santarosacity.gov.phsantarosacity.gov.ph/file-manager/files/ordinances/... · 8. kgg. paulino y....

12
' . ·: ,, I .. - Republic of the Philippines CITY OF SANTA ROSA Province of Laguna OFFICE OF THE SANGGUNIANG PANLUNGSOD SIPI MULA SA KATTilKAN NG IKA-LABING ANIM NA PANGKARANIWANG PULONG NG SANGGUNIANG PANLUNGSOD NG LUNGSOD NG SANTA ROSA, LAGUNA NA IDINAOS SA ARAW NG LUNES, IKA- 25 NG ABRIL, 2011 SA BULWAGANG PULUNGAN NG LUNGSOD NG SANTA ROSA, LAGUNA. Mga Dumalo: 1. Kgg. ARNEL DC. GOMEZ 2. Kgg. LUISITO B. ALGABRE 3. Kgg. LAUDEMER A. CARTA 4. Kgg. PETRONIO C. FACTORIZA 5. Kgg. RAYMOND RYAN F. CARVAJAL 6. Kgg. ANTONIA T. LASERNA 7. Kgg. ERIC T. PUZON 8. Kgg. PAULINO Y. CAMACLANG, Jr. 9. Kgg. EDWARD FERNANDITO S. TIONGCO 10. Kgg. RODRIGO B. MALAPITAN 11. Kgg. INA CLARIZA B. CARTAGENA Di-dumalo: 1. Kgg. MYTHOR C. CENDANA 2. Kgg. MA. THERESA C. AALA - Pangalawang Punong-lungsod Namuno - Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad, Pangulo ng Samahan ng mga Punong- Barangay - Kagawad, Pangulo ng Sangguniang Kabataan Pederasyon - Kagawad - Kagawad ******************** KAUTUSANG PANGLUNGSOD BLG.1694-2011 (Akda at mungkahi ni Kgg. Algabre na sinang-ayunan ng buong Kapulungan) ANG KAUTUSANG PANLUNGSOD NA NAGBABAWAL SA SINUMANG TAO NA GUMAMIT, MAGBENTA, MAMAHAGI, MAG ANUNSYO O MAGLATHALA NG SIGARILYO O ANUMANG URI NG PRODUKTO NG TABAKO SA mNAKDANG LUGAR, NAGTATADHANA NG PANUNTUNAN NG PAGPAPATUPAD AT MGA KAUKULANG PARUSA SA SINUMANG LALABAG DITO, PAGPAPATIBAY PA RIN NG PAGLALAAN NG KAUKULANG PONDO PARA SA PAGPAPATUPAD AT PARA SA IBA PANG LAYUNIN. SAPAGKAT, ang 1987 Batas ng Republika ng Pilipinas ay nagpapahayag na ang Pambamsang Pamahalaan ay tutulong at magpapalakas ng karapatan ng bawat Pilipino para sa kanilang kalusugan upang makintal sa kanilang isipan ang pagpapahalaga nito. SAPAGKAT, ang Repuplika ng Pilipinas, sa ilalim ng pagbabalangkas ng kapulungan sa pagsugpo ng tabako na kung saan ang Pilipinas ay ang pangkat nito, ay determinado na nagbigay ng pangunahing hakbangin para sa kanilang karapatan upang pangalagaan ang pampublikong kalusugan at magbigay ng mga alituntunin para sa pagpigil sa paggamit ng tabako batay sa kasalukuyan at kaugnay na pag-aaral, teknikong pangkabuhayan, pagsang-alang, at nagkasundong ipatupad ang mga alituntunin nakasaad sa kasunduan. SAPAGKAT, batay sa Local Government Code of 1991 (Republic Act 7160) ay nagbibigay sa lokal na pamahalaan ng lakas at kapangyarihan para mailunsad ang pangkalahatang kapakinabangan sa kanilang nasasakupan kasama ang paglulunsad ng kalusugan at kaligtasan ng mga mamamayan. "Serbisyong Makatao, Lu11gsod na Makahago!" J

Upload: truongkhanh

Post on 21-Mar-2018

370 views

Category:

Documents


7 download

TRANSCRIPT

Page 1: santarosacity.gov.phsantarosacity.gov.ph/file-manager/files/ORDINANCES/... · 8. kgg. paulino y. camaclang, jr. 9. kgg. edward fernandito s. tiongco 10. kgg. rodrigo b. malapitan

' ~ . ·:

,, I .. -

Republic of the Philippines CITY OF SANTA ROSA

Province of Laguna

OFFICE OF THE SANGGUNIANG PANLUNGSOD SIPI MULA SA KATTilKAN NG IKA-LABING ANIM NA PANGKARANIWANG PULONG NG SANGGUNIANG PANLUNGSOD NG LUNGSOD NG SANTA ROSA, LAGUNA NA IDINAOS SA ARAW NG LUNES, IKA- 25 NG ABRIL, 2011 SA BULWAGANG PULUNGAN NG LUNGSOD NG SANTA ROSA, LAGUNA.

Mga Dumalo:

1. Kgg. ARNEL DC. GOMEZ

2. Kgg. LUISITO B. ALGABRE 3. Kgg. LAUDEMER A. CARTA 4. Kgg. PETRONIO C. FACTORIZA 5. Kgg. RAYMOND RYAN F. CARVAJAL 6. Kgg. ANTONIA T. LASERNA 7. Kgg. ERIC T. PUZON 8. Kgg. PAULINO Y. CAMACLANG, Jr. 9. Kgg. EDWARD FERNANDITO S. TIONGCO 10. Kgg. RODRIGO B. MALAPITAN

11. Kgg. INA CLARIZA B. CARTAGENA

Di-dumalo:

1. Kgg. MYTHOR C. CENDANA 2. Kgg. MA. THERESA C. AALA

- Pangalawang Punong-lungsod Namuno

- Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad, Pangulo ng

Samahan ng mga Punong­Barangay

- Kagawad, Pangulo ng Sangguniang Kabataan Pederasyon

- Kagawad - Kagawad

******************** KAUTUSANG PANGLUNGSOD BLG.1694-2011

(Akda at mungkahi ni Kgg. Algabre na sinang-ayunan ng buong Kapulungan)

ANG KAUTUSANG PANLUNGSOD NA NAGBABAWAL SA SINUMANG TAO NA GUMAMIT, MAGBENTA, MAMAHAGI, MAG ANUNSYO O MAGLATHALA NG SIGARILYO O ANUMANG URI NG PRODUKTO NG TABAKO SA mNAKDANG LUGAR, NAGTATADHANA NG PANUNTUNAN NG PAGPAPATUPAD AT MGA KAUKULANG PARUSA SA SINUMANG LALABAG DITO, PAGPAPATIBAY PA RIN NG PAGLALAAN NG KAUKULANG PONDO PARA SA PAGPAPATUPAD AT PARA SA IBA PANG LAYUNIN.

SAPAGKAT, ang 1987 Batas ng Republika ng Pilipinas ay nagpapahayag na ang Pambamsang Pamahalaan ay tutulong at magpapalakas ng karapatan ng bawat Pilipino para sa kanilang kalusugan upang makintal sa kanilang isipan ang pagpapahalaga nito.

SAPAGKAT, ang Repuplika ng Pilipinas, sa ilalim ng pagbabalangkas ng kapulungan sa pagsugpo ng tabako na kung saan ang Pilipinas ay ang pangkat nito, ay determinado na nagbigay ng pangunahing hakbangin para sa kanilang karapatan upang pangalagaan ang pampublikong kalusugan at magbigay ng mga alituntunin para sa pagpigil sa paggamit ng tabako batay sa kasalukuyan at kaugnay na pag-aaral, teknikong pangkabuhayan, pagsang-alang, at nagkasundong ipatupad ang mga alituntunin nakasaad sa kasunduan.

SAPAGKAT, batay sa Local Government Code of 1991 (Republic Act 7160) ay nagbibigay sa lokal na pamahalaan ng lakas at kapangyarihan para mailunsad ang pangkalahatang kapakinabangan sa kanilang nasasakupan kasama ang paglulunsad ng kalusugan at kaligtasan ng mga mamamayan.

"Serbisyong Makatao, Lu11gsod na Makahago!" J ~

Page 2: santarosacity.gov.phsantarosacity.gov.ph/file-manager/files/ORDINANCES/... · 8. kgg. paulino y. camaclang, jr. 9. kgg. edward fernandito s. tiongco 10. kgg. rodrigo b. malapitan

Republic of the Philippines CITY OF SANTA ROSA

Province of Laguna

-

OFFICE OF THE SANGGUNIANG PANLUNGSOD SAPAGKAT, ang Philippine Clean Air Act. of 1999 (Republic Act. 8749) ay nagpapahayag ng karapatan ng

bawat mamamayan makalanghap ng malinis na hangin, nagbabawal ng paninigarilyo sa loob ng saradong pampublikong lugar kasama ang pampublikong sasakyan at iba pang gamit paglalakbay, at nag aatas sa lahat ng lokal na pamahalaan para sa pagpapatupad ng nasabing batas.

SAPAGKAT, batay sa Tobacco Act. of 2003 (Republic Act. No. 9211) ay nagtatakda ng pagbabawal ng paninigarilyo sa mga pampublikong lugar maging ito may sarado o bukas na lugar, nagbabawal ng pagbili o pagbebenta ng sigarilyo at anumang uri ng produktong tabako sa mga minor de eclad, sa mga lugar na pinagtitipunan nito at nang pagpapataw ng pagbabawal at paghihigpit sa paglalathala o pag-aanunsyo ng mga gawain ng kompanya ng tabako at nag- aatas sa mga pamahalaang lokal na maipatupad ang probisyon ng nasabing batas.

SAPAGKAT, ang pamahalaang lungsod ng Santa Rosa ay kumikilala na ang pamahalaang lokal ay dagliang kikilos upang masugpo ang kinagisnang paninigarilyo at konsumo ng tabako tungo sa mga kumprehensibo at napatunayang epektibong pag-sugpo ng tabako sa pamamagitan ng panukalang batas o hakbangin.

SAPAGKAT, ang pamahalaang lungsod ng Santa Rosa, Laguna ay kumikilala sa pangangailangan ng mga kapakanan at di mapagkakasundong hidwaan sa pagitan ng industriya ng tabako at pampublikong patakaran pangkalusugan. Bukod dito ay nagpapatotoo sa pangangailangang maging handa at maipaalam ang mga pagsisikap ng industriya ng tabako para sirain o pabagsakin ang pagsisikap sa regulasyon ng pamamahala sa tabako.

SAPAGKAT, ang katibayang pang-agham ay malinaw na nagpapatotoo na ang paggamit ng tabako at pagiantad sa usok ng tabako o sigarilyo ay nagdudulot ng paglala ng sakit, pagkalumpo at kamatayan ng tao, nagdudulot din ng pagkasira ng pamilya at sistema ng kalusugang pang lokal at pambansa.

SAPAGKAT, ang dumaraming bilang ng Pilipinong namamatay taun-taon ay sanhi ng paninigarilyo tulad ng atake sa puso, sakit sa puso, kanser at iba pa.

SAPAGKAT, ang pang-agham na katibayan ay nagpapatotoo na walang ligtas sa paglantad sa usok ng tabako o sigarilyo at walang epektibong pamamaraan para maging ligtas dito maging paggamit man ng pang sala ng hangin at paggamit ng itinatagong lugar ng panigarilyuhan ay hindi rin ligtas.

NGAYON SAMAKATUWID, ng dahil sa isang mungkahing pinangalawahan, IPINASISIYA at ngayon nga ay IPINASIY A ang pagpapatibay ng Sangguniang Panlunsod taglay ang mga kapangyarihang ipinataw ng batas ang mga sumusunod na tadhanain.

PANGKAT 1. PAMAGAT- Ang kautusang panlunsod na ito ay tataguriang ANG KAU1USANG Panlungsod na nagbabawal sa sinumang tao na gumamit, magbenta, mamahagi, mag anunsyo o maglathala ng sigarilyo o anumang uri ng produkto ng tabako sa itinakdang lugar, nagtatadhana ng panuntunan ng pagpapatupad at mga kaukulang parusa sa sinumang lalabag dito, pagpapatibay pa rin ng paglalaan ng kaukulang pondo para sa pagpapatupad at para sa iba pang layunin.

PANGKAT 2. LAYUNIN - Layunin ng kautusang panlunsod na ito na pangalagaan ang kalusugan ng mamamayan sa pamamagitan ng pagsang-alang sa kanila sa masasamang epekto na dulot ng paggamit ng tabako o sigarilyo.

PANGKAT 3. NASASAKUPAN - Ang kautusang panlunsod na ito ay tumutukoy o sumasakop sa lahat ng tao maging ito man ay katutubo o banyaga, permanente o pansamantalang naninirahan sa buong lungsod na nasasakupan ng Pamahalaang Panglunsod ng Santa Rosa, Laguna.

"Serbisyong Makatao, Lungsod na Makabago!" ~

Page 3: santarosacity.gov.phsantarosacity.gov.ph/file-manager/files/ORDINANCES/... · 8. kgg. paulino y. camaclang, jr. 9. kgg. edward fernandito s. tiongco 10. kgg. rodrigo b. malapitan

Republic of the Philippines CITY OF SANTA ROSA

Province of Laguna

,.--._

OFFICE OF THE SANGGUNIANG PANLUNGSOD PANGKAT 4. KAHULUGAN NG TERMINO O SALITA - Sa paggamit sa kautusang panglunsod na ito, ang termino o mga salita na sumusunod ay may mga kahulugang angkop sa pangkat na ito. Anumang salita o termino na hindi naipaliwanag ay bibigyan ng nakaugalian at simpleng kahulugan mallban na lang kung ang lbig sabihin ng mga salita ay may iba pang ibig sabihin na nangangailangan pa ng pagtatama at ito ay maipapaliwanag sa pamamaraang naaayon sa layunin at diwa ng kautusang panlunsod na ito.

a. Paglalathala at pagpapalaganap ay nangangahulugan ng anumang porma o anyo ng pangkomersyong patalastas, rekomendasyon o aksyon na nagpapahiwatig o maaring nagtataguyod ng paggamit o ng produkto ng tabako o sigarilyo sa di tuwiran o tuwirang pamamaraan.

b, Civil Society Organization (CSO) o samahan ng sibil na lipunan ay tumutukoy sa legal na boluntaryong samahan o itinatag ng walang pakikilahok ang pamahalaang local. At kung saan kasama pero hindi limitado sa mga kawanggawa (charities), organisasyong di pangpamahalaan (NGO's), samahan ng mga taong bayan (civic organization), pangkat ng mga kababaihan, samahan ngmga propesyonal, at ng samahan ng mga tagapagtanggol sa karapatang pang tao. Sa kautusang panglunsod na ito ang kasapi ng CSO ay hindi nabibilang kung ito ay kaanib sa industriya ng tabako o sigarilyo sa anumang kaparaanan.

c. Sarado o bahagyang nakasaradong istruktura ay nangangahulugang ito ay natatakpan ng bubong o nasasaraduhan ng isa o higit pang bilang ng dingding, maging anu pa man ang gamit o materyales ang uri ng gawa sa bubong o dingding maging ito man ay permanente o pansamantala lamang.

d. Minor de edad (wala pa sa hustong gulang) ay tumutukoy sa sinumang tao na may edad o gulang na hindi pa umaabot sa 18 taon.

e. Panglabas na anunsyo (outdoor advertisement) ay tumutukoy sa anumang palatandaan, modelo, paskil, paskilan, baner, mga bandera at palawit na papel, palamuting ilaw, at anumang uri ng gamit o kasangkapan na nagpapahayag ng pag aanunsyo ng pagpapalaganap ng pag gamit ng tabako o sigarilyo sa publiko.

f. Taong namamahala ay tumutukoy sa mga sum usu nod sa mga pampublikong Jugar, pampublikong lugar pang labas, at mga lugar pagawaan, ay ang pangulo o tagapamahala kung sakali sa mga kumpanya, korporasyon o samahan; ay ang nagmamay-ari, propyetaryo o opereytor kung sakali sa mga solong tagapangasiwa (Single proprietorship); ay ang adminlstrador kung sakaling ang pag-aari, gusali at opisina ay pag-aari ng pamahalaan; kung sakali namang pampublikong sakayan ito ay ang mga may-ari, tsuper, opereytor, kundoktor o ang kapitan ng pampublikong sakayan.

g. Lugar ng bilihan (point of sale) ay tumutukoy sa kahit saan mang lugar kung saan ang tao ay makabibili ng produkto ng tabako o sigarilyo.

h. Pampublikong hatiran o sakayan (public conveyance or transportation) ay tumutukoy o nangangahulugan sa pamamaraan ng pagsasakay ng mga mamamayan, tulad ng elevator, eroplano, barko, jeepney, mga bus, t:axi, mga kotse, tren, pedicab, light rail transit, traysikel at iba pang mga kauri nito.

i. Pampublikong lugar ay nangangahulugan ng lahat ng lugar, maging ito man ay naka pirmi o nalilipat, na maaaring marating at bukas sa publiko o maging lugar na pinagtitipunan ng tao para sa kanilang paggamit, maging ito man ay pag aari o may karapatan sa paggamit, kasama ngunit hindi limitado sa mga establisimento na naghahada o nagbibigay ng pagkain at inumin, lugar na

j. matutuluyan, tindahan, serbisyong propesyonal, aliwan o iba pang serbisyo. Kasama rin dito ang mga panlabas na mga puwang na may pasilidad na kung saan pinagtitipunan ng mga tao tulad ng palaruan, sportsground, church ground, ospital, paradahan ng sasakyan, palengke, parke, pahingahan, daanan ng tao, lugar na hintayan, at iba pang kauri nito. , \

"Serbisyong Makat.ao, Lur,gsod na Makabago!"ft

Page 4: santarosacity.gov.phsantarosacity.gov.ph/file-manager/files/ORDINANCES/... · 8. kgg. paulino y. camaclang, jr. 9. kgg. edward fernandito s. tiongco 10. kgg. rodrigo b. malapitan

Republic of the Philippines CITY OF SANTA ROSA

Province of Laguna

.-...

OFFICE OF THE SANGGUNIANG PANLUNGSOD k. 5egunda- manong usok (second hand smoke)o pangalawang usok ay nangangahulugan ng

usok na lumalabas mula sa dulo ng nag-aapoy o nagbabagang dulo ng sigarilyo o iba pang produkto ng tabako na kadalasan ay nahaluan na ng usok na naibuga ng naninigarilyo.

I. Paninigarilyo ay ang pagkakataong may hawak o may control ng may sindi na produkto ng tabako di alintana maging ito man ay nilalanghap o inihinga palabas.

m. Produkto ng tabako ay nangangahulugan ng mga produkto na may dahon ng tabako bilang pangunahing sangkap nito na ginawa para sa paninigarilyo, paghithit o pagnguya tulad ng mga sigarilyo.

n. Lugar pagawaan (workplace) ay lugar na ginagamit ng tao para sa kanilang pagtatatrabaho maging ito man ay maybayad o boluntaryo, kabilang ditto ang mga lugar na karaniwang ginagamit ng mga manggagawa sa kanilang pagatatarabaho (halimbawa na ang mga pasilyo, elevators, hagdan, palikuran, bulwagan, silid pahingahan). Ang mga sasakayan na ginagamit sa kanilang pagtatrabaho ay itinuturing din na lugar pagawaan.

PANGKAT 5. PINAGBABAWAL NA GAWA - Ang mga sumusunod na gawain ay itinakdang labag sa batas o ipinagbabbawal ng kutusang panlunsod na ito.

a. Paninigarilyo sa sarado o bahagyang nakasarado na pampublikong lugar, lugar pagawaan, pampublikong sakayan o iba pang pampublikong lugar na ipinapaliwanag sa Pangkat 4 (m).

b. Pagbebenta o paghahatid ng produkto ng tabako sa mga paaralan, pampublikong palaruan o iba pang pasilidad kung saan malimit ang mga minor de edad o sa loob ng 100 metro magmula dito.

c. Pagbebenta o pamamahagi ng produkto ng tabako sa mga minor de edad o bata na wala pang 18 taon gulang.

d. Pagbibili o pagbebenta ng produkto ng tabako sa mga bata na wala pang 18 taong gulang.

e. Pagfalagay ng patalastas ng produkto ng tabako sa mga sinehan at sa labas ng mga establisimento.

f. Paglalagay, pagpapaskil, pamamahagi ng pang anunsyong material ng produkto ng tabako tulad ng polyeto, paskil at kauring materyales sa labas ng lugar na nasasakupan ng establisimento.

g. Paglalagay, pagpapaskil, o pamimigay ng mga pang-anunsyong materyales ukol sa mga produkto ng tabako tulad ng polyeto at kauring materyales kahit na ito ay nasa loob ng establisimento ng lugar ng bilihan o sa mga establisimento na hindi pinapayagang magbenta o mamigay ng produkto ng tabako alinsunod sa nakasaad sa Pangkat 5 (b ).

Ang taong nakatalaga ay mapapatawan ng kaparehong pananagutan para sa mga gawa na nakasaad sa itaas kung siya ay napatunayan na pumayag, nag-udyok, o nagpahintulot.

ay: PANGKAT 6. GAWA AT PANANAGUTAN NG TAONG NAKATALAGA - Ang taong nakatalaga

a. Hayagang magpaskil at magpakita ng "Bawal Manigarilyo" na karatula doon sa mga lugar na lantad o nakikita ng mga tao kung saan ang paninigarilyo ay pinagbabawal kabilang na ang mga pampublikong sasakyan. Sa makatuwid, ang karatulang "Bawal Manigarilyo" ay kailangang

b. mailagay sa bukana ng anumang gusaling pampubliko. Ang "Bawal Manigarilyo" na karatula ay may sukat na 8x16 pulgada at ang pandaigdigang simbolo ay sasakop ng hindi kukulangin ng 70% ng karatula at ang natitirang mababang 30% ng karatula ay nagpapakita ng sumusunod na impormasyon:

"Serbisyong Makatao, Lungsod na Makabago!" ~

Page 5: santarosacity.gov.phsantarosacity.gov.ph/file-manager/files/ORDINANCES/... · 8. kgg. paulino y. camaclang, jr. 9. kgg. edward fernandito s. tiongco 10. kgg. rodrigo b. malapitan

Republic of the Philippines CITY OF SANTA ROSA

Province of Laguna

-

OFFICE OF THE SANGGUNIANG PANLUNGSOD

Pandaigdigang sagisag ng simbolo ng "Bawal Manigarilyo" MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL ANG PANINIGARILYO

Ayon sa Panglunsod na Ordinansa NO. ________ _

Ang lalabag ay may multa na P ___ _

Iulat ang mga lalabag sa tanggapan ng pulisya o tanggapan ng panglungsod na kalusugan. _____ _

[tumawag sa numerong __ ___,

c. Alisin sa mga lugar kung saan ang paninigarilyo ay pinagbabawal ang lahat ng lalagyan ng upos at iba pang lalagyan para sa pagtatapon o pag-aalis ng upos at dumi ng sigarilyo.

d. Para sa mga taong itinalaga sa paaralan, pampublikong palaruan o iba pang pasilidad na tinitigilan o malimit ang mga minor de edad, mainam na ipaskil ang mga sumusunod na kataga sa malinaw at hayag na pamamaraan:

ANG PAGBEBENTA NG SIGARILYO AT IBA PANG PRODUKTONG TABAKO AV DI PINAHIHINTULUTAN SA LOOB NG100 METRO SA PAUGID NG

[PAARALAN] AT IBA PANG GUSAUNG PAG-AARI NG PAMAHALAANG LOKAL.

e. Sa mga taong namamahala sa lugar na pamilihang establisimento mainam na ilagay ng malinaw at sa lantad na pamamaraan ang paunawa o pahayag:

ANG PAGBEBENTA/PAMIMIGAY NG PRODUKTONG TABAKO SA MGA BATANG WALA PANG 18 TAON GULANG (MINORS) AV LABAG SA BATAS.

f. Magtatag ng panloob na polisiya o patakaran at hakbangin tungo sa pagpapatupad ng kautusang panglunsod na ito at maisakatuparan sa lugar na nasasakupan o kung saan sya nakatalaga. Kabilang, ngunit hindi limitado, na bigyan ng babala kapag lumabag at pakiusapan na itigil ang paninigarilyo. Kung siya ay tumanggi pakiusapan siya na lisanin ang lugar at kung sila ay di susunod ipagbigay alam sa panglunsod na manggagamot at malapit na tagapamayapa.

g. Siguraduhin na batid ng lahat ng empleyado/manggagawa sa isang bahay kalakal ang mga pamamaraan at hakbang para sa pagpapatupad nito.

h. Pahintulutan ang mga taga pagsiyasat na gumaganap sa ilalim ng Pangkat 14 at 15 na ito at ang taga-pangatawan na siyang nakatalaga sa pambayanang samahan sa ilalim ng Pangkat 16 na pasukin ang mga bahay kalakal sa pangkaraniwang oras ng kalakal para siyasatin kung naipatutupad ang kautusang ito.

i. Para sa lahat ng karatula na itinalaga para ipaskil sa ilalim ng titik (a), (c), at (e) sa itaas, mainam na magbigay o maglaan ng pagsasalin sa wikang tagalog.

PANGKAT 7. MGA TAONG MAY KAPANANAGUTAN - Ang mga taong sumusunod ay mga taong maaring may kapananagutan sa ilalim ng kautusang panglunsod na ito.

a. Sinumang tao na gumagawa ng alinmang ipinagbabawal na mga gawaing nakasaad sa Pangkat 5 dito kasama na rin ang mga mabibigong gampanan ang mga tungkulin at obligasyong nakasaadsa Pangkat 6, ukol dito.

PANGKAT 8. KAPARUSAHAN - Ang mga sumusunod na kaparusahan ay ipatutupad sa mga lumabag sa kautusang panglunsod na ito.

"Serbisyong Makatao, Lungsod na Makabago!'' ;

Page 6: santarosacity.gov.phsantarosacity.gov.ph/file-manager/files/ORDINANCES/... · 8. kgg. paulino y. camaclang, jr. 9. kgg. edward fernandito s. tiongco 10. kgg. rodrigo b. malapitan

Republic of the Philippines CITY OF SANTA ROSA

Province of Laguna

-

OFFICE OF THE SANGGUNIANG PANLUNGSOD

Paglabag sa Pangkat 5 (a) at Pangkat 6 Unang paglabag P 500.00

PANGKAT 9. PAMAMARAAN NG PAGBIBIGAY NG TIKET NANG PAGLABAG.- Sinumang lumabag sa kautusang panglunsod na ito ay pababatiran ng kanyang paglabag at kaukulang parusa sa pamamagitan ng pamamaraan ng Citation llcket System na may sumusunocl na patakaran o alituntunin.

a. Ang opisyal na libro ng Citation Ticket ay ipapamahagl ng Tanggapang Pangkalusugan sa mga otorisadong tagapagpatupad sa loob ng 90 araw ng pagpapairal ng kautusang panglunsod na ito.

b. Sipi ng llket ( Citation tickef) - ay ibibigay sa mga taong mananagot para sa anumang paglabag sa kautusang panglunsod na ito sa pamamagitan ng awtorisadong taga pagpatupad.

c. Sipi ng llket (Citation tickef)- ay nagtataglay ng mga sumusunod na kaalaman:

1. Listahan ng mga paglabag sa ilalim ng kautusang panglunsod na Ito. 2. Kaukulang parusa kaugnay ng bawat paglabag. 3. Takdang araw ng pagtupad kasama ang obligasyong ipinapataw ng tiket.

d. Kapag ang sipi ng tiket ay ibinigay o inilathala sa taong lumabag, ang agarang pag-uulat sa tanggapang pangkalusugan sa loob ng 3 araw ng regular na trabaho (3 regular business day') ay kinakailangan oras na matanggap ito. At kung saan ang lumabag ay inaasahang magbayad ng multa o magsagawa ng serbisyong pang komunidad alinsunod sa Pangkat 8 ukol dito.

e. Ang pangkalusugang tanggapan ay syang mag-iingat ng mga kopya ng may kapares na sipi ng tiket na inilathala o iblnigay sa taong lumabag lalo't higit sa lahat ng iba pang talaan ng mga paglabag sa kautusang panglunsod na ito.

PANGKAT 10. PROGRAMA SA PAGHINTO NG PANINIGARIL YO - Ang panglunsod na manggagamot katulong ang mga pangkalusugang tagapagturo at ang kinatawan ng CSO ( Citation Smoking Office) itinalaga sa ilalim ng Pangkat 16 ay bubuo at mag-aangat ng programang paghinto sa paninigarilyo at maghihikayat ng paglahok ng publiko at pribadong pasilidad para sa pagbibigay ng mga kinakailangang programan. Ang taong naninigarilyo na gustong umayaw o huminto sa paninigarilyo at doon sa mga lumalabag sa kautusang panglunsod na ito ay maaring ipadala o iharap sa mga nangangasiwa ng programa sa paghinto sa paninigarilyo at sa kaukulang pasilidad nito. Ang 10 porsyento pangkalusugang programa ng lungsod o munisipalidad ay mag· uukol ng natatanging programang binanggit sa itaas, mga proyekto at mga gawaing may kinalaman sa programang paghinto sa paninigarilyo.

PAGPAPATUPAD PANGKAT 11. HUKBONG TAGAPAGPATUPAD PARA SA WALANG PANINIGARILYO

(smoke free) - Ang hukbong tagapagpatupad ay lilikhain upang makatulong sa pagsasakatuparan, pagpapatupad at pagbabantay o pagpapayo sa kautusang panglungsod na ito lalo't higit sa pangangasiwa sa kampanya, pagtuturo ng kaalaman, pagpapalaganap ng programang pangkaalaman,kakayahan sa pagbubuo ng programa na magpapabatid sa mga naninirahan at mga sinanay na tagapagpatupad.

Ang lupon tagapagpatupad ay binubuo ng mga sumusunod sa pangnguna ng panglunsod na maggagamot.

a. Panglunsod na Manggagamot (City Health Officer) b. Pangkalusugang Tagapagturo at Tagapagpalaganap (Health Educator and Promotion Officer) c. Panglunsod na Mananagol (Legal officer) d. Tagapagbalita (Information Officer) e. Pinuno ng Gusali ( Building Officer)

"Serblsyong Makatao, Lungsod na Makabago!" J

Page 7: santarosacity.gov.phsantarosacity.gov.ph/file-manager/files/ORDINANCES/... · 8. kgg. paulino y. camaclang, jr. 9. kgg. edward fernandito s. tiongco 10. kgg. rodrigo b. malapitan

,,,.-~

Republic of the Philippines CITY OF SANTA ROSA

Province of Laguna

OFFICE OF THE SANGGUNIANG PANLUNGSOD

f. Pinuno ng Penniso sa Negosyo at Usensya (Business Permit & License Officer) g. Kasapi ng samahan ng mamamayang sibiko na kinilala ng panglokal na sangguniaan na

kumakatawan sa pangkat ng pangkalusugan. h. Kinatawan ng Pambansang Kapulisan ng Pilipinas (Representative of Phillipine National police

(PNP). i. Pinunong Tagapamalakad ng Panglunsod o Lokal na Pamahalaan (DILG City Local Government

Operation Officer).

Ang tagapagpalaganap ng gawain ay hindi kasama bilang kasapi, sinurnang tao o samahan kaugnaysa anumang paraan sa industriya ng tabako.

ii.) Pangalawang paglabag iii.) Pangatlo at paullt ulit na paglabag

b.) Paglabag sa pangkat (b ), ( c), ( d).

(i) Unang paglabag (ii) Pangalawang paglabag (iii) Pangatlo at paulit ulit na paglabag

c.) Paglabag sa pangkat 5 (e),(f) at (g)

(i) Unang paglabag (ii) Pangalawang paglabag (iii) Pangatlo at paulit ulit na paglabag

P 1,000.00 P 2,500.00

o pagkakakulong ng hindi bababa sa 3 buwan at hindi tataas ng 6 na buwan o magkapareho base sa hatol ng panglunsod na hukon o korte.

P 500.00 P 3,000.00

P 5,000.00

o pagkakabilanggo ng hindi bababa sa 3 buwan at hindi lalampas ng 6 na buwan o magkapareho base sa hatol ng panglunsod na hukomo korte.

Pagpapawalang bisa ng permiso o lisensya ng negosyo kung ang lumabag ay ngalan ng negosyo o establisimento.

P 2,000.00 P 3,000.00

P 5,000.00

o pagkakabilanggo di bababa sa 3 buwan at di lalampas sa 6 na buwan o pareho ayon sa hatol ng panglunsod na hukom o panglunsod na korte.

Pagpapawalang bisa ng penniso o lisensya ng negosyo (kapag ang lumabag ay ngalan ng negosyo o sa establisimento.

d. ) Pagpapawalangbisa ng lisensya (Suspension of License)- Ang lisensya ng pagpapatakbo ng negosyo ng anumang establisimento o anumang pampublikong sakayan ng pang hatid (tricycles) ay nasasakop ng kautusang panglunsod na ito ay sususpindehin sa loob ng isang linggo pero hindi lalabis ng isang buwan.

e.) Tulong o serbisyong pang komunidad (community service) - Kung ang lumabag ay walang kakayanan na magbayad ng kaukulang multa, ang lalaki o babae na lumabag ay maaring pumili ng kanilang serbisyong pangkomunidad sa lungsod. Sa bawat oras ng serbisyong pangkomunidad ang kanilang multa ay babawasan sa halagang katumbas sa 3 oras na pinakamababa sweldo sa syudad.

•serbisyong Makatao, Lungsod na Makabago!" J

Page 8: santarosacity.gov.phsantarosacity.gov.ph/file-manager/files/ORDINANCES/... · 8. kgg. paulino y. camaclang, jr. 9. kgg. edward fernandito s. tiongco 10. kgg. rodrigo b. malapitan

,-

Republic of the Philippines CITY OF SANTA ROSA

Province of Laguna

-

OFFICE OF THE SANGGUNIANG PANLUNGSOD

PANGKAT 12. TIJNGKUUN AT RESPONSIBIUDAD NG TAGAPAGPATIJPAD - Maliban sa (l)pagtanggap, pag-aaral at pagproseso ng ulat ng pag-angal o protesta sa di pagsunocl ng Kautusang ito at (2) ng mga tagapagpapatalaga sa ilalim ng Pangkat 13 hanggang 16 ukol dito, ang Tagapagpatupad ay magkakaroon ng mga sumusunocl na responsibilidad:

a. Ang Panlungsocl na Manggagamot (City Health Officer) ay:

1. Magtatalaga ng opisyal na Sipi ng tiket ( Citation Tickets) sa mga tagapagpatalaga 2. Magtatalaga ng "hotline' o kahit anong numero kung saan pwedeng isuplong ang kahit

anumang di pagsunocl sa nasabing Ordinansa sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono o pagtext (SMS) at bukocl dito ay magtatalaga rin ng isang tao na mangangasiwa sa linya at siyaring magtatala ng ulat .

3. Magsisilbing pangkalahatang tagapagtugma sa lahat ng opisina ng Local Government Unit (LGU) na kalahok sa pagpapatupad ng Ordinansang ito

4. Magsisilbing ahente ng Ingat-yaman (Treasurer) sa pagkolekta at pagtanggap ng mga multang ibinayad ng mga lumabag

5. Gagawing bahagi ng programang pangkalusugan ang pagpigil ng paggamit ng tabako, kabilang ang pagsasakatuparan at pagpapatupad ng Ordinansang ito, pagpapanukala para sa pagpondo ng pangkalahatang badyet ng Pamahalaang Panglunsocl ng Santa Rosa, Laguna (City Government of Santa Rosa, Laguna)

b. Ang Pangkalusugang Tagapagturo at Tagapagpalaganap (Health Education and Promotion Officer) ay:

1. Bubuo magkakalap ng materyales pang impormasyon, edukasyon at komyunikasyon sa masamang dulot ng segundamano (second-hand) na usok galing sa sigarilyo pati na rin sa mga iba pang kondisyon sa ilalaim ng Ordinansang ito

2. Manghikayat ng mga botante ng Local Government Unit (LGU) upang magmasid at mag ulat ng mga paglabag sa Ordinansa

3. Tutulong sa Panlungsod na Manggagamot sa pagbuo at pagpapasimula ng programa sa paghinto sa paninigarilyo

c. Ang Panglunsod na Manananggol (Legal Officer) ay:

1. Tutulong sa Sangguniang Pangkalusugan sa pagsuri ng mga ulat at ng reklamo para sa mga paglabag ng Ordinansang ito pati na rin ang pagtiyak sa katapat na pananagutan ng mga paglabag

d. Ang Pinuno ng Gusali (Building Officer) ay:

1. Mangangasiwa mag isa o kasama ang Sangguniang Pangkalusugan sa mga gawaing pagsusuri ayon sa nasasaad sa Ordinansa

2. Aalamin kung ang mga lugar pampubliko na sarado o di gaanong sarado, mga lugar panghanapbuhay o iba pang pampublikong lugar ay sumusunod sa mga pinapatupad ng Ordinansa

e. Ang Tagapagbalita (Information Officer) ay:

1. Magpapalimbag ng Sipi ng tiket ( Citation Tickets) at mga kopya ng Ordinansa para sa pagpapamahagi sa publiko

2. Gagawa ng panimulang aklat o ''primer'ng kabuuang mga bahagi ng Ordinansa 3. Isasapubliko o Ipapamalita ang mga gawain alinsunocl sa pagsasakatuparan at pagpapatupad

ng Ordinansa

"Serbisyong Makatao, Lungsod na Makabago!" ~

Page 9: santarosacity.gov.phsantarosacity.gov.ph/file-manager/files/ORDINANCES/... · 8. kgg. paulino y. camaclang, jr. 9. kgg. edward fernandito s. tiongco 10. kgg. rodrigo b. malapitan

..--...

Republic of the Philippines CITY OF SANTA ROSA

Province of Laguna

-

OFFICE OF THE SANGGUNIANG PANLUNGSOD

f. Ang Pinuno ng Penniso sa Negosyo at Lisensya (Business Permits and License Officer) ay:

1. Mag-uutos ng suspension pagpapawalang-bisa ng permisa at lisensya ng mga lugar pangkalakal na nakitaan ng paglabag ng Ordinansang ito saklaw ng mga bahagi ng Pangkat 8 ukol dito

2. Pagtanggi ng pagbibigay muli ng permiso o lisensya sa mga lumabag ng Ordinansa

g. Ang Kasapi ng samahan ng Mamamayang Sibiko (CSO Representatitive) ay:

1. Tutulong sa mga pangunahing pagsisiyasat o inspeksyon at sa pagmonitor o pagsubaybay ng mga paglabag ng Kautusan.

2. Tutulong sa pagpapalaganap ng kaalaman ng Kautusan at sa paghihikayat ng suporta ng publiko at ang pakikibahagi sa pagsasakatuparan at pagpapatupad

3. Tutulong sa pagbuo at pagpapasimula ng programa sa paghinto ng paninigarilyo 4. Tutulong sa pagbuo at pangangasiwa ng mga seminar pang-oryentasyon at pagsasanay para

sa tagapagpatupad 5. Tutulong sa pagsususri sa pagsasagawa ng Hukbong Tagapagpatupad (Task Force) at ang

kaakibat na di makatuwirang pagsasakatuparan at pagpapatupad ng Kautusang Panlungsod.

h. Ang Kinatawan ng Pambansang Kapulisan ng Pilipinas (PNP Representative) ay:

1. Manghuhuli ng mga lalabag sa mga bahagi o tadhanain ng Kautusan. 2. Tutulong sa mga opisyal ng Local Government Unit (LGU) at mga naatasang sibilyan sa

paghuli ng mga lalabag pati na rin sa paglalathala ng kaukulang reklamo.

i. Ang Pinunong Tagapagpamalakad ng Panglunsod o Lokal na Pamahalaan (DILG Qty/Municipal Local Government Operations Officer) ay:

1. Makikibahagi at magmomonitor ng aktibong partisipasyon ng lahat ng Opisyal ng Baranggay sa pagpapasakatuparan ng Ordinansa

2. Magbibigay o tutulong sa pamamahala ng programa sa pagtataguyod ng kapasidad o tulong na teknikal na kakailanganin o na maaaring hilingin

PANGKAT 13. PAGPAPATUPAD SA MGA INDIBIDWAL - Ang mga kasapi ng PNP ay manghuhuli at magbibigay ng mga Sipi ng tiket ( Citation nckets) laban sa mga tao na mahuhuling maninigarilyo sa mga lugar kung saan ipinagbabawal ito. Dapat nilang ipadala ang mga kopya ng tiket na naibigay nila laban sa mga lumabag ng Ordinansa sa Tanggapang Pangkalusugan (Health Office) nang panayan o tatlong beses sa isang linggo.

PANGKAT 14. PAGPAPATUPAD SA PAMPUBUKONG HAilRAN O SAKAYAN (PUBUC CONVEYANCES) - Ang mga kasapi ng PNP kasama ng mga tao na naatasan ng Hukbong Tagapagpatupad ( Task Force) ay magsasagawa ng inspeksyon o pagsusuri ng pampublikong Hatiran o Sakayan o himpilan tuwing eras ng karaniwan nilang operasyon at magbibigay ng Sipi ng tiket ( Citation nckets) sa pagkakataon na may madiskubre na paglabag sa Kautusan. Dapat nilang ipadala ang mga kopya ng nasabing tiket nang panayan o tatlong beses sa isang linggo.

PANGKAT 15, PAGPAPATUPAD SA MGA ESTABUSIMENTO. -Siyamnapung (90) araw matapos magkabisa ang Ordinansang ito, isang pangkat ng mga manunuri mula sa mga kawani ng Opisina ng Pangkalusugan (Health Office), ng Engineer's Office at ng Opisina ng Penniso at Lisensya ( Petmits and License Office) ay magsasagawa ng kaukulang inspeksyon o pagsusuri ng mga establisimento at gusali upang malaman kung ang mga nasabing lugar ay ayon alinsunod sa mga nahagi ng Ordinansa.

Panayan/palagiang inspeksyon o pagsusuri magbuhat sa Unang Pagsisiyasat ay isasagawa isang beses bawat buwan o maaring kasabay sa karaniwang inspeksyon na isinasagawa ng Local Government Unit [LGU], kung alinman ang mas madalas, tuwina sa karaniwang oras ng operasyon ng lugar pangkalakalan.

"Se,·bisyong Makatao, Lungsod na Makabago!" ~ \

Page 10: santarosacity.gov.phsantarosacity.gov.ph/file-manager/files/ORDINANCES/... · 8. kgg. paulino y. camaclang, jr. 9. kgg. edward fernandito s. tiongco 10. kgg. rodrigo b. malapitan

-

Republic of the Philippines CITY OF SANTA ROSA

Province of Laguna

..........

OFFICE OF THE SANGGUNIANG PANLUNGSOD

Ang pangkat ng mga inspektor o manunuri ay magbibigay ng sipi ng tiket ( Citation T,ckets) laban sa mga establisimento sa pagkakataong may makitang di pagsunod o paglabag sa Ordinansa. !sang "Citation Ticket' ang maaring ibigay sa bawat araw na makitaan ng paglabag ang establisimento.

Pag-uulit ng inspeksyon o pagsusuri sa lugar pangkalakalan ay isasagawa sa alinmang araw matapos ang pagbigay ng Sipi ng tiket ( Citation Ticket), subalit di lalagpas sa sampung (10) araw matapos ang pagbigay sa kahit anumang kadahilanan. Sa pagkakataong mabigo o di makatupad ang lugar

pangkalakalan na sumunod sa mga tungkulin na nakasaad sa sipi ng tiket ( Citation Tickef) sa araw ng muling inspeksyon o pagsusuri, ang pangkat ng mga inspektor ay maaaring magrekomenda o magtagubilin ng suspensyon ng lisensya sa pagpapatuloy ng operasyon ng lugar pangkalakalan, alinsunod sa Pangkat 8 (d) ukol dito.

Sa kurso o pagkakataon ng pagsusuri, ang pangkat ng mga inspektor ay maaring manghuli ng mga indibidwal na lalabag sa Ordinansa at maari ring humingi ng tulong o alalay sa PNP.

PANGKAT 16. PAKIKIBAHAGI NG MGA SIBILYAN SA PAGPAPATUPAD - Sa loob ng Talumpung (30) araw mula sa pagkabisa ng Ordinansa, ang kinatawan ng samahan ng mamamayang sibiko (CSO) na kumakatawan sa Sangguniang Pangkalusugan at ayon sa pagpapahintulot ng Local Chief Executive (LCE), ay gagampanan ang mga tungkulin at responsibilidad na kabilang sa Pangkat 12 (g) ukol dito.

Ang Hukbong Tagapagpatupad ay maaring magbigay kapangyarihan sa mga karapat-dapat na sibilyan para magsilbing tagapagpatupad ng Kautusang ito.

Sinumang tao ay maaaring magharap/magdala ng ulat o reklamo sa Hukbong Tagapagpatupad sa anumang paglabag ng Kautusang ito.

PANGKAT 17. PAMAMARAAN NG PAGGANYAK O GATIMPALA - Ang nakahuling opisyal o sibilyang na nabigyan ng kapangyarihang tagapagpatupad ay may matatanggap na kaukulang Sampung Porsyento (10%) ng katapat na halaga ng salaping multa na ipinataw laban sa lumabag. Sasailalim, ganunpaman, sa karaniwang pampamahalaang sistema ng pagtutuos at pagkwenta ang gantimpala.

KAMPANYANG PANG-IMPORMASYON

PANGKAT 18. PAGPAPALAGANAP NG IMPORMASYON - Sa loob ng Animnapung (60) araw ng pagpapatibay ng Kautusang ito, ang Tanggapang Pangkalusugan ay:

a. Sa pakikipag-ugnayan sa Sangguniang Panglunsod:

1. magbigay ng di bababa sa dalawang (2) kopya ng Kautusang ito sa bawat istasyon o presinto ng PNP sa Local Government Unit [LGU];

2. magbigay ng panimulang aklat o "primer'' tungkol sa Kautusang ito sa bawat miyembro ng PNP sa Local Government Unit [LGU]; at

3. mamahala ng panayam na maikli sa mga miyembro ng PNP tungkol sa mga bahagi ng Ordinansang ito at ng iba pang tungkulin ayon sa pagpapapatupad nito.

b. Sa pakikipag-ugnayan sa Pinuno ng Permiso at Lisensya, magbigay ng kopya ng Ordinansang ito at ng panimulang aklat sa lahat ng establisimento na may lisensya na magpatakbo at magbukas sa publiko, pati na rin ang mga nagnanais magkaroon ng lisensya magpatakbo ng pangkalakal.

c. Sa pakikipag-uganayan sa Sangguniang pangimponnasyon, magbigay ng kopya ng Ordinansang ito at ng panimulang aklat sa lahat ng tagapangasiwa o tagapamahala ng pampublikong sasakyan sa Local Government Unit [LGU].

"Serbisyong Makatao., Lungsod na Makabago!" J

Page 11: santarosacity.gov.phsantarosacity.gov.ph/file-manager/files/ORDINANCES/... · 8. kgg. paulino y. camaclang, jr. 9. kgg. edward fernandito s. tiongco 10. kgg. rodrigo b. malapitan

.t '

Republic of the Philippines CITY OF SANTA ROSA

Province of Laguna

--

OFFICE OF THE SANGGUNIANG PANLUNGSOD

PANGKAT 19. PAMPUBUKONG PASKILAN, PAUNAWA SA BARANGGAY - Sa pagkakataong magkabisa ang Kautusang Panlungsod na ito, ang Engineers Office ay maglalagay ng paskil sa mga lantad na lugar sa Local Government Unit[LGU] para ipaalam sa publiko ang mga pagbabawal o paghihigpit at mga pahintulot na ipinataw ng Ordinansa. Ang Sangguniang Pangimporrnasyon ay agarang magbibigay ng paunawa na ikakalat sa baranggay ang tungkol sa mga tungkulin ng mga tao sa ilalim ng Kautusan.

PANGKAT 20. PANGANGASIWA NG MGA SEMINAR PANG-ORYENTASYON AT MGA PAGSASANAY - Sa loob ng animnapung (60) araw mula sa pagkabisa ng Kautusan at panayang ulit matapos iyon, ang Panlungsod na Manggagamot, sa tulong ng Pangkalusugang Tagapagturo at Tagapagpalaganap at ng kawani ng CSO na naatasan sa ilalim ng Pangkat 16 ukol dito, ay magbubuo at mangangasiwa ng hanay ng seminar pang-orientasyon at mga pagsasanay para sa mga tagapagpatupad ng Kautusan. Hindi bababa sa isa sa bawat grupo at kasama ,ngunlt di saklaw sa mga naatasang tagapagpatupad, ang tulad ng mga barangay health workers, barangay tanocl, at ang lokal na PNP.

PANANALAPI (FINANCING)

PANGKAT 21. PAGPOPONDO - Ang paunang pagpopondo ng pagbabayad ng mga nagastos na kinakailangan o nagkataon sa pagbabayad ng ordinansang ito sa halagang (ilagay ang halaga dito) ay kukunin sa Local Government Unit (LGU) pondo at sa pamamagitan nito ay inilaan,bawat isa pagkaraan nito, di bababa sa sampung porsyento (10%) ng badyet o pondong pangkalusugan (health budget) ay ang kusang isasama sa Taunang pondo (Annual Budget) ng Local Government Unit (LGU) para sa pagsasagawa at pagpapatupad ng ordinansa, base/ayon sa piano ng Local Governmnet Unit (LGU) at sa programa nito.

Ang mga gastos ay kinabibilangan ng, pero hindi nalilimita sa:

a. Presyo ng paglathala ng mga kopya ng ordinansa, ang mga Sipi ng Tiket (Citation Ticket) at materyales pang impormasyon, edukasyon at komunikasyon tungkol sa pagkontrol ng tabako.

b. Presyo ng pagsusuri at pagpapatupad "Smoke free task force" kabilang ang mga panggastos para sa pagkain at transportasyon kung saan ang mga halaga ay itatala ng office of the Local City Executive .(LCE)

c. Ang pagaganyak o gamtimpala para sa pribadong mamamayan na mag uulat ng mga lalabag sa ordinansa.

d. Gastos ng samahan at pagpapatakbo ng programa sa paghinto/pagpapatigil ng paninigarilyo at sa pasilidad.

e. Iba pang gastos na maisasama sa pagsasagawa at pagpapatupad ng ordinansa.

Bukocl doon, ang nakokolektang pondo buhat sa mga multang ipinataw sa mga lumalabag ng ordinansa, ay idadagdag sa pondong eksklusibo sa gamit ng proyek:tong programa sa paghinto ng paninigarilyo at sa mga Gawain ng lungsocl/munisipalidad.

PANGKAT 22. TALATA NG PAGPAPAWALANG BISA- lahat ng ordinansa na salungat o di tugma sa ordinansang Ito ay pinawalang bisa o babaguhin alinsunocl sa itinatakda ng batas.

PANGKAT 22. TALATA NG PAGHIHIWALAY - Sa pagkakataong alinmang bahagi ng Kautusan ay ipahayag na labag sa saligang batas o walang bisa, ang bisa nito ay di maapektuhan ang iba pang parte/tadhanain o saklaw mg Kautusang ito.

" Se1·hisyong Makat-ao, l.ungsod na Mak a.bago.!" ~

Page 12: santarosacity.gov.phsantarosacity.gov.ph/file-manager/files/ORDINANCES/... · 8. kgg. paulino y. camaclang, jr. 9. kgg. edward fernandito s. tiongco 10. kgg. rodrigo b. malapitan

r ., -

Republic of the Philippines CITY OF SANTA ROSA

Province of Laguna

-

OFFICE OF THE SANGGUNIANG PANLUNGSOD

PANGKAT 23. TALATA NG PAGKABISA - Ang Kautusang ito ay magkakabisa sa loob ng labinlimang (15) araw para sa mga taong lumabag sa Kautusang ito at 6 na buwan para sa mga korporasyon o establisimiento ( na sakop ng 100 metro mula sa tanggapan o pasilidad na pag-aari ng pamahalaang lungsod) matapos ng pagkalathala sa isang local na pahayagan o pangkalahatang sirkulasyon o pagpaskil sa bilang na di bababa sa 18 lantad na lugar sa probinsiya ng Laguna, Lungsod ng Santa Rosa.

BUONG PAGKAKAISANG PINAGTIBAY.

PATOTOO:

Pinatutunayan ko na ang Kautusang ito ay pinagtibay para sa Ikatlong Pagbasa at sinipi mula sa Katitikan ng Ika-labing anim na Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlung~ noong Ika-25 ng Abril, 2011.

CYNTHif . GOMEZ Kalihim Panlungsod

Pinato/hjan:

ARNEL~OMEZ Pangalawang Punong-lungsod

Pinagtibay:

~~ ARLENE B.ARCILLAS

Punong-lungsod

"Serhisyung M.akat.ao, Lung.sod na Makabago1"