ang pagkonsumo at ang mamimili

Post on 26-May-2015

5.130 Views

Category:

Documents

3 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

Ang Pagkonsumo at ang MamimiliAralin 8

Mga Layunin

• Naipaliliwanag ang konsepto ng pagkonsumo bilang isang pang-ekonomiyang gawain;

• Nasusuri ang mga paanunsyo bilang isang salik sa pagbabago ng pagkonsumo at malaking hamon sa matalnong pamimil; at

• Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pagtatanggol sa karapatan at pagganap sa mga tungkulin bilang maimili.

Konsepto ng pagkonsumo at pamimili

Bakit kailangang tugunan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao?

• Dahil sa layunin at pangarap nito sa buhay.

• Upang makahanap ng trabaho na magiging daan para maitaguyod ang pangangailangan ng kanyan mga-anak.

• Maaari din namang nais nya na makapagtapos ng pagaaral upang magkaroon ng magnadang kinabukasan sa hinaharap.

• Dahil nais nya na sa mundong ito ay magtaglay ng magandang bukas.

Ang konsepto ng Pagkonsumo

• Ito ay tumutukoy sa paggamit at pakinabang (utility) ng mamimili sa mga produkto at serbisyo.

• Gaya halimbawa ng pagbili ng ballpen.

Paano malalaman kung may nakukuhang kasiyahan (satisfaction) ang mamimili sa pagkonsumo ng produkto?

•ITO AY KAPAG PATULOY PA RIN SIYA SA PAGGAMIT NG NASABING BAGAY.

Uri ng Pagkonsumo ng mamimili at bahay kalakal1. Tahasang Pagkonsumo– Direct Consumption

• Ito ay dahil ang mamimili ay agarang nakakakuha ng kasiyahan sa paggamit at pakinabang sa isang produikto at serbisyo. Tinatawag na consumption goods ang kinokonsumo ng mamimili.

1. Di-tahasang Pagkonsumo – Indirect Consumption

• Ang nakokonsumong produkto ng bahay kalakal ay hindi tahasang nakakapagdulot ng kasiyahan sa mamimili. Ginagamit ang nasabing produkto upang makalikha pa ng bagong produkto. Ito ay tinatawag na Intermediate goods.

?SINO NGA BA ANG MAMIMILI?

•Ang tinutukoy na mamimili sa ekonomiya ay maaaring isang tao, pangkat ng tao, o institusyon (tulad ng ospital at paaralan) na nagsasagawa ng direktang pagkonsumo.

•Ang bahay kalakal ba ay maituturing na mamimili?

HINDI!!!!!!!!!!!!!!!

Kahandaan ng Mamimili

•Tumutukoy ang salitang kahandaan sa mga produktong iniisip ng mamimili na pangangailangan o kagustuhan niyang bilhin.

Preference (kagustuhan)

• Kombinasyon ng produkto na nais ng tao na makonsumo at kanyang isinasaalang-alang para mabili.

•Utils – haypotetikal na sukat ng kasiyahan

Ang Kasiyahan Mula sa Pagkonsumo ng Tinapay

Dami Total Utility Marginal Utility

1 20 utils 20 utils2 35 utils 15 utils3 46 utils 11 utils4 47 utils 1 util5 47 utils 0 util6 45 utils -2 utils

Kurba ng Marginal UtilityD

agdag

na K

asi

yahan (

Marg

inal U

tilit

y)

Dami ng Produkto

Law of diminishing marginal utility

• Ceteris paribus, (ibig sabihin, lahat ng iba pang salik ay hindi nagbabago) tumataas ang matatamong kasiyahan sa karagdagang pagkonsumo ng produkto. Sa patuloy ng pagkonsumo sa produkto, bumababa naman ang matatamong marginal utility. Ito ay tinatawag na Law of Diminishing Marginal Return.

Dalawang punto ng Law of Diminishing Marginal Utility

• Una, mahalagang maitakda ng mamimili ang dami ng bibilhing produkto.

• Ikalawa, mataas ang pagpapahalaga na naibibigay ng mamimili sa pagkonsumo ng kakaunting produkto.

Kakayahang bumili ng mamimili

• Mahalagang alamin ng mamimili ang kanyang kakayahan sa pagbili. Kinakailangan nyang pagaralan ang kanyang badyet (budget). Ito ay ang plano sa paggamit ng mamimili sa kanyang pambili.

• Maaari rin itong tukuyin bilang halagang pambili ng mga preference.

• May takdang halaga ang badyet. Sa katunayan, ito ay nauubos. Dahil dito, maaaring hindi matugunan ng mamimili ang lahat ng kanyang pangangailangan at kagustuhan.

Arawang badyet ng isang mag-aaral

PlanoOrihinal na sitwasyon Bagong sitwasyon

Dami ng pagkain

Dami ng babasahin

Dami ng pagkain

Dami ng babasahin

A 0 10 0 5

B 1 8 1 4

C 2 6 2 3

D 3 4 3 2

E 4 2 4 1

F 5 0 5 0

Matalinong pamimili at pagkonsumo

• Pagtakda ng layunin ng pagkonsumo

• Pagtukoy sa iba’t ibang pamamaraan ng paggamit ng layunin ng pagkosumo.

• Paghambing at pagtangi sa natukoy na paraan.

• Pagtaya sa halaga ng mga naitanging pamamaraan.

• Pagpili sa pinkamahusay na pamamaraan

Pagpapasya at pagkonsumo

• Nalikom na Ari-arian at Puhunan

• Maipangkokonsumong kita ng mamimili

• Nagagamit na pautang

• Purchasing power

• Personal na katangian ng mamimili

• Mga panlipunang salik

• Patakarang pangnenegosyo

Paanunsyo at epekto nito sa pagkonsumo

• Asosasyon

• Bandwagon effect

• Demonstration effect

• Mga pagpapatotoo (Testimonials)

• Pag-uulit-ulit

• Presyur

• Pag-apela sa emosyon

• Paggamit ng mga Islogan

• Snob effect

Karapatan ng mamimili

• Republic Act 7394 o Consumer Act of the Philippines:

• Pagbibigay ng proteksyon sa mga konsyumer laban sa mga panganib na nauukol sa kalusugan at kaligtasan;

• Pagbibigay proteksyon sa mg konsyumer laban sa mga mapanlinalang at hindi patas na mga pamamaraan at gawain;

• Pagbibigay ng impormasyon upang mapaghusay ang tamang pagpapasya at mapalaganap ang kaalaman ukol sa karapatan ng mga konsymer…

Karapatan ng mga mamimili ayon sa consumer act

• Karapatan sa pangunahing pangangailangan

• Karapatan sa kaligtasan

• Karapatan sa impormasyon

• Karapatang makapamili

• Karapatan sa representasyon

• Karapatang magwasto ng pagkakamali

• Karapatan para sa edukasyong pangmamimili

• Karapatang magkaroon ng isang kaaya-ayang paligid

NCAC

• National Consumer Affairs Council – binuo upang mapabuti ang pangangasiwa, ugnayan, at bisa ng mga programa at patakaran ng mga ahensya ng pamahalaan at pribadong samahan patungkol sa karapatan ng mamimili.

Mga Kasapi ng ncac

Tungkulin ng mamimili

• Tungkulin ng mamimili ang pagiging responsible sa kanyang pamimili at pagdedesisyon.

• Tungkulin ng mamimili na suriin at siyasatin ang bibilhing produkto.

• Tungkulin ng mamimili na maipagtanggol ang sarili kung may idinudulog na hinaing.

• Tungkulin ng mamimili na makilahok sa konstruktibong pagpuna sa kalidad ng mga produkto at magpalawak ng kaalaman ng mga tao sa kanilang karapatan bilang mamimili.

• Tungkulin ng mamimili na isulong ang interes ng bansa sa pagkonsumo ng produkto.

top related