6. wika at lipunan
TRANSCRIPT
![Page 1: 6. Wika at Lipunan](https://reader034.vdocuments.mx/reader034/viewer/2022050617/5477fd98b4af9f3d7f8b461b/html5/thumbnails/1.jpg)
![Page 2: 6. Wika at Lipunan](https://reader034.vdocuments.mx/reader034/viewer/2022050617/5477fd98b4af9f3d7f8b461b/html5/thumbnails/2.jpg)
Wika at LipunanAng lipunan ay malaking pangkat ng
mga tao na may karaniwang set ng pag-uugali, ideya, saloobin at namumuhay sa isang tiyak na teritoryo at itinuturing ang mga sarili bilang isang yunit (UP Diksyunaryong Filipino).
Ang wika, pasalita man o pasulat, ang instrumentong ginagamit ng mga tao sa loob ng lipunang ito upang makapag-ugnayan sa isa’t isa (Sapir, 1949).
![Page 3: 6. Wika at Lipunan](https://reader034.vdocuments.mx/reader034/viewer/2022050617/5477fd98b4af9f3d7f8b461b/html5/thumbnails/3.jpg)
Wika at LipunanAng speech community ay ang pangkat
ng tao sa loob ng lipunan na may tiyak na wikang gamit ayon sa kanilang antas ng pamumuhay, lahi, kasarian, gulang, hanapbuhay, interes at iba pang panlipunang sukatan.
Ang sosyolinggwistika ang larangan ng pag-aaral ng wika na nagsusuri sa pagkakaiba-iba ng lenggwahe sa istruktura ng lipunan (Paz, 2003).
![Page 4: 6. Wika at Lipunan](https://reader034.vdocuments.mx/reader034/viewer/2022050617/5477fd98b4af9f3d7f8b461b/html5/thumbnails/4.jpg)
Wika at LipunanAng wika ay nahahati sa dalawang pangunahing dimensyon:
1.Heyograpikal2.Sosyal
![Page 5: 6. Wika at Lipunan](https://reader034.vdocuments.mx/reader034/viewer/2022050617/5477fd98b4af9f3d7f8b461b/html5/thumbnails/5.jpg)
HEYOGRAPIKAL
![Page 6: 6. Wika at Lipunan](https://reader034.vdocuments.mx/reader034/viewer/2022050617/5477fd98b4af9f3d7f8b461b/html5/thumbnails/6.jpg)
Heyograpikal na SalikAng Pilipinas ay isang arkipelago.
Ang pagkakahati-hati nito sa mga pulo ay nagbunsod ng pagkakaroon nito ng maraming wika.
Nag-iiba-iba ang wika dahil sa: (1) heograpikong lokasyon ng speech communities at (2) language boundary bunga ng migrasyon o paglilipat.
![Page 7: 6. Wika at Lipunan](https://reader034.vdocuments.mx/reader034/viewer/2022050617/5477fd98b4af9f3d7f8b461b/html5/thumbnails/7.jpg)
Paano naiiba ang wika sa diyalekto?Pinagbabatayan ang mutual intelligibility o pagkakaunawaan.
Wika ito kapag hindi nagkaintindihan ang dalawang taong nag-uusap na may magkaibang barayti ng wika.
Diyalekto ito kapag nagkaintindihan sila, bagamat may kaunting disturbance sa pag-unawa.
![Page 8: 6. Wika at Lipunan](https://reader034.vdocuments.mx/reader034/viewer/2022050617/5477fd98b4af9f3d7f8b461b/html5/thumbnails/8.jpg)
Wika o Diyalekto?Ay-ayatenka. Nahigugma ako kanimo.Kaluguran daka.Inaru taka.Payaba ta ka.Je t’aime.Ich liebe dich.
![Page 9: 6. Wika at Lipunan](https://reader034.vdocuments.mx/reader034/viewer/2022050617/5477fd98b4af9f3d7f8b461b/html5/thumbnails/9.jpg)
Wika o Diyalekto?Ay-ayatenka. (Ilocano)Nahigugma ako kanimo. (Bisaya)Kaluguran daka. (Kapampangan)Inaru taka. (Pangasinense)Payaba ta ka. (Bicolano)Je t’aime. (Pranses)Ich liebe dich. (Aleman)
![Page 10: 6. Wika at Lipunan](https://reader034.vdocuments.mx/reader034/viewer/2022050617/5477fd98b4af9f3d7f8b461b/html5/thumbnails/10.jpg)
Wika o Diyalekto?Nainom ako ng tubig.
Nakain ako ng isda.
![Page 11: 6. Wika at Lipunan](https://reader034.vdocuments.mx/reader034/viewer/2022050617/5477fd98b4af9f3d7f8b461b/html5/thumbnails/11.jpg)
SOSYAL
![Page 12: 6. Wika at Lipunan](https://reader034.vdocuments.mx/reader034/viewer/2022050617/5477fd98b4af9f3d7f8b461b/html5/thumbnails/12.jpg)
Social Dialect o SosyolekBaryasyon ng wika na ginagamit ng speech communities ayon sa antas panlipunan, edukasyon, trabaho, gulang at iba pang panlipunang sukatan.
1.Register2.Idyolek3.Istandard na Wika
![Page 13: 6. Wika at Lipunan](https://reader034.vdocuments.mx/reader034/viewer/2022050617/5477fd98b4af9f3d7f8b461b/html5/thumbnails/13.jpg)
RegisterAng wikang gamit ng isang tao na
nakabatay sa kanyang katayuan sa lipunan o grupong kinabibilangan.
Pormal na register kung ginagamit sa mga pormal na sitwasyon o okasyon, gaya ng akademya, simbahan, korte, at iba pa.
Di-pormal na register kung kaedad lamang ang kausap.
![Page 14: 6. Wika at Lipunan](https://reader034.vdocuments.mx/reader034/viewer/2022050617/5477fd98b4af9f3d7f8b461b/html5/thumbnails/14.jpg)
IdyolekIto ang diyalektong personal sa bawat ispiker; sinasaklaw nito ang kabuuan ng mga katangian at kagawian sa pagsasalita ng isang indibidwal.
Ang pagkakaiba-iba ng wika ayon sa mga pisikal na katangian (liit o laki ng bibig, kalidad ng tinig, at iba pa).
![Page 15: 6. Wika at Lipunan](https://reader034.vdocuments.mx/reader034/viewer/2022050617/5477fd98b4af9f3d7f8b461b/html5/thumbnails/15.jpg)
KAANTASAN NG WIKA
![Page 16: 6. Wika at Lipunan](https://reader034.vdocuments.mx/reader034/viewer/2022050617/5477fd98b4af9f3d7f8b461b/html5/thumbnails/16.jpg)
Kaantasan ng WikaWikang Pambansa / Wikang Opisyal – itinatadhana ng batas at ginagamit ng higit sa kalahati ng populasyon ng bansa; ginagamit din sa halos lahat ng larangan kabilang na ang edukasyon at politika.
![Page 17: 6. Wika at Lipunan](https://reader034.vdocuments.mx/reader034/viewer/2022050617/5477fd98b4af9f3d7f8b461b/html5/thumbnails/17.jpg)
Kaantasan ng WikaWikang Pampanitikan – ginagamitan ng mga idyoma at tayutay upang magkaroon ng kakaibang pagpapahayag maliban sa karaniwang paraan.
Lalawiganin – ginagamit ng mga tao sa isang tiyak na lalawigan o rehiyon, gaya ng Bisaya, Ilocano, Bicolano, at iba pa.
![Page 18: 6. Wika at Lipunan](https://reader034.vdocuments.mx/reader034/viewer/2022050617/5477fd98b4af9f3d7f8b461b/html5/thumbnails/18.jpg)
Kaantasan ng WikaPormal – ginagamit sa mga pormal na okasyon, gaya ng pagpupulong, pakikipagnegosasyon, pagtuturo, at iba pa.
Kolokyal – ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag-usap o pakikipagkuwentuhan.
![Page 19: 6. Wika at Lipunan](https://reader034.vdocuments.mx/reader034/viewer/2022050617/5477fd98b4af9f3d7f8b461b/html5/thumbnails/19.jpg)
Kaantasan ng WikaJargon – ginagamit ng isang
partikular na grupo ng tao na nabibilang sa isang propesyon.
Balbal– maririnig sa mga pangkaraniwang lugar, gaya ng palengke, barber shop, at iba pa na ginagamit ng mga taong kadalasan ay hindi nakapag-aral at nabibilang sa mababang antas.