Tungo
sa Pagpiling
Propesyon
Pagtulong saKapwa
Pakikibahagi sa
Pamayanan
Open High School Program, EP I Modyul 3 16
Paghinuha ng Kakailanganing Pag-unawa (Essential Understanding o EU)
ISABUHAY NG IYONG PAG-UNAWA (TRANSFER)
Sa iyong pagbabasa ng teksto sa bahaging Pagpapalalim ng Pag-unawa,
naunawaan mo ang kahalagahan ng pagpapaunlad ng iyong mga hilig. Nakita mo kung
paano makatutulong ang mga ito sa iyo sa pagkamit ng iyong mga mithiin sa iyong buhay.
Kung kaya sa bahaging ito ng aralin, inaasahan na matutulungan ka upang mapaunlad ang
iyong hilig at magkaroon nang sapat na kahandaan upang isagawa ito. Handa ka na ba?
PAGGANAP
Punan mo ang kasunod na Tsart ng Pagpapaunlad ng Aking mga Hilig. Magandang
karanasan ito upang masanay kang magplano para sa iyong sariling pag-unlad. Ikaw
lamang ang nakakikilala sa iyong sariling kakayahan kung kaya ikaw rin ang makaaalam
kung anong estilo ang angkop sa iyo sa pagsasagawa ng gawain na ito. May inihandang
isang halimbawa para sa iyo upang magamit mo bilang gabay.
Ang pagpapaunlad ng mga hilig ay nakatutulong sa
pagtupad sa mga
tungkulin
paghahanda tungo sa
pagpili ng propesyon
Open High School Program, EP I Modyul 3 17
TSART NG PAGPAPAUNLAD NG AKING MGA HILIG
Mga Hilig Paano Ko Pauunlarin Ito
Mga Taong Hihingan ng
Tulong/Suporta o Kokunsultahin
Panahong Ilalaan
Mga Pangarap na Gusto kong Makamit Gamit
ang Hilig
Maaaring Balakid
Paano Malalampasan
ang mga Ito
Halimbawa:
Pagtugtog ng
gitara
-Tutugtog ako
sa loob ng
isang oras
araw-araw
-Mag-eenrol ako
sa isang guitar
school
Mga kaibigan at
guro
Isang oras
araw-araw
Tuturuan ng
pagtugtog ng
gitara ang mga
kapitbahay
upang
mapaunlad
ang aming
ugnayan at
mailapit ko sila
sa Diyos
Baka may
ipagawa sa
aking
gawain sa
bahay
Ipangangako ko
sa aking
magulang na
pagbubutihin ko
ang pag-aaral,
para payagan
nila ako sa mga
hilig ko.
1.
2.
3.
4.
5.
PAGNINILAY
Ano ang pakiramdam mo nang natapos mo ang gawain? May mga bago ka bang
natuklasan tungkol sa iyong sarili? Halimbawa, paano makatutulong ang iyong mga hilig sa
iyong paghahanda sa susunod na yugto ng buhay? May mga bago ka bang natutuhan o
insights? May mga karagdagang kaalaman ka ba na nasaliksik o mga tanong tungkol sa
hilig? Ang lahat ng sagot sa mga tanong na ito ay isulat mo sa isang dyornal o talaarawan
(diary). Mahalagang naisusulat ang iyong mga karanasan upang magamit mong batayan sa
pagharap sa iba pang mga hamon na darating sa iyong buhay.
Open High School Program, EP I Modyul 3 18
PAGSASABUHAY
Ang tunay na saysay ng pag-aaral sa Edukasyon sa Pagpapahalaga ay makakamit
kung ang mga natutuhan ay mailalapat sa tunay na buhay at maisasagawa nang paulit-ulit
hanggang sa maging bahagi na ang mga ito ng iyong buhay. Makabuluhan din kung
maibabahagi mo sa iyong kapwa ang iyong mga natutuhan. Kung kaya sa bahaging ito ng
aralin, inaasahan na gagawin mo ang sumusunod:
Open High School Program, EP I Modyul 3 19
Maligayang bati sa iyong pagtatapos na mabasa at masagutan ang modyul na ito.
Marapat ito para sa iyo dahil naglaan ka ng panahon at pagod upang tapusin ito. Anoman
ang kaalaman at kakayahan na nakuha mo mula sa modyul na ito ay magagamit mo sa mga
susunod pang modyul. GOOD LUCK and ENJOY!
A. Pumili ka ng isang nagbibinata o nagdadalaga na iyong tutulungan tungo sa
pagpapaunlad ng kaniyang mga hilig. Anoman ang iyong maging karanasan sa
pagsasagawa ng gawain na ito ay kailangan mong isulat sa isang dyornal.
B. Magsagawa ng panayam sa limang nagbibinata o nagdadalaga sa inyong pamayanan
tungkol sa kanilang mga hilig. Mahalagang gumawa ka ng ulat tungkol sa resulta ng iyong
panayam at ibigay ito sa iyong guro pagkatapos ng aralin. Ilakip din sa ulat ang iyong
pagsang-ayon o pagtutol sa mga hilig ng mga kabataang Pilipino sa kasalukuyan.
Open High School Program, EP I Modyul 3 20
Mga Sanggunian:
Abiva, T. (1993). Learning Resource for Career Development. Abiva Publishing House, Inc.
Santamaria, J. (2006) Career Planning Workbook. Makati: Career System Inc.
International Labor Organization. (2007). Guiding Youth Careers: A Handbook for those who Help
Young Jobseekers.
Kawanihan ng Edukasyong Sekundarya. Kagawaran ng Edukasyon. 2010. Gabay sa Pagtuturo sa
EP para sa 2010 Kurikulum ng Edukasyon Sekundarya (SEC) Pasig City: Awtor
Mga Larawan
(All Retrieved on May 15, 2011)
http://rizalarchive.blogspot.com/2009_02_01_archive.html
http://www.mlahanas.de/Physics/Bios/AlbertEinstein.html
http://www.manilatimes.net/news/topstories/heidi-mendoza-to-rethink-malacanang%E2%80%99s-govt-job-offer/
http://casinonewsauthority.com/manny-pacquiao-betting-boxing-legend-congressman/119990/
http://www.mirror.co.uk/news/top-stories/2009/10/27/
http://www.garden-ideas.co.uk/
http://bestsandiegoautomechanic.com/
http://www.pruner.biz/2010/11/09/carpentry-tools-3/
http://professionalpowersupplyrepair.com/computer-troubleshooting-2/
http://www.dreamstime.com/royalty-free-stock-images-calculate-money-image11809159
http://wn.com/Solving_Equations_for_a_Variable
http://www.shelter-systems.com/archeology.html
http://www.weblearneng.com/author/admin/page/313
http://www.buzzle.com/articles/botanist-job-description.html
http://www.csudh.edu/ee/meetingandevent.html
http://www.myweddingideas.net/the-wedding-planner-coordinator/
http://www.discussionpartners.com/services.html
http://www.arttherapyblog.com/child-art-therapy/art-therapy-with-children-teens-in-bangkok-thailand/
http://blogs.dixcdn.com/shine_a_light/2009/02/03/
http://showmehealthbiz.com/category/positive-minds/
http://www.dreamstime.com/royalty-free-stock-photography-band-playing-instruments-image17883807
http://www.creativedancestudio.com/images/Girl_Singing.jpg
http://stockfresh.com/image/61635/two-classmates-helping-each-other-out
http://crazylola.multiply.com/journal?&page_start=140
http://healthyandhappyinlife.com/the-heart-is-healthier-if-often-listen-to-people-sharing/
http://invest-money-stocks.com/finance-tips/budgeting-finance-tips/wait-a-month-before-buying
http://www.istockphoto.com/stock-photo-4557579-things-to-do-list.php
http://www.superstock.co.uk/stock-photos-images/4158R-12307
http://theblizzardtemptation.blogspot.com/2010/06/i-knew-that-im-nut-but-i-dont-pretend.html
http://www.worldofstock.com/stock_photos/APA1088.php
http://www.shul.co.uk/
http://www.turnbacktogod.com/mother-teresa/
top related