akdang patula

Post on 30-Jun-2015

5.164 Views

Category:

Documents

15 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

AWITIN  musika na

magandang pakinggan. Kadalasang itong maganda kung gusto rin ito ng makikinig. Mayroon itong tono at sukat. Naglalaman ang isang awiting ng bahaging pang-tinig na ginagampanan, inaawit at pangkalahatang tinatanghal ang mga salita (lliriko), karaniwang sinusundan ng mga intrumentong pang-musika (maliban sa mga awiting acapella at scat).

O  isang uri ng tulang nakuha natin sa impluwensya ng mga Espanyol. Ito ay may sukat na walong pantig bawat linya at may apat na linya sa isang saknong. Ang korido ay binibigkas

sa pamamagitan ng pakantang pagpapahayag ng mga tula.

Korido

EPIKO uri ng panitikang

Pilipino  na tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala. Kuwento ito ng kabayanihan na punung-puno ng mga kagila-gilalas na mga pangyayari.

AWITING BAYAN

Oyayi – awit sa panghele sa bata Diona – awit sa panliligaw Kumintang – noong una ay ginamit

sa digmaan Tagumpay – awit sa pagwawagi sa

digmaan Balitaw / Kundiman – awit sa

pag-ibig Umbay – awit sa paglilibing Dalit – awit ng papuri sa diyos

1.SALAWIKAIN –

nagbibigay aral at talinghaga

2.BUGTONG (Riddle) – patulang pahayag na naghahanap ng kasagutan

3.PALAISIPAN (Brainteaser) – pahayag na nangangailangan ng kasagutan

4.BULONG – ginagamit na pang-kulam

6. Kasabihan –Kadalasang tumatalakay sa mga karanasan ng ating mga ninuno at nakatatanda at naglalayong ituwid ang ating pamumuhay ng naaayon sa kanilang mga naging karanasan.

7. Kawikaan – laging nagtataglay ng aral sa buhay, kauri ng sawikain

8. IDYOMA - isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal.

9. MOTO- parirala na nagpapahiwatig ng sentimiento ng isang grupo ng mga tao.

Tulaay isang uri ng  panitikan na kilala

sa malayang paggamit ng wika sa iba’t  ibang anyo at estilo. Pinagyayaman ito sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay at idyoma. Binubuo ang tula ng saknong at taludtod. Karaniwan itong wawaluhin, lalabindalawahin, lalabing-animin, at lalabing-waluhing pantig. Matalinghaga at ginagamitan din ng tayutay. May tugma at sukat. Kung minsan ay maiksi o kaya naman ay mahaba.

Haiku ay isang uri ng maikling tula o saknong (stanza) o taludturan sa larangan ng panulaan (poetry) na nagsimula sa bansang Hapon. Ito ay binubuo ng tatlong (3) taludtod at may bilang ng mga pantig na lima-pito-lima (5-7-5) ayon sa pagkakasunud-sunod. 

Elehiyaisang tulang

nagpapahayag ng damdamin o

paggunita sa isang nilalang

na sumakabilang buhay na.

SONETOtulang liriko na binubuo ng labing-apat (14) na taludturan na hinggil sa damdamin at kaisipan. Ito’y nakikilala sa matinding kaisahan ng sukat at kalawakan sa nilalaman.

Ang soneto ay hindi basta tula lamang na binubuo na labing-apat na taludturan. Ito’y kailangang may malinaw na kabatiran sa kalikasan ng tao at sa kabuuan. Ito ay naghahatid ng aral sa mga mambabasa. 

Balagtasanuri ng pagtatalo ng dalawang magkaibang panig ukol sa isang paksa. Hinango mula sa pangalan ni Francisco Balagtasan, inilalahad ang sining na ito ang isang uri ng panitikan na kung saan ipinapahayag ang mga saloobin o pangangatwiran sa pamamagitan ng pananalitang may mga tugma sa huli.

top related