8 puntong reporma tungo sa progresibong bansud - roy mudanza

43
http://www.facebook.com/groups/reporma /

Upload: jasmine-santiago

Post on 30-Jun-2015

3.107 views

Category:

News & Politics


6 download

DESCRIPTION

BANSUD, Oriental, Mindoro - ROY P. MUDANZA is heeding the call and great challenge of our time for a pro-people and new kind of governance, new politics, and collective leadership in the Municipality of Bansud, Oriental Mindoro. “I wish to make the meaningful social and political change we desire as a Bansudeño and the goal of social reform and good governance”, Mudanza said during the RPM founding assembly on September 1, 2012.

TRANSCRIPT

Page 1: 8 Puntong REPORMA tungo sa Progresibong Bansud - Roy Mudanza

http://www.facebook.com/groups/reporma/

Page 2: 8 Puntong REPORMA tungo sa Progresibong Bansud - Roy Mudanza

http://www.facebook.com/groups/reporma/http://reporma.weebly.com/

Pulitika ng PagbabagoRPM-Reporma Para sa Masa

Mahal natin ang bayan ng Bansud. Hindi na dapat ipagpaliban pa ang nais nating reporma at makabuluhang pagbabago. Nagbigkis tayo sa ating kilusan para sa pagbabago at tiyakin na ang susunod na henerasyon sa ating bayan ay makapamuhay sa isang bayang tunay na maunlad at may pagmamalasakit mamamayan.

Gawin nating makabuluhan at makasaysayan ang okasyon ng nalalapit na halalang 2013, para putulin at wakasan ang pagha-hariharian ng kasalukuyang lokal na administrasyon na kilala sa katiwalian, pag-abuso sa kapangyarihan, pamumunong paurong at walang direksiyon. Nais natin ang hustisya para sa mga biktima ng "extrajudicial killings" sa ating bayan. Ngunit higit pa sa pagpapalit sa kasalukuyang lokal na administrasyon ang nais natin. Mas mahalaga ang kinakailangang reporma at makabuluhang pagbabago sa kasalukuyang pampulitikang sistemang kinakikitaan ng malawakang kahirapan, kawalan ng hustisya, pulitika ng pangungurakot, at kultura ng pagkamakasarili. Pagbabagong nagdadala ng komprehensibong pampulitika, pang-ekonomiya at pangkulturang programa para sa Bansud.  

  Ang pagmamahal natin sa bayan sa kasalukuyang panahon ay maipapamalas sa pagtataguyod sa mga aspirasyon at adhikain ng mamamayan na nakapaloob sa ating sumusunod na ”Walong Puntong Reporma” tungo sa isang progresibong bayan ng Bansud.

PAMBUNGAD

Page 3: 8 Puntong REPORMA tungo sa Progresibong Bansud - Roy Mudanza

http://www.facebook.com/groups/reporma/http://reporma.weebly.com/

Pulitika ng PagbabagoRPM-Reporma Para sa Masa

1REPORMA

KATARUNGAN SA LAHAT NG

BIKTIMA NG PAMAMASLANG!

para sa

PEACE & ORDER

Umaabot sa 14 kaso ng pamamaslang sa ating bayan ang di pa nareresolba hanggang sa kasalukuyan. Lahat ay naganap sa nakalipas na anim na taon, sa ilalim ng kasalukuyang lokal na administrasyon – HANGAD NATIN AY KATARUNGAN!

Page 4: 8 Puntong REPORMA tungo sa Progresibong Bansud - Roy Mudanza

http://www.facebook.com/groups/reporma/http://reporma.weebly.com/

Pulitika ng PagbabagoRPM-Reporma Para sa Masa

1. Kamtin ang Katarungan para sa mga kababayang biktima ng Pamamaslang!

1.1. Ilunsad ang isang malawak na kilusan ng mamamayan kabilang ang mga taong simbahan at midya laban sa mga gangster at kriminal sa Bansud.

1.2. Hulihin, ikulong at usigin ang mga gangster na kriminal at pasimuno sa mga walang pakundangang pamamaslang sa Bansud.

1.3. Igalang ang karapatang pantao alinsunod sa “Article 3, Universal Declaration of Human Rights” (Every human being has the inherent right to life. This right shall be protected by law. No one shall be arbitrarily deprived of his life).

Mga Reporma at Hakbang para sa PEACE & ORDER

MGA KOLEKTIBONG HAKBANG:

Page 5: 8 Puntong REPORMA tungo sa Progresibong Bansud - Roy Mudanza

http://www.facebook.com/groups/reporma/http://reporma.weebly.com/

Pulitika ng PagbabagoRPM-Reporma Para sa Masa

Itayo at palakasin ang Bantay-bayan sa bawat barangay. Ito ay isang community-based crime watch, para sugpuin ang operasyon ng mga elementong kriminal, sindikato, at gawaing anti-sosyal, kabilang ang pagsugpo sa pagnanakaw ng mga alagang hayop ng mga magsasaka at pagsugpo sa pagpapalaganap ng ipinagbabawal na gamot;

2. Bantay-Bayan

Mga Reporma at Hakbang para sa PEACE & ORDER

3. CCTV CAMERA

Maglagay ng CCTV camera sa mga eryang komersiyal at bawat barangay bilang bahagi ng proteksiyon laban sa kriminalidad.

Page 6: 8 Puntong REPORMA tungo sa Progresibong Bansud - Roy Mudanza

http://www.facebook.com/groups/reporma/http://reporma.weebly.com/

Pulitika ng PagbabagoRPM-Reporma Para sa Masa

4.1. Itayo ang ”Para-legal group” sa bawat barangay para sa mabilis at libreng serbisyong legal sa mamamayan, lalo na sa mga maralitang kababayan. Ang ”Para-legal group” ay tutugon sa mga kasong administratibo,sibil at kriminal.

4.2. Katuwangin dito ang mga estudyanteng abogado at iba pang institusyon bilang mga volunteers para sa ganitong serbisyo.

4.3. Maagap na magbigay ng abogado mula sa Public Attorney’s Office (PAO) sa mga kasong kailangan ito.

4. Para-Legal Service

Mga Reporma at Hakbang para sa PEACE & ORDER

Page 7: 8 Puntong REPORMA tungo sa Progresibong Bansud - Roy Mudanza

http://www.facebook.com/groups/reporma/http://reporma.weebly.com/

Pulitika ng PagbabagoRPM-Reporma Para sa Masa

2REPORMA para sa pangunahing

TUNAY NA SERBISYO, HINDI PAKITANG-TAO!

Tiyakin ang maagap, mabilis at seryosong pagtugon sa mga serbisyong pambayan, hindi ningas kogon at pakitang-tao lamang.

SERBISYO

Page 8: 8 Puntong REPORMA tungo sa Progresibong Bansud - Roy Mudanza

http://www.facebook.com/groups/reporma/http://reporma.weebly.com/

Pulitika ng PagbabagoRPM-Reporma Para sa Masa

Serbisyo para sa Kabataan at OSY

A. SERBISYO SA KABATAAN AT OUT-OF-SCHOOL YOUTH (OSY)Bigyan ng pinakamataas na atensiyon at interbensiyon ang edukasyon para sa mas magandang kinabukasan ng mga kabataan:

I. SA PORMAL NA EDUKASYON:

1. College Scholarship – ipatupad ang programang ”isang iskolar bawat maralitang pamilya”;

2. Study Now-Pay Later para sa mga Out-of-School Youth (OSY);

3. Pre-school - Pagtatayo ng iskwelahan ng Pre-School sa bawat Barangay.

4. Insentibo sa bawat gurong pampubliko.

MGA KOLEKTIBONG HAKBANG:

Page 9: 8 Puntong REPORMA tungo sa Progresibong Bansud - Roy Mudanza

http://www.facebook.com/groups/reporma/http://reporma.weebly.com/

Pulitika ng PagbabagoRPM-Reporma Para sa Masa

II. SA SKILLS & SPORTS DEVELOPMENT:

1. Itayo ang mga ”TESDA accredited Skills and Training facilities” sa mga pangunahing Barangay.

2. Itayo ang Sports Development Program sa antas bayan at sa bawat Barangay.

Serbisyo para sa Kabataan at OSY

Page 10: 8 Puntong REPORMA tungo sa Progresibong Bansud - Roy Mudanza

http://www.facebook.com/groups/reporma/http://reporma.weebly.com/

Pulitika ng PagbabagoRPM-Reporma Para sa Masa

B. HAKBANG SA SERBISYONG PANG-KALUSUGAN:1. Women and Child Care Center:

Serbisyo sa Kalusugan

1.1 Reporma sa BEmONC: SERBISYO HINDI NEGOSYO - Itigil ang di-makatarungang paniningil ng P3,600 sa mga nanganganak sa Bansud Basic Emergency Obstetric and Newborn Care (BEmONC); Ibigay ng libre ang ganitong serbisyo! Sapat na ang anumang donasyon bilang bayad.

Ipawalang-bisa ang kontra-maralitang Municipal Ordinance No. 027 S.2011, na pumipiga ng P3,600 sa mga pasyenteng naganganak;

1.2 Magtayo ng Birth Center (lying-in), katumbas ng BEmONC sa bawat barangay.

1.3 Bansud Midwifery Scholarship Program (BMSP) – Ilunsad ang ”two-year midwifery scholarship grant” para sa mga kwalipikadong aplikante sa pakikipagtulungan ng mga midwifery schools at Department of Health.

1.4 Opisyal na resibo sa bawat bayarin ng pasyente, kung mayoon man; at

1.5 Kunin ang kinakailangang Funding Assistance mula sa mga internasyunal na institusyon kabilang ang, United Nations Population Fund (UNFPA) at United Nation Children’s Fund (UNICEF) para sa dagdag na equipment; medical supplies; capacity building ng staff at mga serbisyo ng BEmONC.

Page 11: 8 Puntong REPORMA tungo sa Progresibong Bansud - Roy Mudanza

http://www.facebook.com/groups/reporma/http://reporma.weebly.com/

Pulitika ng PagbabagoRPM-Reporma Para sa Masa

2.1 Bansud Health Insurance Program –Ilunsad at palakasin ang Health Insurance Program para tugunan ang pangangailangan ng maralita at mamamayan sa quality health care services;

2.2 Outpatient consultation and diagnostic Benefit (OPB) Package - Makipag-MOA (Memorandum of Agreement) ang Munisipyo sa Philippine Health Insurance Corporation (PHIC) para makakuha ng OPB para sa mamamayan;

2.3 Indigent Enrollment Program – Katuwang ang Barangay Health Workers at ang Municipal Social Workers, tukuyin ang mga indigents at kanilang dependents na kwalipikado sa programa, kabilang ang mga barangay-tanod, sa pamamagitan ng Community Based Information System Minimum Basic Needs Approach;

2. Free Public Health Care Service:

Serbisyo sa Kalusugan

Page 12: 8 Puntong REPORMA tungo sa Progresibong Bansud - Roy Mudanza

http://www.facebook.com/groups/reporma/http://reporma.weebly.com/

Pulitika ng PagbabagoRPM-Reporma Para sa Masa

2.4 Magpasa ng Ordinansa para sa Philhealth Capitation Fund. Magtakda ng alokasyon ang munisipyo bilang Counterpart Fund para sa regular na bayad sa insurance premiums ng mga indigent-beneficiaries.

3. Traditional and Alternative Health Care Program:

3.1 Preventive Health Care system - Buuin ang angkop at komprehensibong programa at muling paggamit ng mga tradisyunal at alternatibong paraan ng paggagamot. Kabilang ang ”Herbal Plantation” sa bawat barangay;

3.2 Ilunsad ang mga gawain sa edukasyon at pagsasanay ng mga barangay health workers sa acupuncture, massage/hilot therapy at mga katulad na ligtas na paraan ng preventive health care practices, alinsunod sa RA No. 8423 o "Traditional and Alternative Medicine Act (TAMA) of 1997.“

Serbisyo sa Kalusugan

Page 13: 8 Puntong REPORMA tungo sa Progresibong Bansud - Roy Mudanza

http://www.facebook.com/groups/reporma/http://reporma.weebly.com/

Pulitika ng PagbabagoRPM-Reporma Para sa Masa

Tunay na Serbisyo sa Kalusugan

5. Bansud Health Board:

Buuin ang Bansud Health Board (BHB)– kunin bilang miyembro ng BHB ang mga kuwalipikadong kinatawan mula sa mga Non-Governmental Organizations, People’s Organizations (NGOs/POs) at health institution para sa komprehensibong pag-aaral at rekomendasyon sa wastong paggamit ng ”Dual Health Care Policy” – moderno at tradisyunal.

Ipagpatuloy ang programang Operation: Sagip-Mata para sa lahat ng mga Senior Citizens – libreng operasyon sa katarata.

4. Operation: Sagip-Mata:

Page 14: 8 Puntong REPORMA tungo sa Progresibong Bansud - Roy Mudanza

http://www.facebook.com/groups/reporma/http://reporma.weebly.com/

Pulitika ng PagbabagoRPM-Reporma Para sa Masa

Serbisyo para sa Malinis na Tubig-inumin

K. SERBISYO PARA SA MALINIS NA TUBIG-INUMIN

Itayo ang Bansud Municipal Waterworks System (BMWS). Lutasin ang kawalan ng inpra-istruktura, sistema at malinis na suplay ng inuming tubig sa ating bayan.

Itigil at wakasan ang pakitang-tao na serbisyo at iligal na pamumudmod ng Jetmatic pump sa piling mamamayan tuwing eleksiyon, bilang kubling pamimili ng boto.

Page 15: 8 Puntong REPORMA tungo sa Progresibong Bansud - Roy Mudanza

http://www.facebook.com/groups/reporma/http://reporma.weebly.com/

Pulitika ng PagbabagoRPM-Reporma Para sa Masa

3REPORMANG PANG-EKONOMIYA atKABUHAYAN!Primera-Klaseng Bansud: ITAYO ANG BANSUD ECONOMIC DEVELOPMENT ZONE

(*Income classification based on Department of Finance Department Order No.23-08. Effective July 29, 2008).

Mula sa atrasado at segunda-klase*, gawin nating primera-klaseng bayan ang Bansud.

Page 16: 8 Puntong REPORMA tungo sa Progresibong Bansud - Roy Mudanza

http://www.facebook.com/groups/reporma/http://reporma.weebly.com/

Pulitika ng PagbabagoRPM-Reporma Para sa Masa

REPORMA NG pang-Ekonomiya at Kabuhayan

NEGOSYO AT HANAP-BUHAY PARA SA MAMAMAYAN!

1. Likhain ang BANSUD ECONOMIC DEVELOPMENT PROGRAM - Kumilos para sa paglikha ng hanap-buhay at maiangat ang kabuhayan ng mga Bansudeño.

2. Likhain ang BANSUD ECONOMIC ZONE (BEZ) bilang isang special economic zone ng komersiyo at industriya sa Bansud.

3. Likhain ang BANSUD INVESTMENT CODE, alinsunod sa Local Government Code of 1991 at Omnibus Investments Code (Executive Order no. 226), para hikayatin ang mga lokal at dayuhang investors sa ating bayan.

Bigyan ng lubos na proteksiyon at diskwento sa buwis at iba pang insentibo ang mga investors, kabilang ang mga lokal na negosyo (small and medium enterprise)/ entrepreneurs, kooperatiba at OFW’s.

MGA KOLEKTIBONG HAKBANG:

Page 17: 8 Puntong REPORMA tungo sa Progresibong Bansud - Roy Mudanza

http://www.facebook.com/groups/reporma/http://reporma.weebly.com/

Pulitika ng PagbabagoRPM-Reporma Para sa Masa

4. 70-30 Policy – Bigyan ng mataas na prayoridad at oportunidad ang mga Bansudeño sa pagbibigay ng hanap-buhay. Ibigay sa mga kababayan natin ang 70 porsiyento (70%) o higit pa ng lakas-paggawa (labor force) sa lahat ng mga malilikhang trabaho, kabilang ang konstruksiyon ng mga gusali, kalsada at iba pa, publiko man o pribado. Ang natitirang 30 porsiyento (30%) naman ng lakas-paggawa ay ibukas na mula sa ibang bayan.

5. Buksan ang mga oportunidad sa Agro-Industry at Eko-Turismo at hikayatin ang mga investors, entrepreneurs, OFW’s at mga kooperatiba para likhain ang mga negosyo at hanap-buhay para sa ating mga kababayan kabilang ang pagtatayo ng planta/pabrika para sa pag-proseso ng ketsup; banana chips; dairy products, meat processing , fishery products at marami pang iba.

Hikayatin ang mga investors para i-debelop ang ating mga water falls at beach resort.

REPORMA NG pang-Ekonomiya at Kabuhayan

Page 18: 8 Puntong REPORMA tungo sa Progresibong Bansud - Roy Mudanza

http://www.facebook.com/groups/reporma/http://reporma.weebly.com/

Pulitika ng PagbabagoRPM-Reporma Para sa Masa

6. Bansud Public Employment Service Office (BPESO) – Likhain ang BPESO at i-debelop ang data base ng iba’t-ibang skilled labor. Makipag-MOA sa DOLE (Department of Labor and Employment) para sa programang Skills Registry System (SRS) para sa job opportunities ng mamamayan.

Ang SRS ay isang sistemang ‘live’ electronic register of skills para sa job matching at magsilbing gabay ng mga employer sa paghahanap ng manpower at desisyon sa investment.

REPORMA NG pang-Ekonomiya at Kabuhayan

Page 19: 8 Puntong REPORMA tungo sa Progresibong Bansud - Roy Mudanza

http://www.facebook.com/groups/reporma/http://reporma.weebly.com/

Pulitika ng PagbabagoRPM-Reporma Para sa Masa

4REPORMAsa

AGRIKULTURA

Agrikultural ang bayan ng Bansud. Magsasaka at mangingisda ang malaking mayorya ng ating populasyon mula sa bilang na 38,341(Mayo 2010, NSO).

Pangunahing pwersa at katuwang ng bayan ang mga magsasaka para sa paglikha ng sapat na pagkain ng mamamayan – sa paraang natural at organiko.

Para sa malusog at sustainable food production:”BACK TO BASICS, GO ORGANIC”

Page 20: 8 Puntong REPORMA tungo sa Progresibong Bansud - Roy Mudanza

http://www.facebook.com/groups/reporma/http://reporma.weebly.com/

Pulitika ng PagbabagoRPM-Reporma Para sa Masa

Liban sa suliranin ng kawalan ng sariling lupang sakahan, suliranin din ng mga magsasaka ang mataas na presyo sa mga gamit sa produksiyon tulad ng binhi, sintetikong pestisidyo’t abono; suliranin sa patuloy na pagiging asidiko ng lupaing agrikultural at suliranin sa mga barat na middlemen at negosyante na namimili ng produktong agrikultural.

Kung gayon, ang suliranin ng magsasaka ay suliranin din ng bayan.

Ang paglutas sa suliranin sa pagsasaka at agrikultura ay paglutas sa suliranin sa kabuhayan ng magsasaka at sustainable food production para sa mamamayan.

LUTASIN ANG SULIRANIN SA PAGSASAKA AT AGRIKULTURA

REPORMA NG AgrikulturalMGA KOLEKTIBONG HAKBANG:

Page 21: 8 Puntong REPORMA tungo sa Progresibong Bansud - Roy Mudanza

http://www.facebook.com/groups/reporma/http://reporma.weebly.com/

Pulitika ng PagbabagoRPM-Reporma Para sa Masa

HAKBANG PANG-KABUHAYAN AT SUSTAINABLE AGRICULTURE:

1. GAWING ORGANIC FARMING CAPITAL ANG BANSUD SA BUONG SILANGANG MINDORO

Ang tanging paraan para lutasin ang mataas na gastos sa modernong pagsasaka at malikha ang sustainable food production ay bumalik sa paraang natural at organic farming/agriculture.

2. BANSUD BIO-ORGANIC RESEARCH & DEVELOPMENT CENTER (BBRDC)

Itayo ang BBRDC bilang hakbang para sa institusyunalisasyon, debelopment at sentro ng promosyon ng organic agriculture sa Bansud, batay sa Philippine Organic Agriculture Act (Republic Act No. 10068). Maglaan ng sapat na taunang pondo ang lokal na pamahalaan para sa ganitong layunin.

REPORMA NG Agrikultural

Page 22: 8 Puntong REPORMA tungo sa Progresibong Bansud - Roy Mudanza

http://www.facebook.com/groups/reporma/http://reporma.weebly.com/

Pulitika ng PagbabagoRPM-Reporma Para sa Masa

3. ”BACK TO BASICS GO ORGANIC”

Ilunsad ang isang kilusang-bayan, ”Back to Basics, Go Organic” – isang empowerment campaign na nakadiin sa gawaing edukasyon/training, impormasyon, pag-oorganisa at pagpapakilos sa sektor ng magsasaka at mamamayan.

4. COASTAL RESOURCE MANAGEMENT

Itayo ang ”Municipal Coastal Resource Management” (MCRM), bilang sentrong ahensiya sa Bansud para sa proteksiyon, preserbasyon at regulasyon sa mga lugar pangisdaan sa saklaw ng bayan. Pangkalahatang layunin ng MCRM na itaguyod ang karapatan at kagalingan ng mga maliliit na mangingisda; Isanib ang Fishery Management Plan sa Municipal Development Plan.

5. ORGANISASYON AT KOOPERATIBA NG MGA MAGSASAKA

Itayo at palakasin ang mga organisasyon, pederasyon at kooperatiba ng mga magsasaka/prodyuser at mangingisda bilang mga pundasyon ng kilusang-bayan na ”Back to Basics, Go Organic”, mula sa antas bayan hangang sa antas barangay.

REPORMA NG Agrikultural

Page 23: 8 Puntong REPORMA tungo sa Progresibong Bansud - Roy Mudanza

http://www.facebook.com/groups/reporma/http://reporma.weebly.com/

Pulitika ng PagbabagoRPM-Reporma Para sa Masa

6. ECO-PRODUCTS AT ORGANIC FERTILIZER PRODUCTION

Lumikha ng iba’t-ibang eco-agricultural products kabilang ang poultry at piggery. Itayo at i-debelop sa bawat barangay ang mga ”Organic Fertilizer Production and Processing Plant” tungo sa pagiging self-reliance.

7. ORGANIC TRADING CENTER

Farm-to-Market Trading Center – Itayo sa Bansud ang sentral na bagsakan ng lahat na mga produktong organiko (at di organiko) bilang trading center, sa halip na dumaan pa sa mga barat na middle-men. Magkatuwang na pangangasiwaan ito ng lokal na pamahalaan at kooperatiba ng mga magsasaka.

8. GREENCENTIVE (Green Incentive) – Gumawa ng kinakailangang ordinansa para tukuyin ang mga insentibo (libreng buwis at value added tax) at taunang gantimpala sa mga barangay at magsasakang gumagamit ng organic farming kabilang ang fertilizer production at iba pang produktong eco-friendly.

REPORMA NG Agrikultural

Page 24: 8 Puntong REPORMA tungo sa Progresibong Bansud - Roy Mudanza

http://www.facebook.com/groups/reporma/http://reporma.weebly.com/

Pulitika ng PagbabagoRPM-Reporma Para sa Masa

5REPORMA

Mutwal na Respeto at Kooperasyon sa mga Kapatid na Aeta at Mangyan!

Para sa mga KAPATID NA IP’s!

KATUTUBO, KATUWANG SA REPORMA AT PAGBABAGO!

Page 25: 8 Puntong REPORMA tungo sa Progresibong Bansud - Roy Mudanza

http://www.facebook.com/groups/reporma/http://reporma.weebly.com/

Pulitika ng PagbabagoRPM-Reporma Para sa Masa

1. Respeto at proteksiyon sa mga kapatid na Katutubo sa kanilang natatanging sistemang panlipunan at kultura alinsunod sa Saligang Batas ng Pilipinas, (Section 17, Article XIV);

2. Itaguyod ang mga karapatan ng mga kapatid na Katutubo alinsunod sa Section 16 of Republic Act 8371 (RA 8371), o Indigenous People’s Rights Act of 1997.

3. Proteksiyon at depensa sa ancestral lands at kabuhayan ng mga katutubo;

4. Itaguyod ang supisyente at angkop na panlipunang serbisyo, lalo na sa larangan ng pagpapaunlad sa kabuhayan, edukasyon at kalusugan; at

5. Katuwangin sila sa programang ”Back to Basics, Go Organic”.

Kilalanin ang papel ng mga kapatid na katutubo sa pagpapaunlad ng ating bayan.

REPORMA para sa mga Kapatid na IP’s

MGA KOLEKTIBONG HAKBANG:

Page 26: 8 Puntong REPORMA tungo sa Progresibong Bansud - Roy Mudanza

http://www.facebook.com/groups/reporma/http://reporma.weebly.com/

Pulitika ng PagbabagoRPM-Reporma Para sa Masa

6REPORMANG

Likhain ang angkop na GREEN REFORM PROGRAM na tutugon sa mga suliraning pangkalikasan – na nakatuon sa kagalingan ng mamamayan.

Pangunahing diin ng programa ang paglikha ng WASTE-TO-ENERGY bilang alternatibong enerhiya.

PANG-KALIKASAN!WASTE-TO-ENERGY:PROTEKSIYON SA KALIKASAN at MAMAMAYAN!

Page 27: 8 Puntong REPORMA tungo sa Progresibong Bansud - Roy Mudanza

http://www.facebook.com/groups/reporma/http://reporma.weebly.com/

Pulitika ng PagbabagoRPM-Reporma Para sa Masa

Itayo sa Bansud ang GRDC para sa mga programang nakatuon sa alternatibong enerhiya at proteksiyon sa kalikasan:

Sa pamamagitan ng GRDC, ilunsad ang programa’t proyekto para likhain ang green energy at murang kuryente – sa panimula, para sa sariling konsumo sa kuryente ng munisipyo, pampublikong ospital, palengke, ilaw sa plaza/parke, mga street lights at iba pa.

Ang lahat ng halagang matitipid sa bill ng kuryente ay masinop na ilalaan para sa serbisyo sa mamamayan partikular sa edukasyon at kalusugan.

GREEN-ENERGY RESEARCH AND DEVELOPMENT CENTER (GRDC)

GREEN REFORMMGA KOLEKTIBONG HAKBANG:

Page 28: 8 Puntong REPORMA tungo sa Progresibong Bansud - Roy Mudanza

http://www.facebook.com/groups/reporma/http://reporma.weebly.com/

Pulitika ng PagbabagoRPM-Reporma Para sa Masa

1. Waste-to-Energy (Green energy)

Ang waste-to-energy project ay ang teknolohiya at prosesong lumilikha ng ”green electricity” mula sa lahat ng klase ng basura: domestic, agricultural at commercial, kabilang ang basura mula sa palengke at slaughter house.

Benefits:- No more Landfills- Mining of Existing Landfills- No Effluent Stream- No Leachate- No Methane- Produces pelletized carbon neutral non fossil fuel (RDF)

- Livelihood Creation- Self sustaining

- Produces recyclable commodities- Zero carbon footprint

GREEN REFORM

Page 29: 8 Puntong REPORMA tungo sa Progresibong Bansud - Roy Mudanza

http://www.facebook.com/groups/reporma/http://reporma.weebly.com/

Pulitika ng PagbabagoRPM-Reporma Para sa Masa

2. E-trike/e-bike

Promosyon ng alternatibong transportasyong pampubliko at pribado, kabilang ang e-trike at e-bike.

Hikayatin ang mga small at medium scale enterprises para sa pagmanupaktura nito sa mga ating bayan.

GREEN REFORM

E-trike Service sa bawat Barangay

e-TRIKES:No Air Pollution!

No Noise!No Gas!

Page 30: 8 Puntong REPORMA tungo sa Progresibong Bansud - Roy Mudanza

http://www.facebook.com/groups/reporma/http://reporma.weebly.com/

Pulitika ng PagbabagoRPM-Reporma Para sa Masa

GREEN REFORM

The eight-hour charging requirement will only cost PhP 38.00, way below the estimated cost of around PhP 200.00 for gasoline by the current breed of trikes.

Page 31: 8 Puntong REPORMA tungo sa Progresibong Bansud - Roy Mudanza

http://www.facebook.com/groups/reporma/http://reporma.weebly.com/

Pulitika ng PagbabagoRPM-Reporma Para sa Masa

7REPORMA PARA SA

ITAYO ANG BUKAS AT DEMOKRATIKONG PAMAHALAAN NG BANSUD!Ipatupad ang isang tunay na bukas, demokratiko at mabuting pamamahala at responsableng pangangalaga sa kabang yaman at rekursong pampubliko.

Ang bawat sentimo na napupunta sa kurapsiyon ay halagang ninakaw ng mga corrupt na pulitiko mula sa edukasyon, serbisyong panlipunan, paglikha ng hanap-buhay at poverty reduction.

Ang bukas at walang ikinukubling pamamahala ang susi sa mga reporma laban sa korupsiyon.

MABUTING PAMAMAHALA

Page 32: 8 Puntong REPORMA tungo sa Progresibong Bansud - Roy Mudanza

http://www.facebook.com/groups/reporma/http://reporma.weebly.com/

Pulitika ng PagbabagoRPM-Reporma Para sa Masa

Bibigyan natin ng mataas na pagpapahalaga ang integridad, kakayahan, kasipagan, katapatan at kahusayan ng mga nasa serbisyong pampubliko.

Masusukat ang tunay na Good Governance kung integral na umiiral ang mga sumusunod na mga prinsipyo sa pamamahala:

- Transparency (bukas at walang ikinukubli); - Accountability (may pananagutan); at - People’s participation (partisipasyon ng mamamayan)

Kung di umiiral at wala ang isa man sa tatlong prinsipyo – huwad ang sinasabi nilang good governance.

1. TUNAY NA GOOD GOVERNANCE:

REPORMA Para sa Mabuting PamamahalaMGA KOLEKTIBONG HAKBANG:

Page 33: 8 Puntong REPORMA tungo sa Progresibong Bansud - Roy Mudanza

http://www.facebook.com/groups/reporma/http://reporma.weebly.com/

Pulitika ng PagbabagoRPM-Reporma Para sa Masa

REPORMA Para sa Mabuting Pamamahala

2. ELECTRONIC GOVERNANCE (e-Governance):Laban sa bureaucratic red-tape

Sugpuin ang bureaucratic red-tape at pabilisin ang mga transaksiyon ng mamamayan sa munisipyo at barangay. Batay dito, ipatupad ang full computerization at automation sa buong munisipyo at mga pangunahing barangay, alinsunod sa pambansa at internasyunal na pamantayan.

Sa ganitong sistema, ang mamamayan ng Bansud, kahit saang panig sila ng buong mundo ay maaaring gumawa ng transaksiyon ONLINE para kumuha at mag-renew ng permit, rehistro, lisensiya sa negosyo at iba pang serbisyo ng lokal na pamahalaan nang hindi na kailangan pang kunin ang pirma at hingan ng suhol ng iba’t-ibang mapagsamantalang otoridad.

Samantala, magbuo at ipatutupad ang epektibong Citizen’s Charter para sa mabilis na transaksiyon, proseso at serbisyo (3-5 minutes release), lalo na para sa mamamayang di pa makagamit ng kompyuter/online

Page 34: 8 Puntong REPORMA tungo sa Progresibong Bansud - Roy Mudanza

http://www.facebook.com/groups/reporma/http://reporma.weebly.com/

Pulitika ng PagbabagoRPM-Reporma Para sa Masa

3. Transparent Governance:

Ang bukas at walang ikinukubling pamamahala ang susi sa mga reporma laban sa korupsiyon.

Ipatupad ang FULL DISCLOSURE POLICY - Isapubliko ang dokumento ng mga pampublikong kontrata at kasunduan, taunang gastos at kita, kabilang ang taunang statement of assets, liabilities at net worth (SALN) ng lahat ng mga pampublikong upisyal;

Ang lahat ng mga dokumentong publiko at taunang ulat sa bawat sentimong ginastos at kinita ng lokal na pamahalan, ay nararapat isapubliko sa pamamagitan ng municipal website alinsunod sa Local Government Code of 1991 (Section 352, Republic Act No. 7160).

REPORMA Para sa Mabuting Pamamahala

Page 35: 8 Puntong REPORMA tungo sa Progresibong Bansud - Roy Mudanza

http://www.facebook.com/groups/reporma/http://reporma.weebly.com/

Pulitika ng PagbabagoRPM-Reporma Para sa Masa

4. Transparency sa Sangguniang-Bayan:

1. Ibukas sa publiko ang bawat sesyon ng Sangguniang-Bayan para sa kanilang impormasyon at edukasyon.

2. Maglunsad ng regular o espesyal na sesyon ang Sangguniang-Bayan sa bawat Barangay.

3. Ipatupad ang ONLINE at LIVE coverage (real-time) ng bawat sesyon ng Sangguniang-Bayan, upang mapanood at matuto ang mga mamamayan sa mga proseso sa pagbubuo ng mga ordinansa’t resolusyon ng konseho.

Ang bawat naka-rekord na sesyon ng konseho ay maagap na i-upload sa opisyal na website ng pamahalaang bayan ng Bansud bilang reference ng publiko, kabilang ang mga kababayan na OFW.

REPORMA Para sa Mabuting Pamamahala

Page 36: 8 Puntong REPORMA tungo sa Progresibong Bansud - Roy Mudanza

http://www.facebook.com/groups/reporma/http://reporma.weebly.com/

Pulitika ng PagbabagoRPM-Reporma Para sa Masa

 5. Accountable Governance:

“Public office is a public trust. Public officers and employees must, at all times, be accountable to the people, serve them with utmost responsibility, integrity, loyalty, and efficiency; act with patriotism and justice, and lead modest lives” - (Saligang Batas ng Pilipinas, Article XI, Section 1)

Usigin at papanagutin ang mga matataas na upisyal ng bayan at mga kasabwat nito na sangkot sa mga katiwalian;

Nararapat ang pananagutan sa bayan at serbisyo publiko, hindi ng pansariling kapakanan at pangangamkam sa kaban ng bayan.

REPORMA Para sa Mabuting Pamamahala

Page 37: 8 Puntong REPORMA tungo sa Progresibong Bansud - Roy Mudanza

http://www.facebook.com/groups/reporma/http://reporma.weebly.com/

Pulitika ng PagbabagoRPM-Reporma Para sa Masa

6. Governance with People’s Participation:

“Good governance is easily achieved if its responsibilities are shared by the people. A system of partnership between the governor and the governed gives impetus to the time-honored principle that, indeed, "Sovereignty resides in the people and all government authority emanates from them. (Article II, Section 1, Philippine constitution).

Ang kurapsiyon ay mababawasan lamang kung mayroong aktibong partisipasyon ang mga ordinaryong mamamayan sa paggo-gubyerno, kabilang ang pagdinig sa kanilang pasya kung saan at paano gugugulin ang pondong publiko. 

Gawing institusyon ang paglahok ng mga POs/NGOs sa lahat ng antas ng pamamahala – mula munisipyo hanggang barangay. Tiyakin ang mga demokratikong public hearing bago planuhin at ipatupad ang mga proyektong makakaapekto sa mamamayan.

REPORMA Para sa Mabuting Pamamahala

Page 38: 8 Puntong REPORMA tungo sa Progresibong Bansud - Roy Mudanza

http://www.facebook.com/groups/reporma/http://reporma.weebly.com/

Pulitika ng PagbabagoRPM-Reporma Para sa Masa

8REPORMA tungo sa

Pulitika ng PagbabagoBAGONG PULITIKA ANG TAMANG LANDAS TUNGO SA TUNAY NA PAGBABAGO

Ang balangkas (framework) ng bagong pulitika ay paghahangad na baguhin at paunlarin ang sistema at prosesong pampulitika - di lamang sa pagpapalit ng mayor o namumuno sa pamahalaan.

Page 39: 8 Puntong REPORMA tungo sa Progresibong Bansud - Roy Mudanza

http://www.facebook.com/groups/reporma/http://reporma.weebly.com/

Pulitika ng PagbabagoRPM-Reporma Para sa Masa

REPORMA Tungo sa Pulitik a ng PagbabagoUNANG HAKBANG: ISAKATUPARAN ang PULITIKA NG PAGBABAGO at tunay na paglilingkod sa mamamayan:  

1. Pulitikang nakabase sa prinsipyo at mga isyu ng mamamayan, hindi sa popularidad ng indibidwal at pamumudmod ng pabuya sa botante;

2. Pulitika ng pananagutan sa bayan at serbisyo publiko, hindi ng pansariling kapakanan at pangangamkam sa kaban ng bayan;

3. Pulitikang nagtataguyod sa good governance – transparency, accountability at people’s participation; at

4. Pulitikang nagbibigay ng tunay na kapangyarihan sa mamamayan, hindi ng panlilinlang at hungkag na pangako ng mga tradisyunal na pulitiko.

Page 40: 8 Puntong REPORMA tungo sa Progresibong Bansud - Roy Mudanza

http://www.facebook.com/groups/reporma/http://reporma.weebly.com/

Pulitika ng PagbabagoRPM-Reporma Para sa Masa

Alinsunod sa bagong pulitika, itinataguyod natin ang mga sumusunod:

Ang PRINSIPYONG dapat laging ipauna ang interes at kapakanan ng mamamayan.

Ang PLATAPORMA ng pagbabagong panlipunan na tumutugon sa mga suliranin ng bayan at laban sa katiwalian at kurapsiyon.

Ang ALTERNATIBONG tunay na bagong pulitika ng prinsipyo, isyu, serbisyo at pagsasakapangyarihan ng sambayanan.

REPORMA Tungo sa Pulitik a ng Pagbabago

Page 41: 8 Puntong REPORMA tungo sa Progresibong Bansud - Roy Mudanza

http://www.facebook.com/groups/reporma/http://reporma.weebly.com/

Pulitika ng PagbabagoRPM-Reporma Para sa Masa

IKALAWANG HAKBANG:ITAYO ANG BANSUD PEOPLE’S COUNCIL o BPC

Itayo ang Bansud People’s Council o BPC. Ang BPC ay magsisilbing independyente at sentrong organisasyon ng mamamayan ng Bansud. Instrumento ito ng mamamayan para itaguyod ang mga karapatan at kagalingan ng mga Bansudeno. Ang BPC ay tatayo din bilang ka-partner ng lokal na pamahalaan sa paggo-gubyerno.

Ang BPC ang praktika ng pagsasa-kapangyarihan sa mamamayan (People Empowerment) - ang pag-oorganisa sa mga batayang sektor, at paglikha ng mga pamamaraan para sa kanilang makabuluhang partisipasyon sa paggo-gubyerno (governance).

REPORMA Tungo sa Pulitik a ng Pagbabago

Page 42: 8 Puntong REPORMA tungo sa Progresibong Bansud - Roy Mudanza

http://www.facebook.com/groups/reporma/http://reporma.weebly.com/

Pulitika ng PagbabagoRPM-Reporma Para sa Masa

1. Sa tunay na diwa ng democratic governance, ipatupad ang 25% representasyon ng mga sektor sa Municipal and Barangay Development Councils, alinsunod sa Local Government Code of 1991, kabilang ang sektor ng magsasaka, manggagawa, kababaihan, kabataan, senior citizen at iba pa.

2. Mula sa Assembly ng Bansud People’s Council, demokratikong pipiliin ang 25% kinatawan para sa Municipal Development Council.

3. Mahigpit na ipatupad din ang ganitong mekanismo at proseso sa antas barangay para sa tuwirang paglahok ng mamamayan sa pagbabalangkas at pagpapatupad ng mga ordinansa, patakaran at programa, lalo sa sa mga usaping direktang apektado ang mamamayan;

IKATLONG HAKBANG:ITAYO ANG TUNAY NA MUNICIPAL DEVELOPMENT COUNCILDemokratikong Representasyon

REPORMA Tungo sa Pulitik a ng Pagbabago

Page 43: 8 Puntong REPORMA tungo sa Progresibong Bansud - Roy Mudanza

http://www.facebook.com/groups/reporma/http://reporma.weebly.com/

Pulitika ng PagbabagoRPM-Reporma Para sa Masa

IBOTO NATIN!

FOR MAYOR