divine mercy natomas catholic church

Post on 22-Feb-2016

98 Views

Category:

Documents

1 Downloads

Preview:

Click to see full reader

DESCRIPTION

DIVINE MERCY NATOMAS CATHOLIC CHURCH. Simbang Gabi December 16, 2011. PAMBUNGAD NA PANALANGIN. - PowerPoint PPT Presentation

TRANSCRIPT

DIVINE MERCYNATOMAS CATHOLIC

CHURCH

Simbang GabiDecember 16, 2011

PAMBUNGAD NA PANALANGIN

Loving God, you speak to us and nourish us through the life of this church community. In the

name of Jesus, we ask you send your spirit to us so that men and women among us, young and old, will respond to your

call to service and leadership in the church.

We pray especially in our day for those who hear your invitation to

be a priest, sister, brother or deacon. May those who are

opening their hearts and minds to your call be encouraged and

strengthened through our enthusiasm in your service.

Amen.

AWITING PAMBUNGAD

HALINA, EMANUEL

Halina, O Emanuel, At tubusin ang Israel

Nalulungkot sa pagkatapon, Hinihintay Anak ng D'yos.

Magdiwang na,Emanuel ay darating,

O Israel!

Halina, O Karunungan,Tagapag-ayos nang tanan,Sa matuwid kami'y turuan,

Laging ang loob mo'y sundin.

Magdiwang na,Emanuel ay darating,

O Israel!

ANG BANAL NA MISA

Pagbati

Pari: Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo.

Amen.

Pagbati

Pari: Ang pagpapala ng ating Panginoong Hesukristo, ang pag-ibig ng Diyos Ama, at

ang pakikipagkaisa ng Espiritu Santo nawa’y sumainyo lahat.

At sumainyo rin.

PAGSISI NG KASALANAN

Inaamin ko sa makapangyarihang Diyos at

sa inyo, mga kapatid, na lubha akong nagkasala sa

isip, sa salita, sa gawa at sa aking pagkukulang,

kaya isinasamo ko sa mahal na Birheng Maria, sa lahat

ng mga anghel at mga banal at sa inyo, mga kapatid, na

ako’y ipanalangin sa Panginoong ating Diyos.

Kyrie

Panginoon maawa ka (3x)Kristo maawa ka (2x)

Kristo, Kristo maawa kaPanginoon maawa ka(4x)

PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG

DIYOS

Unang Pagbasa

Pagbasa sa aklat ni Propeta Isaias

Isaias 56: 1-3, 6-8

Ganito ang ipinasasabi ng Panginoon: Sundin ninyo ang katwiran at gumawa ng katarungan, sapakat nalalapit na ang aking pagliligtas at ang pagpapahayag ng aking katarungan. Mapalad ang taong gumagawa ng ganyan, at ang anak ng taong nanatili riyan, nangingilin sa sabat at di nalalabag ito at nag-iingat nang di makagawa ng masama ang kanyang kamay.

Huwag sabihin ng dayuhang nakikiisa sa Panginoon: “Tiyak na ako ay ihihiwalay ng Panginoon sa kanyang bayan.” Sa mga dayuhang nakikiisa sa Panginoon upang paglingkuran siya at mahalin ang kanyang pangalan, upang ipangilin ang sabat nang di nilalabag ito at sumunod sa aking tipan, sila ay dadalhin ko sa aking banal na bundok at pasasayahin sila sa aking bahay na dalanginan.

Ang kanilang mga susunuging handog at hain ay magiging kaayaaya sa aking dambana, sapagkat ang aking bahay ay tatawaging bahay na dalanginan na ukol sa lahat ng bayan.

Ganito ang ipinahahayag ng Panginoong Dios na nagtitipon sa mga itinapon sa Israel: Titipunin ko rin ang mga iba upang isama sa mga nakatipon na.

Lector :

Ang Salita ng Diyos

Lahat:

Salamat sa Diyos.

Responsorial Psalm

O God, let all the nations praise you!

MABUTING BALITA

Alelu, Alelu, Aleluya (2x)

Purihin ang Diyos, Aleluya

Cantor:

Ang Panginoon ay ating hukom, mambabatas, at hari:Siya ang magliligtas sa atin.

Alelu, Alelu, Aleluya (2x)

Purihin ang Diyos, Aleluya

Priest: The Lord be with you.

And with your spirit.Priest: A reading from the holy Gospel

according to John

Glory to you, O Lord.

THE GOSPEL

John 5:33-36

Jesus said to the Jews: "You sent emissaries to John, and he testified to the truth. I do not accept testimony from a human being, but I say this so that you may be saved.

John was a burning and shining lamp, and for a while you were content to rejoice in his light. But I have testimony greater than John's. The works that the Father gave me to accomplish, these works that I perform testify on my behalf that the Father has sent me."

Priest: The Gospel of the Lord.

Praise to you,Lord Jesus Christ.

HOMILY

PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA

Sumasampalataya ako sa isang Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa, ng lahat

na nakikita at di nakikita.

Sumasampalataya ako sa iisang Panginoong Hesukristo, bugtong na

Anak ng Diyos, sumilang sa Ama bago pa nagkapanahon.

Diyos buhat sa Diyos, liwanag buhat sa liwanag, Diyos na totoo

buhat sa Diyos na totoo. Sumilang at hindi ginawa, kaisa ng Ama sa pagka-Diyos, at sa pamamagitan

niya ay ginawa ang lahat. Dahil sa ating pawang mga tao at dahil sa

ating ating kaligtasan, siya ay nanaog mula sa kalangitan.

(Lahat ay yuyuko*)

*Nagkatawang-tao siya lalang ng Espiritu Santo kay Mariang Birhen

at naging tao.*

Ipinako sa krus dahil sa atin. Nagkasakit sa hatol ni Poncio Pilato, namatay at inilibing.

Muli siyang nabuhay sa ikatlong araw ayon sa banal na kasulatan.

Umakyat siya sa kalangitan at lumuklok sa kanan ng Amang

Maykapal. Paririto siyang muli na may dakilang kapangyarihan

upang hukuman ang mga buhay at mga patay.

Sumasampalataya ako sa Espiritu Santo, Panginoon at nagbibigay-

buhay na nanggagaling sa Ama at sa Anak sinasamba siya at

pinararangalan kaisa ng Ama at ng Anak. Nagsalita siya sa

pamamagitan ng mga propeta.

Sumasampalataya ako sa iisang banal na Simbahang Katolika at

Apostolika gayundin sa ikapagpapatawad ng mga

kasalanan, at hinihintay ko ang muling pagkabuhay ng

nangamatay at ang buhay na walang hanggan. Amen.

Panalangin ng Bayan

Halina, Panginoong Hesus, kailangan ka

namin!

(Come Lord Jesus, we need you!)

PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN

PAGHAHANDA NG MGA ALAY

PAGHAHANDONG NG SARILI

Kunin mo, O Diyos at tanggapin MoAng aking kalayaan ang aking kaloobanAng isip at gunita koLahat ng hawak koLahat ng loob koLahat ay aking alay sa Iyo

Mula sa Iyo ang lahat ng itoMuli kong handog sa IyoPatnubayan Mo't paghariang lahatAyon sa kalooban Mo

Mag-utos Ka Panginoon koDagling tatalima akoIpagkaloob Mo lang ang pag-ibig MoAt lahat ay tatalikdan koTatalikdan ko

… Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailanman.

… Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailanman.

Pari: Manalangin kayo mga kapatid, upang ang paghahain natin ay kalugdan ng Diyos Amang makapangyarihan.

(Tumayo at sumagot:)

Tanggapin nawa ng Panginoon itong paghahain sa iyong mga kamay sa kapurihan niya at karangalan sa ating kapakinabangan at sa buong sambayanan niyang banal.

PANALANGIN NG PAGPUPURI AT

PAGPAPASALAMAT

Pari: Sumainyo ang Panginoon.

At sumainyo rin.Pari: Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.

Itinaas na namin sa Panginoon.

Pari: Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.

Marapat na siya ay pasalamatan.

SANTO(Sanctus)

Santo, Santo, SantongPanginoong Diyos na

makapangyarihan

Napupuno ang langit at lupa ng kaluwalhatian Mo

Osana, Osana sa kaitaasan (2x)

Pinagpala ang naparirito sa ngalan ng Panginoon

Osana, Osana sa kaitaasan (2x)

Misteryo ng Pananampalataya

Si Kristo ay gunitain, sarili ay inihain

Bilang pagkai’t inumin, pinagsasaluhan natinHanggang sa Siya’y

dumating (2x)

Amen, AmenAmen, Amen

Amen

AMA NAMIN

Ama namin sumasalangit Ka, sambahin ang ngalan Mo

Mapasa-amin ang kaharian Mo,Sundin ang loob Mo, dito sa lupa

para ng sa langitBigyan Mo kami ngayon ng

aming kakanin sa araw-arawAt patawarin Mo kami sa aming

mga sala

Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin

At h’wag Mo kaming ipahintulot sa tukso

At i-adya Mo kami sa lahat ng masama

Pari:

Hinihiling naming kami’y iadya sa lahat ng masama, pagkalooban ng kapayapaan araw-araw, iligtas sa kasalanan at ilayo sa lahat ng kapahamakan samantalang aming pinananabikan ang dakilang araw ng pagpapahayag ng tagapagligtas naming si Hesukristo.

Sapagka’t iyo ang kaharian, ang

kapangyarihan at ang kapurihan

magpakailanman.

Lahat:

Simbolo ng Kapayapaan

Pari: Panginoong Hesukristo, sinabi mo sa iyong mga apostol: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo. Tunghayan mo ang aming pananampalataya at huwag ang aming mga pagkakasala.

Pari: Pagkalooban mo kami ng kapayapaan at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban. Kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Lahat: Amen.

Pari: Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.

Lahat: At sumainyo rin.

Pari: Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t-isa.

KORDERO NG DIYOS(Lamb of God)

Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka maawa ka sa amin

(2X)Kordero ng Diyos na nag-aalis ng

mga kasalanan ngsanlibutan, ipagkaloob Mo sa

amin ang kapayapaan

KOMUNYON

Pari: Ito ang Kordero ng Diyos, ito ang nag-

aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan. Mapalad ang mga

inaanyayahan sa kanyang piging.

Lahat:

Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo

nguni’t sa isang salita mo lamang ay gagaling

na ako.

AWIT PANG KOMUNYON

HALINA HESUS HALINA

KORO:Halina Hesus HalinaHalina Hesus Halina

Sa simula isinaloob moO Diyos kaligtasan ng taoSa takdang panahon ay tinawag moIsang bayang lingkod sa IyoGabay ng Iyong bayang hinirangAng pag-asa sa Iyong MesiyasEmmanuel ang pangalang bigay sa KanyaNasa atin ang Diyos tuwina (KORO)

KORO:Halina Hesus HalinaHalina Hesus Halina

Isinilang S'ya ni MariaBirheng tangi Hiyas ng JudeaAt Hesus ang pangalang binigay sa KanyaAming Diyos ay tagapag-adyaDarating muli sa takdang arawUpang tanang tao'y tawaginAt sa puso Mo aming Ama'y bigkasinSa pagibig na di mamaliw (KORO)

KORO:Halina Hesus HalinaHalina Hesus Halina

AWIT PANG KOMUNYON

PANANAGUTAN

Walang sinuman ang nabubuhay, Para sa sarili lamangWalang sinuman ang namamatay, Para sa sarili lamang

KORO:Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't-isaTayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling N'ya

Sa ating pagmamahalan, At paglilingkod sa kanino manTayo ay nagdadala ng balita ng kaligtasan

KORO:Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't-isaTayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling N'ya

Panalanging Pagkapakinabang

Lahat:

Amen.

PAGHAYO SA PAGWAWAKAS

Pagbabasbas

At sumainyo rin.Priest: Sumainyo ang Panginoon.

Pari: Pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos, Ama at Anak at

ng Espiritu Santo.

Amen.

Pari: Taglayin ninyo sa inyong pag-alis ang kapayapaan ni Kristo.

Salamat sa Diyos.

AWIT PANGWAKAS

ANG PUSO KO’Y NAGPUPURI

Ang puso ko’y nagpupuri, nagpupuri sa Panginoon

Nagagalak ang aking espiritu sa ‘king Tagapagligtas

Sapagkat nilingap N’ya kababaan ng Kanyang alipin

Mapalad ang pangalan ko sa lahat ng mga bansa

Maraming Salamat Po!

top related