2nd grading l.p sa epp( agriculture) iv 2015.docx

40
Petsa: ________________________ EPP 12:00 – 12:50 IV - Bonifacio 12:50 – 1:40 - IV – Rizal Aralin 1 Pakikinabang sa Pagtatanim ng Halamang Ornamental I – Natatalakay ang pakinabang sa pagtatanim ng halamang ornamental para sa pamilya at sa pamayanan II – Pakinabang sa Pagtatanim ng Halamang Ornamental para sa Pamilya at sa Pamayanan Sanggunian: K-12 EPP4AG-Oa2 (1.2) Kagamitan: tambiolo (kahon na may binilot na papel na may nakasulat ng mga paksa) III- Pamamaraan A. PAGGANYAK (WORD RELAY ) Ihanda ang mga salita gaya ng pagkakakitaan, nagpapaganda ng kapaligiran, nagbibigay ng lilim at sariwang hangin, at sumusugpo ng polusyon. Isulat ang bawat isang salita sa papel na ilalagay sa tambiolo. Tumawag ng bata at pabunutin sa tambiolo. Bibigyan ng kasagutan ng mga mag-aaral ang nabunot na paksa. Maaring hindi lahat ng bata ay makapagbibigay ng wastong sagot ngunit maari itong tanggapin. B. PAGLALAHAD Ipabalik ang mga binilot na papel sa tambiolo. Pangkatin ang mga mag-aaral at pabubunutin sa tambiolo ang lider. Bigyan ng 15 minuto ang bawat pangkat upang mapag-usapan ang paksa at ipabahagi ito sa buong klase. C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN Ipaliwanag ang mga kapakinabangan na makukuha sa pag- tatanim ng mga halamang ornamental ayon sa ibinahagi ng mga mag-aaral.

Upload: janice-abbas

Post on 02-Feb-2016

1.890 views

Category:

Documents


59 download

TRANSCRIPT

Page 1: 2ND GRADING L.P sa EPP( AGRICULTURE) IV 2015.docx

Petsa: ________________________

EPP

12:00 – 12:50 IV - Bonifacio 12:50 – 1:40 - IV – Rizal

Aralin 1 Pakikinabang sa Pagtatanim ng Halamang Ornamental

I – Natatalakay ang pakinabang sa pagtatanim ng halamang ornamentalpara sa pamilya at sa pamayanan

II – Pakinabang sa Pagtatanim ng Halamang Ornamental para sa Pamilya at sa Pamayanan

Sanggunian: K-12 EPP4AG-Oa2 (1.2)

Kagamitan: tambiolo (kahon na may binilot na papel na may nakasulat ng mga paksa)

III- PamamaraanA. PAGGANYAK (WORD RELAY )

Ihanda ang mga salita gaya ng pagkakakitaan, nagpapaganda ng kapaligiran, nagbibigay ng lilim at sariwang hangin, at sumusugpo ng polusyon. Isulat ang bawat isang salita sa papel na ilalagay sa tambiolo. Tumawag ng bata at pabunutin sa tambiolo. Bibigyan ng kasagutan ng mga mag-aaral ang nabunot na paksa. Maaring hindi lahat ng bata ay makapagbibigay ng wastong sagot ngunit maari itong tanggapin.

B. PAGLALAHAD

Ipabalik ang mga binilot na papel sa tambiolo. Pangkatin ang mga mag-aaral at pabubunutin sa tambiolo ang lider. Bigyan ng 15 minuto ang bawat pangkat upang mapag-usapan ang paksa at ipabahagi ito sa buong klase.

C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN

Ipaliwanag ang mga kapakinabangan na makukuha sa pag- tatanim ng mga halamang ornamental ayon sa ibinahagi ng mga mag-aaral.

D. PAGSASANIB

Pagiging responsable (Responsible). Ang mga halaman ay bahagi ng ating kalikasang kaloob ng Maykapal. Dapat natin itong alagaan, pahalagahan, at pagyamanin.

E. PAGLALAHAT

Ang pagtatanim ng mga halamang ornamental ay isang kawili-wili at nakalilibang na gawain.

Maraming kapakinabangan ang nakukuha rito na makakatulong sa pamilya at pamayanan.

Page 2: 2ND GRADING L.P sa EPP( AGRICULTURE) IV 2015.docx

IV. PAGTATAYA:

Ipasagot kung Tama o Mali ang sumusunod na tanong:

1. Ang pagtatanim ng mga halamang ornamental ay nakatutulong sa pagbibigay ng malinis na hangin.

2. Ang mga halamang ornamental ay walang naidudulot na mabuti sa pamilya at ibang tao sa pamayanan.

3. Maaaring ipagbili ang mga itatanim na halamang ornamental.

4. Nakapagbibigay kasiyahan sa pamilya at pamayanan ang pagtatanim ng mga halamang ornamental.

V TAKDANG GAWAIN:

Pagawain ang mga bata ng album ayon sa kapakinabangan na makukuha ng pamilya at pamayanan sa pagtatanim ng mga halamang ornamental.

Page 3: 2ND GRADING L.P sa EPP( AGRICULTURE) IV 2015.docx

Petsa: ________________________________

EPP 12:00 – 12:50 IV - Bonifacio 12:50 – 1:40 - IV – Rizal

Aralin 2: Pagsasagawa ng Survey Gamit ang Teknolohiya

I –Nakagagamit ng teknolohiyang internet sa pagsasagawa ng survey at iba pang pananaliksik upang matutuhan ang makabagong pamamaraan ng pagpapatubo ng halamang ornamental

II - Pagsasagawa ng Survey Gamit ang Makabagong Pamamaraan sa Pagpapatubo ng Halamang Ornamental

Sanggunian: K-12 EPP4AGOb-3Kagamitan: manila paper, pentel pen, kuwaderno, lapis

III. PAMAMARAAN:

A. PAGHAWAN NG BALAKID

1. teknolohiya 3. pananaliksik2. internet 4. survey

B. PAGGANYAK

Magsa-survey ang bawat pangkat sa pamayanan tungkol sa iba’t ibang uri ng halamang ornamental at mga paraan ng pagpapatubo nito. Itanong sa mga mag-aaral ang:

• Anong paraan ang gagamitin ninyo upang mapadali ang gagawing pagsa-survey?

• Bigyang kahulugan ang mga salitang teknolohiya, internet, pananaliksik, at survey.

C. PAGLALAHAD

Maghahanda ang guro ng isa-survey ng bawat pangkat upang maging matagumpay ang pananaliksik gamit ang internet.

Pangalan ngHalamang

Ornamental

Uri ngHalamang

Ornamental

Lugar kungSaan Dapat

Itanim

Paraan ngPagtatanim / Pag-aalaga

Fortune Plant

Marigold

Espada

Zinnia

AdelfaSunfowerIlang-ilang

Gumamela

Bougainvillea

Page 4: 2ND GRADING L.P sa EPP( AGRICULTURE) IV 2015.docx

D. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN

Idikit sa pisara ang mga nagawang survey ng bawat pangkat at talakayin ang mga ito. Isa-isahin ang makabagong pamamaraan ng pagpapatubo/pagtatanim ng mga halaman/punong ornamental.

E. PAGSASANIB

ICT → web surfing

F. PAGLALAHAT

Dapat natin tandaan na napakaraming halamang ornamental na maaring patubuin, ngunit dapat na isaalang-alang ang tamang paraan ng pagtatanim ng mga ito.

Upang maging madali at mabilis ang pagsa-survey ng kahit na anong halamang ornamental, gamitin ang computer upang makatulong sa pagsasakatuparan sa mga ito. Maaring mas makikilala ang mga halaman kung makikita ito sa internet.

IV. PAGTATAYA:

Magpasulat sa bawat kasapi ng pangkat ng isang maikling sanaysay tungkol sa isinagawang pagsa-survey.

V. TAKDANG- ARALIN:

Pahanapin ang mga mag-aaral sa pamilihan ng mga halamang ornamental na may mura pa ang sanga at may matigas na sanga. Alagaan ang mga ito at subukang gamitan ng materyal sa pagtatanim. Ipasulat ang resulta kung ito ay tumubo o hindi makalipas ang ilang araw. Ipabahagi sa klase ang naging resulta.

Page 5: 2ND GRADING L.P sa EPP( AGRICULTURE) IV 2015.docx

Petsa: ________________________________

EPP 12:00 – 12:50 IV - Bonifacio 12:50 – 1:40 - IV – Rizal

Aralin 3: Pagtukoy ng mga Halamang Ornamental Ayon sa Pangangailangan

I – Nakapagsasagawa ng survey upang matukoy ang mga halamang ornamental ayon sa ikagaganda ng tahanan, gusto ng mamimili, panahon, pangangailangan, at kita ng mga nagtatanim

II- Pagtukoy ng mga Halamang Ornamental Ayon sa Ikagaganda ng Tahanan, Gusto ng Mamimili, Panahon, Pangangailangan, at Kita ng mga Nagtatanim

Sanggunian: K-12 EPP4AG-Oc-4

Kagamitan: kuwaderno, ballpen, manila paper, pentel penIII.PAMAMARAAN:

A. PAGGANYAK

Itanong sa mga mag-aaral kung nagkaroon na sila ng pagkakataong makapasyal sa mga lugar na kung saan may mga nagtitinda ng mga halamang ornamental. Itanong din kung nagkaroon na ba sila ng karanasan na magtanim, mag-alaga, o magtinda ng mga halamang katulad nito.

B. PAGLALAHAD

Pumili ng mga bagong lider ng pangkat at bigyan sila ng pagkakataong pumili ng kani-kanilang kasapi. Gabayan ang mga mag- aaral ng bumuo ng mga katanungan sa gagawing pagsa-survey sa pamayanan. Ipasagawa ang pagsa-survey pagkatapos ng klase.

C. PAGPAPALALIM NG KAALAMANAng mga halamang ornamental ay itinatanim upang magkadagdag kagandahan sa tahanan,

paaralan, hotel, restaurant, at parke. Nagbibigay ganda ang mga ito lalong lalo na kung malulusog, malalago, makulay, at maayos ang pagkakalagay.

Iba-iba rin ang katangian ng mga halamang ornamental. May namumulaklak, hindi namumulaklak, malalaki, malalapad ang dahon, at mayroong mababa lamang. Ang iba ay mabilis tumubo, may mabagal, may nabubuhay sa tubig, at sa lupa. Ang mga bagay na ito ay dapat nating isaalang-alang kung magtatanim o mag-aalaga ng halamang ornamental.D. PAGSASANIB

Communication skills/maayos na pakikipagtalastasan. Paalalahanan ang mga mag-aaral ng mga panuntunan ng maayos na pakikipag-usap at pagtatanong sa mga tao ng napiling pamayanan.

IV. PAGTATAYA:Ipasagot sa mga mag-aaral ang sumusunod:

1. Ano ang ginamit ninyong pamamaraan ng pagkuha ng mga kaalaman?2. Anong pamamaraan ang isinasagawa sa gawaing survey?

V. TAKDANG - ARALINPasulatin ang mga mag-aaral ng isang journal tungkol sa kanilang karanasan sa

pagsasagawa ng survey sa tindahan ng mga halamang ornamental.

Page 6: 2ND GRADING L.P sa EPP( AGRICULTURE) IV 2015.docx

Petsa: ________________________________

EPP 12:00 – 12:50 IV - Bonifacio 12:50 – 1:40 - IV – Rizal

Aralin 4: Intercropping ng Halamang Ornamental sa Halamang Gulay

I – Makagagawa ng survey upang matukoy ang pagbabago sa kalakaran ng pagpapatubo ng halamang gulay na kasama sa halamang ornamental

II. Intercropping ng Halamang Ornamental sa Halamang Gulay Sanggunian: K-12EPP4AG-Oc-4, Internet (edible landscaping),Google Kagamitan: larawan, tsart, computer unit

III.PAMAMARAAN:A. PAGGANYAK

Magpakita ng larawan ng isang lugar na may tanim na halamang ornamental na may kasamang halamang gulay. Itanong ang sumusunod: Ano ang napapansin sa larawan? Maaari bang ipagsama sa isang lugar ng taniman ang mga halamang ornamental at gulay?

(Mungkahi: Gumamit ng computer unit sa silid-aralan o tignan ang mga larawan ng vegetable landscape sa ICT class.)

B. PAGLALAHADMuling ipagawa sa mga pangkat ng mga mag-aaral ang pagsa- survey. Patunguhin sila sa lugar

na mayroong mga tanim na halamang ornamental. Sabihin sa kanila na masusing magmasid at magtanong kung maaaring isama ang mga halamang gulay sa pag-aalaga ng mga halamang pampalamuti.

C. PAGPAPALALIM NG KAALAMANTalakayin sa klase ang mga nakalap na kaalaman ng bawat pangkat. Kunin ang may

pinakamalapit na tugon sa pagtukoy ng pagbabago sa kalakaran sa pagtatanim ng mga halamang gulay na kasama ang mga halamang ornamental.

Page 7: 2ND GRADING L.P sa EPP( AGRICULTURE) IV 2015.docx

D. PAGSASANIBPagkamapamaraan / Pagkamalikhain, ICT thru internet – Google

E. PAGLALAHAT

Ang bagong kalakaran sa pagpapatubo ng mga halamang gulay na kasama sa mga ornamental ay isang kaaya-ayang gawain. Maraming pakinabang ang nagagawa nito. Nakapagpapaganda ito ng kapaligiran at nakapagbibigay ng pagkain dahil sa ibinubunga nitong sariwang gulay. Mga herbs ang karaniwang itinatanim dahil sa taglay nitong magagandang hugis at kulay ng dahon, hindi ito gaanong tumataas, at maaari itong itanin kahit sa bakuran lamang ng tahanan. Payak at madaling maiayos ang edible landscape. Dahil dito mas madali tayong makakukuha ng dagdag na gamit sa pagluluto.

IV. PAGTATAYA:

A. Pabuuin ang mga bata ng salita sa bawat kahon. Papiliin ng sagot sa sumusunod: cosmos, sunflower, fortune plant, palmera, at kamatis.

1.

2.

3.

B. PANGWAKAS NA PAGTATASA:

Ipagawa sa mga mag-aaral ang nasa ibaba:Isulat sa puwang kung anong uri ng halaman ang sumusunod.Ipasulat kung gulay o

ornamental.1. Kamatis 2. Pechay 3. Gumamela 4. Santan 5. Talong

V. TAKDANG GAWAIN

Magdala sa paaralan ng mga punla ng damo, portulaca, dahon ng murang sibuyas, at kintsay

Page 8: 2ND GRADING L.P sa EPP( AGRICULTURE) IV 2015.docx

Petsa: ________________________________

EPP 12:00 – 12:50 IV - Bonifacio 12:50 – 1:40 - IV – Rizal

Aralin 5: Pagtukoy sa Disenyo o Plano ng Pagtatanim ng Pinagsamang Halamang Ornamental at iba pang Halamang Angkop Dito.

I – Nagkagagawa ng survey upang matukoy ang disenyo o plano ng pagtatanim ng pinagsamang halamang ornamental at iba pang mga halamang angkop dito

II- Pagtukoy sa Disenyo o Plano ng Pagtatanim ng Pinagsamang Halamang Ornamental at Iba Pang mga Halamang Angkop Dito.

Sanggunian: K-12 EPP4AG-Oc-4

Kagamitan: kuwaderno, ballpen, kartolina, lapis, pentel pen, crayola/watercolor

III. PAMAMARAAN:

A. PAGGANYAKMagpakita ng dalawang larawan ng halamanan na naka- landscape na naiplano na at hindi pa.

Mayroong mga tanim na mga halamang ornamental kasama ang ibang halaman gaya ng halaman/ punong gulay o halaman/punong prutas sa nakaplano. Hayaan naman kalat ang mga tanim sa hindi nakaplano.Itanong sa mga mag-aaral. Bakit mahalaga ang pagpaplano sa pagtatanim ng mga halamang ornamental na may kasamang ibang halaman o puno gaya ng halaman/punong gulay at halaman/punong prutas?

B. PAGLALAHADMagsagawa ng survey o pagtatanong sa mga eksperto upangmalaman kung paano nakagagawa ng disenyo ng pagtataniman sa pinagsamang halamang ornamental at iba pang halamang angkop sa edible landscaping.Ipaliwanag sa mga mag-aaral ang survey questions o katanungan para sa gawain.

C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN

Pangkatang GawainMag-uulat ang bawat pangkat tungkol sa pagpaplano ng disenyo sa gagawing landscaping sa

taniman. Sa pangangalap ng mga kaalaman, ang mga mag-aaral ay makabubuo ng maayos na disenyo ng taniman sa pamamagitan ng pagguhit o krokis ng mga pinagsamang halamang ornamental at iba pang halamang angkop dito. Ipagawa sa mga mag-aaral ang pagguhit ng simpleng landscape gardening sa isang malinis na papel.

D. PAGSASANIB* Artwork * Pagkakaisa

Page 9: 2ND GRADING L.P sa EPP( AGRICULTURE) IV 2015.docx

E. PAGLALAHAT

Kapag napag-aralan na ang mga pisikal na kaanyuan ng lugar ng isasagawang landscaping sa tahanan, alamin kung alin sa mga nakatanim na halaman o puno ang dapat alisin. Mayroong maaring paiksiin o pananatilihin sa lugar ng pinagtaniman. Alamin din ang kalagayan ng kapaligiran, kung saang lugar sa pagtataniman ang may malakas na ihip ng hangin. Kung sa panahon ng tag-bagyo, alamin din ang lugar na may matinding sikat ng araw, ang padaluyan ng tubig-baha, at ano pa mang mga salik na maaaring makaapekto sa wastong pagtubo ng halamang aalagaan.

IV. PAGTATAYA:

Bibigyan ng iskor ang natapos na guhit ng simpleng landscaping na ginawa ng bawat pangkat ayon sa pamantayan.

Kriterya Iskor

Nilalaman ng paksa/guhit 40%

Pagkakaisa 35%

Balance and Harmony (uri ng halaman, 25%

hugis at kulay ng mga dahon)

100%

V. TAKDANG - ARALIN

Humanap ng larawan ng mga halamang ornamental at iba pang mga halaman gaya ng punong gulay at punong prutas na angkop dito. Iguhit sa isang ikawalang bahagi ng illustration board ang pagsasagawa ng mga ornamental, herbal, at tree landscaping. Sundin ang maaayos ng pagsasama ng mga halaman upang magandang tingnan. Kulayan at idikit sa dingding ng silid-aralan.

Page 10: 2ND GRADING L.P sa EPP( AGRICULTURE) IV 2015.docx

Petsa: ________________________________

EPP 12:00 – 12:50 IV - Bonifacio 12:50 – 1:40 - IV – Rizal

Aralin 6: Pagtukoy sa Paraan ng Pagtatanim at Pagpapatubo ng Halamang Ornamental

I – Nakapagsasagawa ng survey upang matukoy ang wastong paraan ng pagtatanim at pagpapatubo ng mga halamang ornamental

II- Pagtukoy sa Paraan ng Pagtatanim at Pagpapatubo ng mga Halamang OrnamentalSanggunian: K-12 EPP4AG –Oc-4 (1.4.5)Kagamitan: larawan at tsart

III. PAMAMARAAN:

A. PAGGANYAK

Dalhin ang mga mag-aaral sa narseri ng mga halamang ornamental sa paaralan. Maaari din na pumunta sa pinakamalapit na narseri ng mga halaman sa pamayanan.Sabihan sa mga mag-aaral na maaaring itala o isulat nila ang mga napagmasdan sa lugar, ang mga nakitang paraan ng pagtatanim, mga lagayan ng mga tanim, at iba pa. Gawin itong paksang pag- uusapan bago maglahad.

B. PAGLALAHAD

Bago mag-umpisa ang klase sa agrikultura atasan ang mga mag- aaral na mag-survey. Magtatanong ang mga ito sa nagtatanim ng mga halaman o sa nagla-landscape ng tungkol sa wastong paraan ng pagtatanim ng mga halamang ornamental, gulay, at prutas. Ipatanong sa kanila kung papaano ang pagpapasibol, pag-aalaga, at iba pang ginagawa sa mga tanim. Ipalahad ito sa klase.Ipaliwanag ang pagpapasibol ng mga butong pantanim sa dalawang paraan, ang di-tuwiran at tuwirang pagtatanim. Ipaliwanag din ang paggamit ng mga sanga sa pagtatanim at ang paraan ng pagpapasibol sa pamamagitan ng buto at sanga.

Page 11: 2ND GRADING L.P sa EPP( AGRICULTURE) IV 2015.docx

C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN

Kalimitan nagmumula sa buto at sanga ang mga halamang ornamental. Dapat bigyang-pansin ang pagpapatubo ng mga ito dahil dito magmumula ang ikagaganda ng tanim. Tiyaking walang ligaw na mga halaman gaya ng damo ang tutubo sa kamang taniman. Kapag malaki-laki na ang mga punla, bungkalin nang marahan ang paligid upang makahinga ang mga ugat nito at lumaki kaagad.

D. PAGSASANIB Pagkamapamaraan

E. PAGLALAHAT

Isaalang-alang palagi ang paraan ng pagtatanim ng mga halamang ornamental. Kung sa kahong punlaan pinasibol ang mga punla, siguraduhing maarawan ang mga ito, upang maging maganda ang pagsibol ng mga tanim. Kapag sa sanga pinasibol, ang mga bagong punla ay maaring takpan ng plastic cover o dalhin sa loob ng narseri upang hindi masikatan ng matinding sikat ng araw na siya nitong ikamamatay. Pagkalipas ng ilang araw, unti-unti itong inilalantad sa araw.

IV. PAGTATAYA:

Ipasagot sa mga mag-aarala ang sumusunod:

Isulat sa puwang ang titik TP kung ang sagot ay tuwirang pag- tatanim at DTP kung ang sagot ay di-tuwirang pagtatanim.

1. Gumamela 3. Zinnia 5. Sampaguita

2. Cosmos 4. Sunflower

V. TAKDANG - ARALINAng bawat pangkat ay gagawa ng kahong punlaan na may sukat na30 sm x 45 sm x 7.5 sm.

Dalhin ito sa klase

Page 12: 2ND GRADING L.P sa EPP( AGRICULTURE) IV 2015.docx

Petsa: ________________________________

EPP 12:00 – 12:50 IV - Bonifacio 12:50 – 1:40 - IV – Rizal

Aralin 7: Paggawa ng Disenyo ng Pagtatanim ng mga Halamang OrnamentalI.Nakagagawa ng disenyo ng halamang ornamental sa tulong ng basic sketching at teknolohiyaII.Paggawa ng Disenyo ng Halamang Ornamental sa Tulong ng Basic Sketching at Teknolohiya

Sanggunian: K-12 EPP4AG-Oc5 (1.5)Kagamitan: computer, typewriting paper, lapis, manila paper,illustration board, pentel pen, crayola

III. PAMAMARAAN

A. PAGGANYAKIpakita ang mga larawan ng mga disenyo ng halamang ornamental. Gabayan at ipaliwanag sa

mga mag-aaral kung ano-ano ito.

B. PAGLALAHADIpaliwanag ang iba’t ibang disenyo ng pagtatanim ng mga halamang ornamental sa tahanan at

pamayanan. Magbigay ng mga ideya upang ang mga mag-aaral ay makapag-outline ng tanawin sa pagpapaganda ng tahanan at pamayanan.

Ipaliwanag na mahalaga ang outline sa padidisenyo ng pagtatanim ng mga halamang nabanggit. Dito makikita ang ideya kung ano ang maaring itanim sa tahanan at pamayanan. Gamit ang computer, mag-sketch ng outline ng landscaping sa pagtatanim ng

mga halamang ornamental.

C. PAGPAPALALIM NG KAALAMANIpangkat at gabayan ang mga mag-aaral. Pag-uusapan ang gagawing outline ng disenyo para sa

mga itatanim.

D. PAGSASANIB

* Pagkamalikhain at pagkamatiyaga *Industrial Arts: Basic sketching

IV. PAGTATAYA:Ipasagot sa mga mag-aaral ang sumusunod:

Sa naisagawang outline o disenyo sa manila paper o illustration board, ipapa-rate muna ang natapos na gawain sa ibang pangkat at mag- papalitan silang mag-rate ng kani-kanilang gawain ayon sa pamantayan.

Pamantayan Bahagdan

1. Nilalaman - 45%

2. Kaanyuan - 20%3. Balance and Harmony - 35%

100%

V. TAKDANG – ARALIN Mahalaga sa gawain ang paghahanda ng outline para sa gagawing pagdidisenyo ng landscaping

ng mga halamang ornamental lalo na kung ito ay naka-sketch gamit ang computer dahil nagiging maliwanag ang ideya ng pagtatanim para sa tahanan o pamayanan. Iayon ang pag-aayos sa katangian ng bawat uri ng halaman o punong ornamental.

Page 13: 2ND GRADING L.P sa EPP( AGRICULTURE) IV 2015.docx

Petsa: ________________________________

EPP 12:00 – 12:50 IV - Bonifacio 12:50 – 1:40 - IV – Rizal

Aralin 8: Pagpili ng Itatanim na Halamang Ornamental

I – Naipakikita ang wastong pamamaraan sa pagpili ng itatanim na halamang ornamentalII. Pagpili ng Itatanim na Halamang Ornamental

Sanggunian: K-12 EPP4AG-Od-6

Kagamitan: larawan, tsart, typewriting paper, masking tape, guntingIII. PAMAMARAAN:

A. PAGGANYAKPag-isipin ang mga mag-aaral. Magla-landscape gardening ang isang mag-anak ngunit

hindi nila maisip kung anong halaman/punong ornamental ang itatanim, paano mo sila tutulungan upang makapili ng tamang halaman.

B. PAGLALAHAD

Pangkatin ang mag-aaral sa apat. Mahanda ng mga larawan sa pisara, papiliin ang mga mag-aaral ng halaman/punong itatanim. Ipasulat ito sa papel at ipadikit ito sa kahon na nasa pisara.

Sa pagsusuri sa mga napiling halaman/punong ornamental, ipaliliwanag ng bawat pangkat ang kanilang gawain. Sa pagkakataon pareho ang kanilang napili, hayaan lang, at hingin ang kanilang opinyon na kung bakit iyon ang napili nila at hindi iyong iba.C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN

Balikan ang nagawang talaan ng mga halaman/punong ornamental. Kumuha ng typewriting paper at gumawa ng dalawang hanay, piliin kung anong halaman/punong ornamental ang maaaring ipagsama ayon sa naipaliwanag na pagsasagawa sa pagtatanim.

D. PAGSASANIBPagtutulungan at pagkamapanuri

Page 14: 2ND GRADING L.P sa EPP( AGRICULTURE) IV 2015.docx

E. PAGLALAHAT

Sa pagpili ng mga halaman/punong ornamental na itatanim para sa paggawa ng landscape gardening, dapat isaalang-alang ang lahat ng mga bagay na makakatulong sa ikauunlad ng gagawing proyekto. Maging mapanuri sa lahat ng mga bagay na dapat gawin nang sa gayon ang kalalabasan nito ay tiyak na magiging maganda at kaakit-akit sa paningin.

IV. PAGTATAYA:

Ipasagot sa mga mag-aaral.Itugma ang halamang ornamental na naaayon sa mga salita sa hanay A at B. Isulat ang titik

sa puwang.

A B

1. Pine tree a. mahirap buhayin 2. Orchids b. di namumulaklak 3. Rosas c. halamang puno 4. San Francisco d. nabubuhay sa tubig ___5. Waterlilly e. namumulaklak f. gumagapang

V. TAKDANG ARALIN

Magtala ng tig-limang halamang ornamental na maaaring itanim na may kasamang ibang halaman.

Page 15: 2ND GRADING L.P sa EPP( AGRICULTURE) IV 2015.docx

Petsa: ________________________________

EPP 12:00 – 12:50 IV - Bonifacio 12:50 – 1:40 - IV – Rizal

Aralin 9: Wastong Pamamaraan sa Paghahanda ng Taniman ng Halamang Ornamental

I-Naipakikita ang wastong pamamaraan sa paghahanda ng taniman

II- . Wastong Pamamaraan sa Paghahanda ng Taniman ng Halamang OrnamentalSanggunian: K-12 EPP4AG-Od-6 (1.6.2 )Kagamitan: larawan ng mga kasangkapang panghalaman, rubrik

III PAMAMARAANA. PAGGANYAK

Tanungin ang mga mag-aaral. Sino sa inyo ang may mga halaman at punong ornamental sa bakuran ng inyong bahay? Matagal na ba itong nakatanim? Naisip ba ninyo itong baguhin upang makabuo ng panibagong simpleng landscape gardening?

B. PAGLALAHAD

Ano ang dapat mong gawin kapag ang uri ng lupa sa pagtataniman ay tuyo, matigas, at bitak-bitak, kung ito ay malagkit at sobrang basa? Ano-anong kasangkapan ang gagamitin upang maayos ang lugar na pagtataniman?

C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN

Naayos na ang lupang tataniman, ano ang maaring magandang gawin upang maging maayos ito bago taniman? Kapag malawak naman ang lugar, anong mga palamuti ang nababagay na isama sa mga tanim na halaman o punong ornamental upang maging kaakit-akit ito tingnan? Kung hindi naman gaanong kalakihan ang lugar, maaari bang lagyan ng mga palamuti ito?

D. PAGSASANIBPagkamasipag at matiyaga

E. PAGLALAHAT

Sa paghahanda ng taniman para sa mga halamang ornamental, maganda ang disenyo kapag may nakaangat na lupa at may iba’t ibang hugis ng bato sa panabi ng taniman. Sa malalawak na lugar, maaaring maglagay ng pergola, fish pond, garden set, at grotto, at sa di gaanong malalawak, simpleng kaayusan lamang ang nararapat.

Page 16: 2ND GRADING L.P sa EPP( AGRICULTURE) IV 2015.docx

IV. PAGTATAYA:Performance Test

Lalabas ng silid-aralan at isasagawa ang paghahanda ng lupa. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng lugar kung saan magtatanim ng mga halamang ornamental.

Pamantayan Oo Hindi Di-Gaano

1. Gumamit ba ng angkop na kasangkapan sa paghahanda ng lupang taniman?

2. Naisagawa ba nang maayos ang paghahanda ng taniman?

3. Napanatili ba ang kalinisan ng kapaligiran at ng sarili?

V. TAKDANG - ARALIN

Maghanda ng mga halaman/punong ornamental na gagamiting pantanim upang makagawa ng isang simpleng landscaping sa paaralan.

Page 17: 2ND GRADING L.P sa EPP( AGRICULTURE) IV 2015.docx

Petsa: ________________________________

EPP 12:00 – 12:50 IV - Bonifacio 12:50 – 1:40 - IV – Rizal

Aralin 10: Wastong Paraan sa Paghahanda ng mga Itatanim o Patutubuin

I- Naipakikita ang wastong pamamaraan sa paghahanda ng mga itatanim o patutubuin

II- . Wastong Paraan sa Paghahanda ng mga Itatanim o Patutubuin Sanggunian: K-12 EPP4AG-Od-6 (1.63 )Kagamitan: larawan at tsart

III. PAMAMARAAN

A. PAGGANYAKMaaaari na tayo ngayong magtanim ng mga halamang ornamental. Ngunit dapat din

natin malaman ang wastong paraan ng pagsasagawa nito.Ano-ano ang uri ng halamang ornamental? Dapat ba nating alamin kung anong mga uri

ng halamang ornamental ang ating itatanim? Alamin din ang mga alituntunin sa pag-aayos ng pagtatanim.

B. PAGLALAHADMagpakita ng tsart tungkol sa mga gawain sa pagsasaayos ng halamang ornamental sa

lugar na pagtataniman. Ipaliwanag isa-isa sa mga mag-aaral ang mga ito.Ngayon ay may ideya na kayo sa paghahanda ng mga itatanim na halamang ornamental,

maaari na ninyong ihanda ang layout para sa lugar na pagtataniman, at ipakita ito sa guro.

C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN Ipapakita ng mga mag-aaral sa guro ang layout para sa simpleng landscape na

isasagawa sa paaralan. Ang mga halamang ornamental na itatanim ay nagpapaganda ng isang lugar

upang maging kapansin-pansin. Maaaring magtanim ng mga namumulaklak na halamang ornamental na naaangkop sa kaayusan ng halamanan.

Sa pagsasaayos ng mga halamang ornamental, pagsama-sama- hin ang mga halamang magkakasingkulay, magkakauri, at magka- kasinglaki bago isagawa ang simpleng landscaping.

D. PAGSASANIB

Pagkakaisa, pagkamalikhainIndustrial arts – layout model

E. PAGLALAHATAng mga halamang ornamental ay inihahanda ayon sa makasining na

pamamaraan ng pagtatanim, at maaaring pasibulin muna ang mga buto o sangang pantanim. Ito ay upang makatiyak at makasiguro na tatagal ang buhay ng bawat halamang itatanim.

Page 18: 2ND GRADING L.P sa EPP( AGRICULTURE) IV 2015.docx

Gumawa muna ng layout ng pagtatanim ng mga halaman puno upang hindi masayang ang lakas, pera at oras at upang makasiguro na magiging matagumpay ang pagsasagawa ng simpleng landscaping sa tahanan o sa paaralan. Ang lupang tataniman ay dapat suriing mabuti sa ikagaganda ng pagsibol at paglaki ng mga halaman/punong ornamental.

Ang ikatatagal ng buhay ng mga halamang ornamental ay sa pamamaraan ng paghahanda ng lupang taniman, wastong paraan ng pagpapatubo ng mga buto, at sangang pantanim at ang maayos na pag-aalaga habang ang mga halamang ornamental ay sumisibol at papalaki.

VI. PAGTATAYA:

Ipasagot sa mga mag-aaral ang sumusunod:

1. Bakit kailangan ang masusing paghahanda sa itatanim?a. lupang mabilis lumaki ang mga halamanb. upang maisakatuparan ang proyekto ng wastoc. upang mapadali ang pagsugpo ng mga sakit nito d. upang maibenta kagad ang mga produkto

2. Aling mga halamang ornamental ang hindi dapat na itinatanim sa harapan o unahan ng maliliit na halaman?

a. Mga lumalaki at yumayabong na halamang ornamental b. Mga may kulay na halamanc. Mga maliliit na halaman d. Mga nabubuhay sa tubig

3. Ano-ano ang dapat pagsama-samahin sa pagsasaayos ng mga halamang ornamental?a. Magkakasing kulay na halamanb. Magkakauring halamanc. Magkakasinlaking halaman d. Lahat ng mga ito

4. Saan maaring magsimula ang itatanim na halamang ornamental?a. paso at lupa c. buto at sangang pantanim b. bunga at dahon d. wala sa mga ito

5. Alin sa mga halamang ornamental na nakasaad ang lumalaki at yumayabong?a. Kalachuchi c. Ilang-ilangb. Balete d. Lahat ng mga ito

V. TAKDANG - ARALIN

Magsagawa ng simpleng landscape garden sa loob ng paaralan ang bawat pangkat upang maipamalas ang napag-aralan

Page 19: 2ND GRADING L.P sa EPP( AGRICULTURE) IV 2015.docx

Petsa: ________________________________

EPP

12:00 – 12:50 IV - Bonifacio 12:50 – 1:40 - IV – Rizal

Aralin 11: Pagpaparami ng Halamang Ornamental

I- 1. Naiisa isa ang mga uri ng halamang ornamental na maaaring itanim sa lata o paso 2. Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagpaparami ng halaman sa paraang layering/marcotting at pag puputol

3. Naisasagawa ang wastong paraan nang pagpaparami ng halaman sa paraang layering/marcotting at pagpuputol

II- Pagpaparami ng Halamang Ornamental Sanggunian: Misosa IV Umuunlad sa paggawa pp. 117-119

Makabuluhang Gawain Pangtahanan at Pangkabuhayan 5 pp. 114-116 Kagamitan: budding knife, moss, mother plant, mga larawan

III .PAMAMARAAN

A. PAGGANYAK

Nakakita na ba kayo ng isang halaman na maliit pa pero may bunga at may namumulaklak na?

B. PAGLALAHAD

1. Paano isinasagawa ang pagpapaugat?2. Paano isinasagawa ang pagpuputol at pagtatanim sa paso?

C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN

Magpakita kung paano gagawin ang air layering o marcottingkasabay ng pagpapaliwanag ng mga hakbang nito.

Pagkatapos ng pakitang turo, tumawag na isa o dalawang bata na magpapakita sa mga kamag-aaral kung paano ginawa ng guro ang air layering o marcotting.

Ipakikita rin ang payak na pagtatanim sa paso sa pamamagitan ng pagpuputol ng bagong ugat sa parte ng halaman mula sa magulang.

D. PAGSASANIB

Bago simulan ang pagpapakitang turo dapat talakayin ang gawaing pangkaligatasan lalo na kung gumagamit ng matatalim na kasangkapan.

E. PAGLALAHAT

Maraming paraan ang pagpaparami ng halamang ornamental. Sa bawat paraan ng pagpaparami ay mayroon kaniya kaniyang hakbang na dapat sundin.

Tandaan na mayroong mga halamang hindi napaparami sa pagpuputol, air layering o marcotting. Ang iba sa mga halaman ay buto ang gamit sa pagpaparami nito.

VI. PAGTATAYA:

Page 20: 2ND GRADING L.P sa EPP( AGRICULTURE) IV 2015.docx

Ipasagot sa mga mag-aaral ang sumusunod:Lagyan ng titik (T) kung tama ang pangungusap at (M) naman kung mali ito.

1. Ang air layering ay maaari din na tawaging marcotting. 2. Kailangan pumili ng matabang sanga, walang sakit para sa isasagawang

marcotting. 3. Ang butong ipupunla o itatanim ay kailangan magulang at galing sa malusog

na bunga. 4. Mainam din na ibabad magdamag sa tubig na may kahalong kemikal ang

butong itatanim. 5. Kailangan sundin ang lahat ng panuntunan sa pagpapaugat, pagpupunla,

at pagpuputol.

V. TAKDANG - ARALIN

Magbigay ng mga halimbawa ng halaman na napaparami sa a. Pagpuputolb. Air Layering o Marcotting

Page 21: 2ND GRADING L.P sa EPP( AGRICULTURE) IV 2015.docx

Petsa: ________________________________

EPP

12:00 – 12:50 IV - Bonifacio 12:50 – 1:40 - IV – Rizal

Aralin 12: Pagpaparami ng Halaman sa Paraang Pagpuputol

I- 1. Natatalakay ang mga hakbang sa paraang pagpuputol 2. Naisasagawa ang wastong pamamaraan ng pagpapatubo ng halamang ornamental sa paraang pagpuputol

II.Pagpapatubo ng Halamang Ornamental sa Paraang Pagpuputol Sangunian: MISOSA IV, V & VI, MGPP 4 & V pp. 117-119

Kagamitan; kagamitan sa pagpuputol (kutsilyo), sanga o tangkay ng halaman, dahon ng kataka-taka, paso o plastik bag na may lupa

III .PAMAMARAAN A. PAGGANYAK

May nagustuhan na ba kayo ng isang uri ng halaman? Hindi ba gusto mo itong hawakan at nais na magkaroon ng kasingtulad nito?

B. PAGLALAHAD

Talakayin ang pagpapatubo ng halaman sa paraang pagpuputol(cuttin1. Natatalakay ang mga hakbang sa paraang pagpuputol

2. Naisasagawa ang wastong pamamaraan ng pagpapatubo ng halamang ornamental sa paraang pagpuputol.

C. PAGPAPALALIM NG KAALAMANBakit kailangan matutuhan ang paraang pagpuputol at paano isinasagawa

ito?

D. PAGLALAHATAno-ano ang hakbang sa pagpaparami ng halaman sa paraang pagpuputol?

Paano ito isinasagawa?

IV. PAGTATAYA:Sagutin ang sumusunod sa pamamaraan ng paglalagay ng T kung tama ang

sinasabi at M kapag mali ito. 1. Kailangan pumili ng sanga o tangkay na may usbong o buko. 2. Gupitin ang mga sanga o tangkay ng pahilis. 3. Itanim ito sa kamang punlaan at pabayaan na lamang. 4. Lahat ng uri ng halaman ay maaaring paramihin sa paraang pagpuputol. 5. Ang pagpuputol ay mabilis na paraan sa pagpaparami ng halaman.

V. TAKDANG - ARALINMagsulat ng 3 mga palatandaan na maaari ng anihin ang mga halamang

ornamental.

Page 22: 2ND GRADING L.P sa EPP( AGRICULTURE) IV 2015.docx

Petsa: ________________________________

EPP

12:00 – 12:50 IV - Bonifacio 12:50 – 1:40 - IV – Rizal

Aralin 13: Paraan ng Pagbubungkal ng Lupa

I - a.Naiisa-isa ang mga kasangkapan sa pagbubungkal ng lupa b.Nasasabi kung saan ginagamit ang bawat kasangkapan

II. Mga Kagamitan sa Pagbubungkal ng Lupa Sangunian: MISOSA IV, V & VI, MGPP 4 & V pp. 117-119

Kagamitan; kasangkapan sa pagbubungkal

III .PAMAMARAANA. PAGGANYAK

Bakit kailangan ang angkop na kagamitan sa paghahanda ng lupa na pagtataniman? Ano ang maaring mangyari kung ito ay hindi maayos na naihanda?

B. PAGLALAHAD

Mga bata, sa araw na ito iisa-isahin natin ang tamang kasangkapan sa pagbubungkal ng lupa.

C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN

1. Ano-ano ang mga kasangkapang mainam gamitin sa pagbubungkal ng lupa?

2. Saan at paano ginagamit ang bawat isa?3. Ano-ano ang magiging epekto sa hindi paggamit ng tamang kagamitan

sa paghahanda ng lupang taniman?

D. PAGSASANIB

Science (simple machines) Bakit mahalaga gamitin ang tamang kagamitan sa pagbubungkal ng lupa?

E. PAGLALAHAT

Aalamin natin ang mga kasangkapang kailangan sa pagbubungkal ng halaman at angkop gamitin sa bawat gawain?

Page 23: 2ND GRADING L.P sa EPP( AGRICULTURE) IV 2015.docx

IV. PAGTATAYA:

Ipagawa sa mga mag-aaral ang sumusunod: Punanang patlang ng bawat pangungusap:

1. ginagamit sa pagbubungkal ng lupa sa paligid ng halaman.

2. ginagamit na pamutol ng mga sanga.

3. ginagamit pandilig ng halaman.

4. ginagamit ito upang linisin ang kalat sa bakuran tulad ng mga tuyong dahon at iba pang uri ng basura.

5. ginagamit sa paglilipat ng lupa.

V. TAKDANG - ARALIN

Ano-ano ang mga uri ng abono at ang paraan ng paglalagay nito?

Page 24: 2ND GRADING L.P sa EPP( AGRICULTURE) IV 2015.docx

Petsa: ________________________________

EPP

12:00 – 12:50 IV - Bonifacio 12:50 – 1:40 - IV – Rizal

Aralin 14: Paggawa ng Organikong Pataba ( Composting )

I - a. Naisasagawa ang masistemang pangangalaga ng tanim

b. Naisasagawa ang wastong paraan ng pagdidilig

c.. Naisasagawa ang wastong paraan ng paggawa ng organikong pataba

II. Masistemang Pangangalaga ng Tanim

Sanggunian:

Kagamitan: pala, kalaykay, mga tuyo at bagong tabas na dahon ng halaman, abo, apog, dumi ng mga hayop, iba pang uri ng organikong bosurn sa bakuran.

III .PAMAMARAAN

A. PAGGANYAK

Kayo ba ay may mga alagang halaman sa bahay? Anong pamamaraan ang inyong ginagawa upang tumubo ng maayos at malusog ang inyong mga halaman?

B. PAGLALAHADIisa-isahin natin ang mga paraan ng pag-aalaga ng pananim at hakbang sa

paggawa ng organikong pataba tulad ng paggawa ng compost.

C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN1. Ano-ano ang masistemang paraan ng pag-aalaga ng halaman tulad ng

pagdidilig, at paglalagay ng abono?

2. Ano-ano ang mga hakbang sa paggawa ng compost pit o compost heap? Paano ito isinasagawa?

D. PAGSANIB

Science: Mga mineral na tinataglay ng mga organikong pataba tulad ng mga bulok na prutas, dahon, dumi ng mga hayop, at iba pa.

(Paggamit ng recycled water)

• Maaaring gumamit ng tubig na pinaglabahan pero siguraduhing wala na itong sabon.

• Tubig na pinaghugasan ng bigas• Tubig na pinaghugasan ng gulay at prutas

Page 25: 2ND GRADING L.P sa EPP( AGRICULTURE) IV 2015.docx

E. PAGLALAHAT

Mga bata, ano-ano bang mga masistemang pamamaraan sa pag-aalaga ng halaman? Ibigay ang mga hakbang sa paggawa ng compost pit at compost heap. Paano ba isinasagawa ito?

IV. PAGTATAYA:

Isulat sa sagutang papel ang titik T kung tama ang ipinahihiwatig ng pangungusap at M kung mali.

1. Ang tubig ay mahalaga sa buhay ng halaman.

2. Ang organikong abono ay maaaring makuha sa madaling pamamaraan.

3. Ang halaman ay kailangan bungkalin ng isa o dalawang beses isang linggo.

4. Ang compost pit ay inilalagay sa maayos na lugar para madaling makita ng mga tao.

5. Pinagpapatung-patong na damo, nabubulok na basura, dumi ng mga hayop, apog o abo, at lupa ang tamang paglalagay sa compost heap/pit.

V. TAKDANG - ARALIN

Magbigay ng paliwanag o opinyon sa sumusunod:

1. Ano ang benepisyong makukuha kung ang basurang nabubulok ay hindi itatapon o susunugin bagkus ito ay pabubulukin at gagawing abono?

2. Ano ang iyong gagawin upang mamulat ang iyong kapitbahay sa kahalagahan ng paggawa ng compost pit at tamang pagtatapon ng basura?

Page 26: 2ND GRADING L.P sa EPP( AGRICULTURE) IV 2015.docx

Petsa: ________________________________

EPP

12:00 – 12:50 IV - Bonifacio 12:50 – 1:40 - IV – Rizal

Aralin 15: Paglalagay ng Abono sa Halaman

I - a. Natatalakay ang mga paraan ng paglalagay ng abono sa halaman

b. Naisasagawa ang wastong paraan ng paglalagay ng abono sa halaman

II. Paraan ng Paglalagay ng Abono sa HalamanSanggunian: MISOSA IV, V & VI Kagamitan:

III .PAMAMARAANA. PAGGANYAK

Sa palagay ninyo, bakit may mga halamang mataba at may halamang payat? Bakit may malulusog at hindi malulusog?

B. PAGLALAHAD

Sa araw na ito, aalamin natin ang mga paraan ng paglalagay ng abono sa halaman.

C. PAGPAPAALIM NG KAALAMAN

1. Bakit kailangan lagyan ng abono ang mga halaman?

2. Papaano ang mga paraan sa paglalagay ng abono?

D. PAGSASANIB (ORGANIKONG PAGTATANIM/PAGSASAKA) Organikong

Pataba - mga patabang walang kemikal: gawa mulasa mga nabulok na balat ng gulay, prutas, itlog, mga dahon, sanga, dumi ng hayop at iba pa.

E. PAGLALAHAT

Ano-ano ang mga paraan ng paglalagay ng abono sa halaman?

Page 27: 2ND GRADING L.P sa EPP( AGRICULTURE) IV 2015.docx

IV. PAGTATAYA:

Ipasagot sa mga mag-aaral ang sumusunod sa pamamagitan ng paglalagay ng titik T kung tama ang sinasabi at M kung mali.

1. May dalawang uri ng abono, ang organiko at di-organikong pataba. 2. Ang organikong pataba ay mga abonong galing sa nabulok na prutas, dumi

ng hayop, mga nabulok na dahon at iba pa. 3. Ang abono ay nagdadagdag ng sustansya ng lupa na nagsisilbing pagkain ng

halaman. 4. Mayroon tayong mga paraan ng paglalagay ng abono sa halaman, hand

method, side dressing, foliar spray, broadcasting at topdressing. 5. Ang halaman ay lumalago din kahit walang abono ang lupa.

V. TAKDANG - ARALIN

Ano-ano ang mga uri ng abono/pataba? Magbigay ng tatlong halimbawa sa bawat uri nito?

Page 28: 2ND GRADING L.P sa EPP( AGRICULTURE) IV 2015.docx

Petsa: ________________________________

EPP

12:00 – 12:50 IV - Bonifacio 12:50 – 1:40 - IV – Rizal

Aralin 16: Paraan ng Paggamit ng Kagamitang PaghahalamanI - a. Naiisa-isa ang mga kagamitan sa paghahalaman b. Naipakikita ang pamamaraan sa paggamit ng mga kagamitan sa pagtatanim ng halamang ornamental

II. Mga Kagamitan sa Paghahalaman Sanggunian: MISOSA IV, V & VI Kagamitan: asarol, dulos, pala, kalaykay, at iba pa

III .PAMAMARAANA. PAGGANYAK

Nakakita na ba kayo ng dulos?Paano o saan kaya maaring gamitin ang dulos?

B.PAGLALAHADMga paraan ng paggamit ng mga kagamitan sa pagtatanim ng

ornamental.

C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN1. Ano-ano ba ang mga kagamitan na ginagamit sa paghahalaman?2. Paano ito ginagamit isa- isa?

D. PAGSASANIBMetalworks: Paggamit ng mga kagamitan yari sa bakal sa pagha- halaman.

E. PAGLALAHATAno-ano ang mga kagamitan sa pagtatanim ng ornamental at paano ito

ginagamit?IV. PAGTATAYA:

Ipasagot sa mga mag-aaral ang sumusunod:Lagyan ng tsek (a) kung tama ang pangungusap at ekis ( x ) naman kung mali.

Isulat sa patlang. 1. Maaring gumamit ng lata ng gatas at bubutasan ko ito at gagawing

pandilig kapag walang regadera na magamit. 2. Ang dulos ay angkop gamiting pangbungkal ng lupa sa paligid ng halaman. 3. Ang regadera ay ginagamit pangbungkal ng halaman. 4. Ang asarol ay ginagamit pandukal sa lupa. 5. Ang piko naman ay ginagamit upang hukayin at durugin ang lupa.

V. TAKDANG - ARALINPag-aralan ang iba’t ibang paraan ng pagpapatubo ng halamanan

Page 29: 2ND GRADING L.P sa EPP( AGRICULTURE) IV 2015.docx
Page 30: 2ND GRADING L.P sa EPP( AGRICULTURE) IV 2015.docx
Page 31: 2ND GRADING L.P sa EPP( AGRICULTURE) IV 2015.docx