aralin 6 sosci101
Post on 02-Apr-2018
441 Views
Preview:
TRANSCRIPT
-
7/27/2019 Aralin 6 SOSci101
1/24
-
7/27/2019 Aralin 6 SOSci101
2/24
Sa pagsakop ng mga Kastila, nais nilang baguhin ang pagkataomismo ng mga katutubo: kailangan nilang manirahan sa pueblo,
tanggapin ang pamahalaang Kastila at maging Kristiyano.
Sa pamamagitan ng reduccion, tinipon ang mga katutubo saisang bagong lugar na pinili ng mga misyonero, na may kaayusangkolonyal at nakasentro sa simbahan, plaza at munisipyo.
Ang paglipat ng mga tao sa pueblo ay para magkaroon ngmonopolyo ang mga Kastila sa pag-aangkin ng mga lupain at sapagkuha ng kayamanan mula rito.
-
7/27/2019 Aralin 6 SOSci101
3/24
-
7/27/2019 Aralin 6 SOSci101
4/24
Naiiba ang paraan ng pagsakop ng mga Kastila sa Pilipinassa paraan ng pagsakop ng mga Portues, Ingles o Olandes saibang bayan ng Timog-Silangan Asya. Litaw sa kamalayan ng
mga Kastila na kailangang baguhin ang mismong pagkataong mga katutubo.Para sa mga Kastila, ang sibilisasyon ay
ang paninirahan sa pueblo
pagpasailalaim sa Hari ng Espanya pagiging isang Kristyano.
-
7/27/2019 Aralin 6 SOSci101
5/24
Bakit nila ibinahagi ang sibilisasyon sa mga katutubo? upang iligtas sila (mga katutubo) sa kapahamakang dulotng kanilang lumang paniniwala (pananaw ng Kastila).
Paano nila ibinahagi ang sibilisasyon?ikinalat nila ang mga misyonerong Kastila sa ibat ibang
bahagi ng kapuluan. sa pagpasok ng istruktura ng mga Kastila sa pulitika at
ekonomiya, sinubukan nilang baguhin ang pamamaraan ng
mga katutubo rito, maging sa kanilang paniniwala at katulad ng nailahad sa itaas sa pamamagitan ng
reduccion
-
7/27/2019 Aralin 6 SOSci101
6/24
Binago ang istruktura ng pamahalaan. Mula sapagkakaroon ng katutubong sistema ay napalitan ng
sistemang kolonyal.
Ginawang Gobernadorcillo at Cabeza de Barangay ang mgadatu, na tinanggap ang sistemang pulitikal ng Kastila dahil samga pabuya (lupain o encomienda, pamagat na Don, Doaat Marquiz, suporta ng Kastila laban sa kaaway).
-
7/27/2019 Aralin 6 SOSci101
7/24
Naganap ang pangangalakal sa galleon kung saan: Ginamit bilang pinagkukunan ng salapi para maipagpatuloy
ang kolonisasyon sa Pilipinas.
Sa isang bahagi, nagdulot ito ng kabutihan sa Pilipinasdahil ito lamang ang pinapansin ng mga Kastila. ngunit, inagaw at pinutol nito ang namamayaningrelasyon ng Maynila sa ibang bahagi ng Timog-SilangangAsya.
Napabayaan ang mga unang sentro ng kalakalan saKamindanawan at Kabisayaan dahil nakasentro lamang saMaynila ang Kalakal Galleon.
(Tunghayan ang dokumento tungkol sa pamilihan noong
19th
Century)
-
7/27/2019 Aralin 6 SOSci101
8/24
Nangangahulugang:- pagpapalipat ng tirahan ng mga katutubo sa isangpamayanang may kaayusang kolonyal, ang plaza complexat sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo.
ibalik ang isang bagay sa dating kalagayan, pagbabago,pag-iiksiin, pag-unawain, ibalik sa pagkamasunurin
ibalik sa puro o orihinal na kaayusan
terminong ginamit upang tukuyin ang pagpapalipat ngtirahan ng mga katutubo sa isang pamayanang maykaayusang kolonyal, ang plaza complex, at sapagpapalaganap ng Kristyanismo.
-
7/27/2019 Aralin 6 SOSci101
9/24
Kasama nito ang pagtatayo ng isang komunidad para samga katutubo at ang pagpapalaganap ng:
tamang paniniwala ang Kristiyanismo pagbibihis ng tama- nakabalot ang buong katawantamang pamahalaan sasailalim sa Diyos at sa
Hari ng Espanya
-
7/27/2019 Aralin 6 SOSci101
10/24
sistematiko at sapilitang pagtitipon ng mgamamamayan sa iisang pook.hinubog ng mga Kastila ang mga katutubo sa
isang tamang paraan ng pamumuhay. ito ay nakabatay sa urbanismong Greco-Romano na ang
kahulugan ay sibilisasyon na nakaugnay sa pagkakaroon ngsyudad.
Pahiwatig: Sa pinakaugat ng kolonyalismo (reduccion), hindilubusang naganap ang pagpapalit ng pagkatao na naisisagawa ng Kastila sa mga katutubo. Maaaring nabago angpisikal na anyo sa pueblo ngunit ang buod at batayan nito ay
ang katutubong kultura pa rin.
-
7/27/2019 Aralin 6 SOSci101
11/24
Ang Pilipinas noong 1565
nagbago ang pangkalahatang kalagayan ng buongkapuluuan, ngunit patuloy pa rin ang mga dating tunguhinng pagbubuo ng bayan sa bagong kalagayan.
isang pagbabagong-anyo ng sinaunang kabihasnan at bayanang umusbong at naging bagong simulain ng sumunod na
mga dantaon ng pagbubuo ng bayan. Bakit? Dahil sapagpapatuloy ng wika, ang mapagpasyang batayan ng pag-uugnayan ng mga Pilipino.
-
7/27/2019 Aralin 6 SOSci101
12/24
Hindi inalis ng kolonisasyon ang mga wikang katutubo, ngunithindi rin naman itinuro ng mga Kastila sa mga Pilipino ang wikangEspanyol bilang pangangailangan sa pananakop.
Bukod sa wika, nagpatuloy rin ang iba pang larangan ng pagbubuong bayan sa buong kapuluan: mga kaugalian gawaing pangkabuhayan ugnayang kalakalan kasangkapan sa produksyon pakikitungo sa kapwa konsepto sa buhay at kapaligiran na naging matagalang batayan
ng pagbubuong pangkapuluang.
-
7/27/2019 Aralin 6 SOSci101
13/24
1. Bago ang mga pagbabagong dala ng mga pwersa ngkolonyalismo, ang tunguhin ng mga bayan ay umabot saantas ng pagbubuo ng alyansa ng mga bayan. (halimbawa:ang Islamikong sultanato sa Mindanao pinakamaunlad
na anyo ng bayan o estado at kulang na lamang angkaisahang pulitikal sa pangkapuluang antas.)2. Lumilitaw ang isang ekonomiyang nag-uugnay sa mga
bayan at may isang pangkalahatang anyo ng gamit at pag-
aari ng yamang likas.3. Naroon na ang isang balangkas ng kalinangan na
isinasabuhay sa kalahatan, na may masiglang pag-iiba-ibasa mga pook ngunit nakapaloob sa isang daigdig ng
kaugalian at kapaniwalaan.
-
7/27/2019 Aralin 6 SOSci101
14/24
Sa kabuan, tumatakbo ang isang lohika
ng pagbuo ng bayan sa mas masaklaw naantas na nag-uugnay sa lahat ng mga bayan
sa Pilipinas.
-
7/27/2019 Aralin 6 SOSci101
15/24
-
7/27/2019 Aralin 6 SOSci101
16/24
Bakit nga ba isinagawa ng mga Espanyol ang pagtitipon ng
mga katutubo sa pueblo?
Ginawa nila ito upang maipatupad ang sistemangpiyudalismo sa mga katutubo dahil pabagsak na noon ang
sistemang ito sa kanilang kaharian kaya dito sa Pilipinasipinagpatuloy.
Ito rin ay upang magkaroon sila ng monopolyo sa pag-aangkin ng mga lupain at sa pagkuha ng kayamanan mula
rito.
-
7/27/2019 Aralin 6 SOSci101
17/24
Nagbagong-anyo ang bayan nang ito ay naging cabecera ociudad, pueblo at mga kaugnay nitong barrio o visita mganayong malayo man sa sentrong ciudad o pueblo aygumagalaw din ayon sa ritmo ng pueblo.
Ang kaayusang pisikal ay batay sagrid patternna kwadra kwadradong pag-aayos ng mga kalsada at bahayan na mayplaza sa gitna. Nakasentro sa plaza ang simbahan (iglesia) at
pamahalaang bayan (ayuntamiento o munisipyo).Pinakamalapit sa mga gusaling ito ang bahay ng mgaEspanyol at pagkatapos nila ay ang mga principales. Papalayosa sentro ang mga bahay ng karaniwang Pilipino.
Simbahan ang tumatayong pinakamatingkad na istrukturang
pisikal sa pueblo dahil sa ito ang pinakamataas, pinakamalakiat pinakakaiba ang anyo, sunod sa arkitekturang Europeo.Lumitaw naman sa paligid nito ang mga bahay na malalaki atyari sa bato (bahay na bato) na siyang tirahan ngmalalaking tao, ang mga Espanyol at principales.
-
7/27/2019 Aralin 6 SOSci101
18/24
-
7/27/2019 Aralin 6 SOSci101
19/24
Naghari sa mga Pilipino ang isang estadong kolonyal. Itoay pwersahang itinatag ng mga kinatawan ng monarkiyang
Espanyol para sa dalawang layunin: tiyakin ang paghawak sa kapuluan bilang kolonya, at tugunan ang kapakanan ng hidalguia na magpayaman.
Ngunit may isang partikularidad na tampok ang estadongkolonyal. Ito ang Simbahang Katoliko, lalo na ang mgakorporasyong relihiyoso na malaki ang papel sapagpapatakbo ng estadong kolonyal. Naging
makapangyarihan ang mga prayle frailocracia.
-
7/27/2019 Aralin 6 SOSci101
20/24
Ang estratehiyang reduccion ang umagaw sa inisyatiba ngpagtatatag ng mga katutubong Pilipino sa pagbubuo nila ngestadong pangkapuluan. Binaklas ng estratehiyang ito angpag-uugnayan ng mga datu sa isat isa at sa kanilang mgasakop.
Naputol ang dating tunguhin ng pagtatatag ng bayan. Kungdati, ang mga pinuno (datu o raja) ay nakatuon sapagpapalakas ng kani-kanilang bayan, ngayon ito ay naging
tagapagpatibay ng mga patakarang kolonyal sa pueblo.
-
7/27/2019 Aralin 6 SOSci101
21/24
Sa Pamahalaang Kastila: Gobernador-heneral (gobyernong nasyunal)- Kastila Alcalde mayor (provincia)- Kastila Gobernadorcillo (pueblo)- Katutubo
Cabeza de barangay (barangay)- Katutubo Sa pangkalahatan, ang naging tungkulin ng Gobernadorcilloat Cabezaay mangolekta ng tributoat magpakilos ngtaumbayan sa mga patrabaho ng gobyernong kolonyal.
Sa pamamagitan ng sistemang pueblo, nasira ang ugnayan ngdating pinuno at ng bayan, ang pinuno ay nabago dahilnaging kasangkapan ng mga kolonisador.
Ngunit magpapatuloy ang mga tunguhin ng pagbubuo ngestadong bayan sa ibang paraan, sa anyo ng mga pag-aaklaslaban sa estadong kolonyal.
-
7/27/2019 Aralin 6 SOSci101
22/24
Encomienda mga lupaing iginawad na gantimpala ng monarkiya sa
isang tauhan nito na nakatulong sa conquista. Naglatag ng makinaryang administratibo at naginginstrumento ng mga Espanyol sa pagkaltas ng yamangsurplus ng bayan sa anyo ng tributo, taunang quota ngprodukto (bandala) na ipinagbili ng mga lalawigan sa
gobyernong kolonyal, at sapilitang pagpapatrabaho ng mgatao sa mga obras publicas: mga lansangan, gusaling publiko,pagawaan ng barko lalong kilala bilang polo y servicio.
(2) bagay na natugunan agad ng encomienda: 1.pamamahala ng mga sakop habang itinatatag ang pueblo, at2. ang higit na kaayusang panglalawigan ng alcaldia.
-
7/27/2019 Aralin 6 SOSci101
23/24
Alcaldia* pumalit sa encomienda na naging regular na yunit pulitikal.
Pinamumunuan ng alcalde-mayor.
Hacienda* pribadong lupaing pag-aari kalimitan ng mga ordeng
relihiyoso. Ang mga haciendero ay mga parasitikongnanangangalap ng yaman mula sa lupa sa anyo ng renta.
Ibinunga nito ang mga sumusunod:1. Mula sa pagiging tagakolekta ng tributo, ang principalia ay
magiging elite na nakabase sa lupa.2. Ilan lamang ang magmomonopolyo sa lupa at ang
karamihan ng mga Pilipino ay magiging mga pesante. (Kung encomienda ang naging instrumento ng estado sa
pagkaltas ng yamang surplus, ang hacienda ang nagingmekanismo ng pribadong sektor sa pagkaltas ng yamang
surplus.
-
7/27/2019 Aralin 6 SOSci101
24/24
top related