batas moral

Post on 20-Jan-2017

1.798 Views

Category:

Education

59 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

• Ano ang nais na ipahiwatig ng video na iyong napanood? • Ano ang implikasyon nito sa realidad

ng buhay?

BATAS MORAL: PAGGAWA NG MABUTI, PAG-IWAS SA MASAMA

ANO ANG BATAS MORAL? • Ang Batas Moral ang batayan ng pagkilos ng tao upang

ito ay maging tama at mabuti. • Ang Batas Moral ang nagpapakita ng direksyon ng

pantaong kilos para makarating sa tamang patutunguhan.

• Ito ay nababatay sa Batas na Walang Hanggan (Eternal Law).

• Ibig sabihin ay totoo ang batas na ito sa lahat ng tao kahit ano pa ang kanilang pananampalataya o relihiyon.

• Ito ay angkop sa lahat ng kultura o lahi dahil ang pagpapahalagang nakapaloob sa Batas Moral ay likas sa lahat ng tao, gaya ng pagmamahalan at paggalang sa dignidad ng tao.

• Ang Batas Moral ay ang Batas ng Kalikasan (Natural Law) na naihahayag sa atin sa pamamagitan ng ating isip.

• Ito ay naiiba sa Batas Kalikasan (Law of Nature) na tinutukoy para sa mga nilalang na mababa sa tao tulad ng hayop, halaman at puno, lupa at hangin, dagat at iba pang elemento ng kalikasan.

• Ang Batas Kalikasan at Batas Moral ay ang batayan ng lahat ng batas ng tao. Ang mga batas na ito ay nagiging batas moral lamang kapag ang mga ito ay nakaayon sa Batas Kalikasan.

Batas na Walang Hanggan

Batas Kalikasan (Natural Law)

Batas ng Kalikasan(Law of Nature)

Para sa mga nilalang na walang isip at kilos loob

Batas Kalikasang Moral(Natural Moral Law)

Para sa mga tao na may isip at kilos loob

Saan Nakaugat ang Batas Moral? Ang Batas Moral ay nakaugat sa:• Batas na Walang Hanggan (Eternal

Law) o Batas ng Diyos (Divine Law) • Ang Batas ng Diyos ay nagpapakita ng

Kanyang mabuting kalooban. Naglalaman ito ng lahat ng batas ng kaayusan para sa sandaigdigan at upang magabayan ang lahat ng tao at nilikha sa kanilang dapat patunguhan.

• Batas Kalikasang Moral o Likas na Batas Moral (Natural Law) – Ang tao ay may kalikasang materyal at espiritwal.

• Ang mga kalikasang ito ang humuhubog ng mga batas para magabayan siyang mamuhay nang mabuti at tama.

• Ang Likas ng Batas Moral ay nababatay sa Diyos na gumagabay sa tao kung paano siya makipag-ugnayan sa Diyos at kapwa. Isinasaad nito ang mga pamantayan ng mga gawang dapat at hindi dapat.

Ang Pangunahing Prinsipyo ng Batas MoralAyon kay Sto. Tomas Aquinas, ang tao ay may likas na kakayahang umunawa sa mga pangunahing prinsipyo ng Batas Kalikasan o Batas Moral na tinukoy ding mga “batas na nakaukit sa ating puso”, sapagkat ang prinsipyong ito ay nananahan sa lahat ng tao, hindi nagbabago at kailanman ay hindi maaalis sa puso ng tao, anuman ang kanyang relihiyon o kahit hindi siya naniniwala sa Diyos.

• Ang pangunahing prinsipyo ayon sa kanya, ay: Ang mabuti ay dapat gawin at kamtin; ang masama ay dapat iwasan.

• Bawat tao ay sumasang-ayon sa prinsipyong ito kahit pa hindi lahat ay may iisa o parehong pagpapakahulugan o pamantayan sa kung anong talagang mabuti at kung ano talaga ang masama. Kagaya na lamang ng isang taong mapagduda, na hindi naniniwalang may mga bagay na talagang mabuti o masama.

• Alam ng tao na mabuti ang lahat na patungkol sa kanyang likas na kaganapan.

• Hindi lamang iisa ang mabuti para sa kanyang kaganapan.

• Ito ang mga prinsipyong gumaganyak sa tao upang kumilos.

• Ang mga sumusunod ay ilan sa mga mabubuting likas na kahiligan (inclination)

BUHAY• Ang tao ay minabuting mapanatili ang kanyang buhay, dahil nakikita

niyang mabuti ang buhay. • Likas na mabuti ang mabuhay na may isip at kilos-loob, konsensiya, at

dignidad. • Ang buhay ay isang mapag-isip at mapagmahal na buhay, isang buhay na

lumalago sa pamamagitan ng kaalaman at paglilingkod sa kapwa. • Lahat ng ibang bagay sa mundo ay nariyan para sa buhay ng tao.

Pinahahalagahan ang mga ito ayon sa kanilang kakayahang mapabuti ang buhay.

KATOTOHANAN• Ang tao na likas na nag-iisip ay minabuting mag-asam

sa katotohanan para sa katotohanan. • Ang pag-alam o pag-unawa sa mga bagay-bagay ay

magpapalago sa buhay. • Nag-aasam ang tao na mamuhay nang ganap at ang

kaalaman sa katotohanan ay likas na aasamin upang mangyari ang kanyang kaganapan.

• Ayon kay Aquinas, ang pag-alam sa katotohanan ang pinakarurok ng pagkakaroon ng bagay na maisasanib sa pagkatao ng isang tao.

KAGANDAHAN• Ang tao ay minabuti ang magpahalaga, tingnan at

pagmunian ang maganda. Kaya niya binibisita ang mga museo ng sining, pinagmamasdan ang paglubog ng araw, natutuwa sa mukha ng isang bata, at pinagmumunian ang kagandahan ng kalikaksan.

KASANAYAN• Ang tao ay minabuti ang gumawa o

lumikha. Susubukin niya ang lahat ng kanyang kakayahan upang makagawa ng sining – mga pinta, tula, eskultura, gusali, monumento – at sa paglalaro kagaya ng football, chesss, soccer, basketball, volleyball, at iba pa.

PAKIKIPAGKAPWA• Ang tao ay minabuti ang makipagkapwa. Gugustuhin ang

maayos na ugnayan sa kapwa. • Siya ay makapamilya at palakaibigan. Ibinabahagi ang

kanyang kaalaman. At ganun din ang kanyang pamilya at ibang kapwa sa kanya.

• Ang hahangarin ay ang pinakamabuting uri ng pagkakaibigan na mapagbigay at maunawain. Hahangarin niya ang lahat na mabuti para sa kapwa.

RELIHIYON• Ang tao ay minabuti ang maghangad na

malaman ang nasa likod ng kanyang pagkalalang. Ang kanyang kalikasang espiritwal ay naghahangad na malaman ang buong katotohanan o sinasabi ang bonum universal (the universal and total good).

KATAPATAN• Ang tao ay minabuti ang kabuuan ng kanyang pagkatao,

pagsasanib ng lahat ng mabuti, maganda at totoo sa kanya.

• Minabuti niya ang pagkakaroon ng kaayusan ng kanyang kilos at katangian, at ang kanyang kilos-loob at damdamin.

Ang Pangalawang Prinsipyo ng Batas Moral • Ang mga pangalawang prinsipyo at

nakasalalay sa mga pangyayari at ang mga ito ay maaaring magbago. Hindi ito tiyak at kadalasan ay hindi alam ng lahat.

• Hindi dapat sinisira ang isang mabuti upang gumawa ng mabuti. • Hindi dapat tratuhin ang tao bilang paraan para sa isang layunin.• Hindi dapat kinikilingan ang ilan, maliban kung ito ay

kinakailangan para sa kabutihang lahat.• Hindi dapat nagsasarili na kumilos para sa kabutihan ng tao• Hindi dapat kumilos na nababatay lamang sa bugso ng

damdamin, takot, galit o pagnanasa.

top related