ang pamahalaan

Post on 29-Jan-2016

40 Views

Category:

Documents

0 Downloads

Preview:

Click to see full reader

DESCRIPTION

The government of the PHilippines

TRANSCRIPT

Ang Ating Pamahalaan

Ang Konstitusyon

• Ang Konstitusyon o ang Saligang-Batas ang pangunahing batas ng isang bansa.

• Itinatakda nito ang kayarian ng pamahalaan upang mapangalagaan ang mga karapatan ng mga tao.

• Ito ay isang katipunan ng mga pangunahing tuntunin, pamantayan at doktrinang dapat sundin ng mga mamamayan.

Uri ng Saligang-Batas

May dalawang uri ng Saligang-Batas:1. Ang batas na sinusunod ngunit hindi

naisusulat (England) at2. Ang batas na naisusulat (United States of

America)

Mga Katangian at Kahalagahan ng Saligan-Batas

Sa Konstitustyon o Saligang-Batas nakasaad ang saloobin ng mga mamamayan tungkol sa anyo ng pamahalaang kanilang nais. Dito nakasulat ang mga prinsipyo na nais nilang pagbatayan at ang mga batas at tuntuning nais nilang pairalin. Nakalagay rito ang kapangyarihang dapat gampanan ng mga pinuno upang mapaunlad ang pangkalahatang kagalingan at mapanatili ang karapatan at kalayaang dapat tamasahin ng bawat isa.

Mga Proseso ng Pagbabalangkas ng Saligang-Batas

- Ang Pilipinas ay nagkaroon na ng limang Saligang-Batas magmula noong 1898 hanggang 1987.

- Ang Saligang-Batas 1898 na kinilala bilang Konstitusyong Malolos ay sinulat noong panahong ang mga Pilipino ay may masidhing pagnanais na lumaya sa pananakop ng mga Español. Ito ay sinulat ni Felipe Calderon, isang manananggol at inaprobahan ng 92 delegado sa isang kombensyon na ginanap sa Biak-na-Bato sa Malolos, Bulacan noong Nobyembre 29, 1898.

Ang Saligang-Batas 1973

Ito ay tinatawag na Konstitusyong Marcos, ang nagtakda ng isang parlamentaryong uri ng pamahalaan. Ang kapangyarihang tagapagpaganap nito ay nasa Punong Minister kasama ang kanyang mga miyembro sa Gabinete. Siya ang puno ng pamahalaan at ang Pangulo ay tumatayong simbolo lamang.

Ang Saligang-Batas 1987

Bunga ng People Power Revolution o Mapayapang Rebolusyon noong Pebrero 22-25, 1986, nagkaroon ng malaking pagbabago sa ating pamahalaan. Nanungkulan si Corazon C. Aquino bilang Pangulo ng ating bansa sa isang pamahalaang pansamantala o revolutionary government. Dahil dito, nagpahayag siya para mabuo ang Freedom Constitution o ang Malayang Saligang-Batas upang humalili sa Konstitusyon 1973.

Nagtalaga ang Pangulong Aquino ng 50 kasapi na bumuo ng Komisyong Konstitusyonal na siyang bumalangkas ng bagong Konstitusyon. Si Cecilia Muñoz Palma ang naging Pangulo ng komisyong ito. Ang 50 kagawad ng Komisyon ay naging 48 dahil sa isang miyembro na kabilang sa Iglesia ni Cristo na tumanggi at ang isa naman ay nagbitiw sa ibang kadahilanan. Sa loob lamang 133 araw, naisulat ang Bagong Konstitusyon noong Oktubre 12, 1986 at pinagtibay ito noong Pebrero 2, 1987.

top related